Gaz's POV
I gently tap my face with a clean towel after taking a bath. It's our 4th day here in Mercantile, pero parang dalawang linggo na ang nakakaraan. Sobrang bagal ng araw.
Binalot ko ang twalya sa bewang ko bago lumabas ng banyo at dumiretsyo na ng kwarto. Nadatnan ko dito si Zath na nag-aayos.
"Una na ako Gaz, kakain na. Bilisan mo na magbihis."
"I know." Sagot ko.
Umalis na ito at agad naman akong nagsuot ng pantalon. Ayaw ni Señor na pinaghihintay ang pagkain kaya naman kumuha na ako ng puting t-shirt tyaka lumabas agad ng kwarto. Habang naglalakad ay nagmamadali ko na ding isinusuot ang damit. Hindi ko pa tuluyang naaayos ang damit ko ay nakita ko na sa harapan ko ang weirdong babae sa bar. Naka-bukas ang bibig nitong nakatitig sa akin.
'Ano nanaman kayang kalokohan nasa isip nito?' Nasabi ko sa sarili bago nagpatuloy sa paglalakad.
Dinaanan ko lamang s'ya at sinundan naman n'ya ako ng tingin. Tumigil ako dahil sa labis na pagka-irita. Sinamaan ko ito ng tingin pero parang wala itong nakita at nakatitig lamang sa katawan ko. Is she checking my body out? Really?
Nasiraan na yata 'to ng bait. "Can you please stop? Hindi dahil nag-offer ka ng free service sa amin as a nurse, pwede mo na pagnasahan ang mga tao dito." Iritado kong sabi.
She snapped and made a way for me. "S-sorry." Sabi lamang nito pero halata pa rin sa mukha n'ya ang tuwa.
This is all King's fault. Kung sino-sinong binibitbit dito sa barko.
Agad na akong naupo nang makarating sa hapag. "Oh andito na ang lahat! Tara na't kumain! Asè, maupo ka na rin." Sigaw ni Señor. What's with her name? I think I heard it from a song or somewhere.
"Excuse me." Narinig kong sabi ni Asè kay Zath at tyaka nito isiniksik ang sarili sa tabi ko.
Hindi ko alam kung saan humuhugot ng lakas ng loob ang babaeng 'to. I clearly told her, I didn't like her.
"Asè! Thank you for the food. Ang sarap ng chicken curry na dala mo!" Maya-maya ay sabi ni Señor.
"Naku wala po 'yon." Mahinhin nitong sagot na para bang di makabasag pinggan na klase ng babae. "Gaz, ano? Masarap ba? Niluto ko talaga 'yan kasi sabi ni King paborito mo 'yan." Bulong nito sa akin.
Without looking at her, I firmly closed my eyes and took a deep breath to control myself. Ilang beses na ginawa sa akin 'to ni King. Kung sino-sino na lang nirereto sa akin sa bawat bayan na dadaungan namin. Why can't he understand na ayoko ng ganito. Love shouldn't be forced.
"Ilang taon ka na pala Asè?" Muling tanong ni Señor.
"20 po, Señor."
"Ang bata mo pa pala, sigurado ay may nobyo ka na. Mabuti at pinayagan ka dito kahit panay kami lalaki at pirata pa hahahaha!"
I found myself attentively listening and waiting for her answer. Well, we really need to know about that. Hindi naman dahil pirata kami ay pwede na kaming pag-isipan ng masama ng iba dahil lang lumalapit sa amin ang babaeng 'to, lalo kung may nobyo s'ya.
"Naku wala na po."
"Wala na? Bakit? Kahihiwalay n'yo lang ba?"
"Opo eh, iba na po gusto ko ngayon." I can see her through my peripheral vision, nakayuko itong sumagot. Patuloy lang ako sa pagkain at hindi tumitingin sa kanila habang nag-uusap dahil ayokong isipin nilang may pake ako.
"Ang swerte naman ng lalaking 'yan hahaha may nurse na marunong magluto hahaha!" tuwang-tuwa si Señor na nakikipag-usap dito.
"Tingin n'yo po?" Masiglang tanong naman n'ya.
YOU ARE READING
Shipped Towards You
RomanceAvyanna Sereia "Asé" Buencamida, anak ng isa sa kilalang may-ari ng clinic sa syudad ng Barameda. Dahil sa pagkakaroon nila ng maliit na branch ng kanilang clinic sa abalang bayan naman ng Mercantile, ipinadala dito si Sereia upang maging katuwang n...