King's POV
"Napaka-gwapo at bait mo namang bata, eto dadagdagan ko ang patatas." Sabi sa akin ng tinderang binibilhan ko ng gulay na kanina ko pa binobola.
"Salamat po, sa inyo na ako laging bibili hahaha" sagot ko naman.
"TUMAKBO NA KAYO PALAYO! MAY MGA PIRATANG UMAATAKE NGAYON SA DAUNGAN!" Narinig kong sigaw ng mga taong nagtatakbuhan palayo.
Pinigilan ko ang isa sa mga tumatakbo para tanungin. "Anong meron?" Tanong ko.
"Magtago na muna kayo at inaatake tayo ng mga pirata. Marami na ang sugatan malapit sa daungan." Natatarantang sagot nito bago tuluyang tumakbo paalis.
Nagmadali ako agad bumalik sa daungan. Nadatnan ko ang isa sa mga kasamahan naming akma nang sasaksakin ng isang pirata kaya't inuna kong sugurin ito. Maya't-maya ang lingon ko sa malaking puno kung saan ko iniwan si Asè.
'I hope she's fine.' Bulong ko sa isip.
Tuloy-tuloy akong umawat sa mga piratang nanggugulo. Natuon bigla ang atensyon ko nang makarinig ng sigaw galing sa isang pirata. Nakita ko itong namimilipit sa sakit habang ang espada ni Gaz ay nakabaon sa hita nito. Walang reaksyon naman si Gaz na hinila mula sa hita ng lalaki ang kanyang espada at nagpatuloy sa pakikipag-laban.
He's brutal when it comes to fighting, but he never killed anyone he defeated. He let them suffer with painful deep wounds. That's how it works for him.
Sa tingin ko naman ay maayos ang lagay ni Asè dahil wala pang pirata akong nakitang lumapit sa puno.
Habang malalim ang iniisip ko ay di ko napansin ang pag-atake ng isang pirata sa akin. Agad nitong ibinaon sa tagiliran ko ang kutsilyong hawak nito. Agad akong bumawi dito at sinaksak naman s'ya sa parte kung saan matatagpuan ang kanyang puso.
Matapos ang laban ay nanghihina akong napa-upo dahil sa sugat na natamo ko. Hawak ang parte kung saan ako napuruhan ay umaagos na ang dugo.
"King! Halika na at gagamutin natin 'yan!" Sigaw ni Zath sa akin habang tumatakbo palapit.
"I-I can't." Nanghihina kong sagot habang pilit na tumatayo.
"Why? Aalalayan kita."
"No. K-kailangan ko munang... s-siguraduhing safe si Asè."
"Sa kondisyon mo ngayon, mas kailangan mong isipin ang sarili mo King!"
"NO! I left her there! I couldn't just take a rest while she might be waiting for a help."
Hindi ko na hinintay ang sasabihin ni Zath at pinilit ko na ang maglakad palayo kahit na mayroon akong iniinda.
Hinanap ko si Asè sa lugar malapit sa puno dahil alam kong di s'ya makakalayo doon. Matapos ang ilang oras na paghahanap ay napansin kong mayroong tila tagong daan sa gilid ng dagat. Sinundan ko ito at nakitang may maliit na kweba sa dulo.
"Asè?!" Sigaw ko, hoping to hear a response. Dahan-dahan akong naglakad palapit dahil sa madulas ang putik na daraanan gawa ng malakas na ulan.
Inilawan ko ang loob ng kweba at nakitang may tao nga doon. Lumapit pa ako lalo at nakumpirma ko ang suot ng taong nasa loob.
Agad akong tumakbo palapit at nang makarating doon ay nakita ko si Asè na walang malay. Basang-basa na rin ito at may putik ang palda na suot.
"Asè! Gumising ka!" Sabi ko dito habang marahang tinatapik ang kanyang pisngi.
Minabuti ko nang buhatin s'ya dahil alam kong nilalamig na ito. I carried her in a bridal way, going back to the ship.
----
YOU ARE READING
Shipped Towards You
RomanceAvyanna Sereia "Asé" Buencamida, anak ng isa sa kilalang may-ari ng clinic sa syudad ng Barameda. Dahil sa pagkakaroon nila ng maliit na branch ng kanilang clinic sa abalang bayan naman ng Mercantile, ipinadala dito si Sereia upang maging katuwang n...