Saye
NABALIK ako sa reyalidad ng muli niya akong hinila at tumakbo sa masukal na kakahuyan na katabi lamang ang hardin ng mansyon ng prinsipe.
"Aligaga ang lahat dahil sa biglaang pag dating ng heneral mula sa digmaan. Ito ang tamang panahon para tumakas, mahal na prinsesa."
Hindi na ako umimik dahil sumasakit na ang ulo ko sa mga naririnig.
"Alam kong may sikretong daan palabas mula dito. Kailangan natin umalis, kailangan kitang ihatid sa Solime. Dahil sigurado akong ikaw ang nawawalang anak ng hari."
Ramdam kong may pumitik sa noo ko. Sobrang sakit, hindi ko na maintindihan ang mga nangyayari.
Sigurado akong hindi ako nagmula sa lugar na ito. How come na anak ako ng isang hari?
"Dito!" Sigaw nito ng makakita ng isang di kaliitang butas sa Isang pader. Sapat lamang na magkasya kami room lalo't hindi naman kami ganoon ka laki.
"Kailangan na natin tumakas, halika."
Nagdalawang isip ako at napansin niya iyon.
"Naiintindihan ko kung bakit ka naguguluhan. Pero pwede mo akong pagkatiwalaan." Ngumiti ito sa akin. "Ako pala si Sonya, isa akong tapat na alipin ng iyong kaharian."
NAPAPIKIT ako sa malakas na pagtama ng hangin sa aking mukha. Nagtagumpay kami sa pagtakas at ni hindi man lang kami nadakip ng mga kawal dahil narin siguro sa mga kaganapan.
Tanaw ko mula rito ang malawak na emperyo na ito na tinatawag na Curran. Isang mayamang emperyo sa lugar na ito.
Napalingon ako kay Sonya na abala sa mga nakuhang gamit mula ng tumakas kami.
"Kailangan nating maglakbay ng ilang milya. Makakaya mo ba iyon, prinsesa Saye?"
Napabuntong hininga ako.
"Maaari ba, huwag mo na akong tawaging prinsesa? Saye nalang. Napaka awkward naman pag prinsesa."
Napansin kong kumunot ang noo nito.
"A-awkward? Pero kung iyon ang iyong nais. Saye?"
Napangiti nalang ako at tumango.
Nagsimula kaming maglakad at kahit hindi ko alam kung saan kami pupunta ay sinundan ko na lamang ito. Pakiramdam ko ay maasahan si Sonya, hindi niya ako ipapahamak diba.
Kahit na hindi ako sigurado na ako nga ba ang prinsesa na tinutukoy niya ay mas mabuti na iyon kesa manatili sa lugar na iyon kung saan ay baka kung ano pa ang mangyari sa akin. Hindi ko din tiyak ang mangyayari sa akin kasama ang babaeng ito. Pero nais ko makipag sapalaran.
Bakit nga ba ako napunta sa lugar na to? Anong meron? Wala akong maisip na naging trigger para mapunta sa lugar na ito.
Napabuga ako ng hangin at napatitig sa matataas na mga kahoy na dinadaanan namin.
"Alam mo ba ang tinatahak natin, Sonya? Baka maligaw tayo."
Lumingon naman ito sa akin at napakamot ng ulo.
"Ang alam ko ay palabas lamang ito ng emperyo ng Curran pero hindi ko na alam ang direksyon patungo sa kaharian ng Solime. Kaya dapat lamang tayo tumuloy sa mga kainan o inuman para magtanong at makahingi ng mapa."
Napatango ako.
"So, ilang oras bago tayo makalabas sa gubat na ito?" Muli kong tanong.
"Dalawang araw pa ang lalakarin natin para makalabas,"
BINABASA MO ANG
VILLAGE PRINCESS
FantasySaye, an ordinary girl, finds herself mysteriously transported to a parallel dimension where magic is a reality and bizarre phenomena unfold. As she explores this strange new world, Saye must uncover the reason behind her unexpected journey while na...