“Five little monkey. Humpty dumpty. Mama called the doctor and the doctor said. Pagbilang kong tatlo—”
“Elyana! Anak!”
Naputol ang pagkanta ni Elyana nang marinig ang sigaw ng kanyang Nanay Elena. Malayo pa siya sa kanilang balkonahe pero damang-dama na niya ang excitement sa boses ng ina.
“Bago iyon, ’Nay, ah! Kailan ka pa natutong sumigaw ng gano’n kalakas?” tudyo niya sa ina nang makalapit dito.
“Ang batang ’to! Excited lang akong sabihin na nagustuhan ni Señorito Alejandro ang mga luto mo.”
“Salamat naman kung gano’n.” Inilapag niya sa lamesitang nasa labas ang dalang bag na puno ng test papers. “Ha?! Nandito Señorito Alejandro? Akala ko ba nagke-crave lang si Senyora Aurora ng ube halaya?”
“Kadarating lang ng señorito ngayon. Ang narinig ko ay permanente na siya sa hasyenda.”
Napatango-tango siya. “Eh ’di, masayang-masaya ngayon si Don Osong.”
“Aba’y oo, sa wakas nagbalik na ang kanyang panganay na apo.” Napakalawak ang ngiti ng nanay niya.
“Bakit po pala ang aga niyong umuwi ngayon?” tanong niya. Pasado alas sais pa lang, kadalasan ay alas otso na kung umuwi ang ina.
“Kukunin ko sana iyong dalawang tupperware na natira sa niluto mo pero wala na pala.”
“Pinamigay ko sa mga kasamahan kong guro. Bakit po?”
Nameywang ang Nanay niya. “Kinulang kasi ang isang bilao na niluto mo. Gusto ng señorito na iyon ang kainin na midnight snack daw.”
“Grabe naman! Dapat nagtira kayo, ’Nay.”
“Masarap kasi anak, kaya naubos namin,” natatawang tugon nito. “Pumunta ka mamaya sa mansiyon para magluto ng lasagna. Alam mong lutuin iyon, ’di ba?”
“Opo pero bakit ipapaluto pa sa akin? Mag-order na lang sila sa fast food chain.”
“Na-miss din daw ng señorito ang mga lutong bahay.”
Napangiwi siya. “Naloko kayo, Nanay! Ayaw kong pumunta.”
“Elyana! Ayusin mo ang pananalita mo,” saway ng ina sa kanya.
“May gagawin po ako.”
“Sabado bukas at walang pasok. Huwag kang magdahilan. Mauuna na ako at hihintayin kita roon.” Tinalikuran siya nito saka sumakay sa electric bike na binili niya para dito.
Nagmaktol si Elyana nang makaalis ang Nanay Elena niya. Ayaw niyang pumunta. Ora mismo siyang pupunta kung ang Senyora Aurora ang nagpatawag sa kanya pero hindi. Si Señorito Alejandro iyon! Nagtayuan ang mga balahibo niya sa katawan kahit hindi siya mabalbon – nang lumitaw sa isip ang pigura ng lalaki.
Hindi siya pupunta. Period with t!
Ipinasok niya sa loob ng silid ang mga gamit bago naligo. Eksaktong pagkatapos niyang magbihis ay tumunog ang kanyang cellphone. Nanay niya ang tumatawag. Sasagutin ba niya o hindi? Hindi pero pinindot niya ang green button.
“Isa, Elyana. Halika na rito!” Binibilangan kaagad siya nito.
“Ayaw ko po.” Ipinarinig niya ang pagtutol sa tono.
“Dalawa!”
“Opo, heto na nga!”
Siya na ang pumatay sa tawag. Nagngingitngit ang kalooban ni Elyana habang ipinupusod ang buhok. Nakasuot na siya ng sleeveless dress sleepwear pero hindi naman halatang pantulog iyon. Pinatungan niya lang ng crochet croptop cardigan para itago ang kanyang mga braso. Nang makaayos ay tinungo niya ang motorsiklong nakaparada saka pinasibad iyon papunta sa mansiyon ng Hasyenda Dela Garza.
BINABASA MO ANG
Los Hacienderos Series 1: Enticing Offer
RomanceAlejandro Dela Garza was having the best of his life in the city until it was time to go back home. Ang mga kayamanan lang ng kanyang abuelo ang dahilan ng pag-uwi niya ngunit nagbago iyon nang makita muli si Elyana. Ang babaeng nagpapainit sa ulo n...