KABANATA 8- ANG PANAGINIP

84 2 1
                                        


Hindi pa ako nakaka recover sa nakita ay mabilis na inagaw sa akin ni Leo ang litrato ng may lumabas na lalaki sa loob ng inn.

"Leo! Kinakailangan ko ang tulong mo! Buhatin natin sila Aro at umalis sa lugar na to!" Sigaw nito ng makita si Leo sa harapan ko at muling bumalik sa loob.

Isa sa kasamahan niya ata.

Napatitig naman ako kay Leo at nakitang lumingon ito sa akin.

"Nais kong malaman kung saan ka papatungo, binibini?" Tanong nito

Tinitigan ko muna ito bago sinagot.

"Solime, and direksyon ko ay ang lugar ng Solime."

Napansin kong nagulat siya sa sagot ko ngunit agaran na tumango.

"Tamang tama, doon din kami papatungo. Ngunit alam mo ba, binibini. Iilan lamang ang nakakaalam ng lugar na iyon?"

Nangunot ang noo ko ngunit napatigil ng may naalala. Ganun din ang sinabi ng ilang kasamahan nila Holt. Nawala na daw sa mapa ng kontinente ang lugar ng Solime?

"Maaaring may nalaman kana. Ang Solime ang unang kaharian na sinakop ng magiting na heneral bilang isang pagsubok mula sa emperador. Dahil ang kaharian ng Solime ay may kakaibang kapangyarihan na nais ng emperador ng Curran." Napatigil ito sa pag kukwento.

Lumingon ito sa akin bago siniyasat ang paligid.

"Maaari kang sumabay sa aming paglalakbay, binibini. Para na din sa iyong kaligtasan, handa kitang ipagtanggol."

...

NABALIK ako sa ulirat ng biglang sumulpot ang kabayong dala ni Leo sa aking gilid. Lulan ko si Tala at kasama ko ang kasamahan ni Leo sa paglalakbay.

"Nais ko sana ibigay sa iyo ito, binibini."

Inabot niya sa akin ang litrato kanina na kinuha niya. Tinanggap ko iyon at isinilid sa bag na dala-dala ko.

"Sa tingin mo ba, ang babae sa litrato na ito ay ako?"

Napalingon ako kay Leo at napansin itong tila nabigla sa sinabi ko.

"Maaari." Maikling tugon nito at nginitian ako.

Natahimik ako at napaisip.

"Aabot ata tayo ng ilang araw bago makarating sa Solime, ang lugar na tinalikuran ng mga diyos."

Napatigil ako sa tinuran nito sa aking gilid habang tumatakbo ang bawat kabayo namin.

"Tinalikuran ng mga diyos? Anong ibig mong sabihin Leo?" Nakaramdam ako ng kakaiba sa dibdib.

"Alam mo ba sa banal na lenggwahe ang tawag sa magandang kaharian ng Solime nung nakaraan ay isa nang kingdom of ruins ngayon?"

Biglang may kumirot sa dibdib ko sa nadinig.

"Ang dating masigla at mapayapang lugar na iyon at natatabunan na ng maiitim na ulap. Palagi na rin umuulan sa lugar na iyon at minsan lang sumikat ang araw."

Pinatigil ko sa pagsasalita si Leo ng makaramdam ng hinanakit sa dibdib. Nabigla ito at itinigil ang kabayo.

"Bakit, binibining Saye? Anong masakit sa iyo?" Batid sa boses nito ang pag aalala at hinawakan ako sa braso.

Biglang sumakit muli ang puso ko na parang pinipiga. Naramdaman ko ito dati sa palasyo ng prinsipe Semun. Ngunit hindi ko lubos akalain na maramdaman ko ulit ito ngayon.

Dinig kong sumigaw si Leo sa mga kasamahan nito upang humingi ng tulong. Naramdaman ko na lamang na may bumuhat sa akin pababa sa kabayo ko at iniupo sa gilid ng puno. Binigyan nila ako ng tubig at ng gamot ngunit maya maya lang ay nawalan ako ng malay.

VILLAGE PRINCESS Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon