Asè's POV
Tatlong araw na ang nakalipas mula nang magkita kami ulit ng piratang ninakawan ko. Tatlong araw ko na rin s'yang minamanmanan. Madalas ako pumwesto sa may dulo ng bato kung saan tanaw ang pampang at barko nila sa likod ng malaking puno. Doon ay madalas ko s'yang nakikita sa barko nilang nagbabasa o kaya naman ay natutulog.
Kung dati ay takot ang nararamdaman ko sa kanya, ngayon ay nag-iba. Nung araw na nakita ko ang buong mukha n'ya, was also the day I think I fall for him. Aaminin kong nagsimula talaga dahil sa itsura na meron s'ya. Dark hair and gray hunter eyes. Hindi ito ang ayos ng karaniwang pirata na nasa isip ko. Maayos ang pananamit nito, hindi rin maitim ang balat n'ya pero hindi ko rin masasabing maputi. Hindi s'ya mukhang madungis, para bang alagang-alaga ang balat nito maliban na lang sa sugat na nakita ko sa kanyang kamay.
Sobrang bilis pero hindi ko rin makontrol ang sarili ko. Gusto ko s'yang nakikita lagi. Napaka-gwapo n'ya kahit natutulog. He looks so cool with his huge sword beside him. Sa tatlong araw na pagmamatyag ko, lalo akong nagkagusto sa kanya.
Hindi ko rin malaman kung bakit. Hindi ito pala-ngiti pero 'pag nagsusungit s'ya sa mga kasamahan n'ya ay lalo akong nahuhulog sa kanya.
That's why I came up with an idea to get him closer to me. Alam kong mabait s'ya, di n'ya lang ma-express. Pero wala pa akong maisip na pwedeng gawin para mapalapit sa kanya.
Habang nag-iisip ng paraan ay nakarinig ako ng ingay mula sa daungan. Agad akong sumilip gamit ang binocular ko. Nakita kong may nag-aaway na lalaki na palagay ko ay mga pirata. They were both using sword, and I can't help but notice how skilful they were.
Nagmamadali akong tumingin sa direksyon ng crush kong pirata, natutulog ito ngayon. Siguro ay napagod s'ya sa pagbubuhat kaninang umaga.
'Walan'ya 'tong mga piratang 'to! Andaming pwesto, d'yan pa talaga napiling mag-away malapit sa crush ko!'
Minabuti kong lumapit sa daungan para makita nang malapitan ang nangyayari. Sana lang ay di na tumagal ang away dahil baka magising si pirate man. Wala pa itong pahinga kaya sana ay di na tumagal ang away na 'to.
Nasa gilid ang ibang mga tao na nanonood sa nangyayari. Pumwesto ako sa harapan para makita nang mas maayos ang away. Sa likod namin ay ang barko ng gwapong pirate man.
Habang nanonood ng away ay naghiyawan ang lahat at nagsitakbo nang lumapit sa amin ang isang pirata na may hawak na espada. Napako ako sa pwesto ko dahil sa takot.
Kumunot ang noo nito nang makitang di ako umalis sa pwesto ko. "Hahaha matapang pala ang mga babae dito!" Sabi nito habang papalapit pa lalo sa akin. "Di kita sasaktan, sumama ka sa amin. Maglalaro lang tayo HAHAHA!" Sabi nito sa akin habang nakangisi.
Uminit ang ulo ko sa sinabi nito. "AYOKO! ANG PANGIT MO!" Sigaw ko dito. Huli na nang ma-realize ko ang sinabi ko. Nakita kong galit na galit ito at itinaas ang kanyang espada para saktan ako. Napapikit ako at iniharang ang kamay ko, nag-aabang sa pagdako ng patalim sa kamay ko.
Maya-maya ay may naramdaman akong kamay sa likuran ko. Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ang gwapong pirata na nasa harapan ko habang hawak ang kanyang espada sa kanang kamay nito at hinarangan ang espada ng pirata kanina.
"Leave her alone." Pagbabanta nito sa masamang pirata. Lumingon ito sa akin at nakaramdam ako ng takot dahil sa matalim na tingin nito.
"Tsk, stupid." Sabi nito sa akin bago nito tinanggal ang kamay n'ya sa likuran ko na nakasuporta kanina. Agad nitong inatake ang piratang lumapit sa akin, pati na rin ang iba pang nag-aaway kanina. His sword manship was incredible. Napakabilis nitong kumilos, kaya n'yang kalabanin ang mga ito kahit mag-isa lamang n'ya. Akala ko ay mahihirapan ito dahil malaki ang espadang gamit n'ya at tiyak na mas mabigat kumpara sa iba ngunit parang naging advantage pa n'ya ito.
YOU ARE READING
Shipped Towards You
RomanceAvyanna Sereia "Asé" Buencamida, anak ng isa sa kilalang may-ari ng clinic sa syudad ng Barameda. Dahil sa pagkakaroon nila ng maliit na branch ng kanilang clinic sa abalang bayan naman ng Mercantile, ipinadala dito si Sereia upang maging katuwang n...