PROLOGUE

152 6 0
                                        

Have you ever been in a unfamilliar place? Kung saan wala kang kilala ni isang tao sa lugar. Yung tipong parang ibang iba sa iyo ang lahat. Lahat ng mga kaganapan ay lingid sa iyong kaalam.

"How dare a mere village princess mock a royalty like me?!"

I was from a civilized world. I came from the most advanced world where technology is present. Ngunit sa pagkakataong ito ay tila napunta ata ako sa lugar na hindi ko inaasahan.

"Tumigil ka, Ysabelle. Mahalagang panauhin ng mga prinsipe si binibining Saye."

Why? Why am I here? Why am I in this world where magic exists and kings and queens exist to rule? Why am I into power struggle?

"Don't forget that she is just a commoner, Semun! Dapat ay igalang niya ako ng tama! Hindi iyong tititigan lamang ako ng bastardang iyan!"

I was puzzled when this beautiful woman shouted in front of me.

"I'm sorry if I offended you, your Highness."

Hindi ko na napigilang magsalita kahit naguguluhan ang isipan kung bakit ba ako napunta dito.

Napansin kong tila natahimik silang lahat.

Inangat ko ang tingin sa bawat taong narito at napansin kong lahat sila ay napalingon sa aming gawi.

"Kakaibang babae, mayroong kaalaman sa wikang iyan."

"May nalalaman kaya siya sa librong lumitaw?"

"Isa lamang siyang hamak na prinsesa sa maliit na bayan."

I never knew, that I would end up in this kind of situation.

"Seize her!"

Hindi na ako nakapalag pa ng biglang may lumapit na mga kawal at hinawakan ako sa magkabilang kamay.

"Ugh!" Namilipit ako sa sakit ng pwersahan nila akong pinaluhod sa harapan ng prinsesa.

Napaangat ako ng tingin at sumalubong sa akin ang nakangising mukha nito.

"Tch, what a nuisance. Do something about her eyes!" Sigaw nito

Mabilis namang hinawakan ng isang kawal ang ulo ko at iniyuko ng pwersahan.

Ugh.

This is making me crazy.

Bigla na lamang dumilim ang paningin ko at alam ko na ang susunod na mangyayari.

[Should I kill her for you, Master?]

Biglang lumitaw sa likuran ko ang taong ito at bumulong pa sa tenga ko pero hindi ata tama ang salitang tao sa kanya. Napapaligiran ito ng itim na enerhiya. Na akala mo nanggaling sa empyerno dahil nadin sa kakaiba nitong postura at presensya. Hindi ko batid ngunit tanging ako lamang ang nakakakita rito.

"Don't call me master, you devil." Mahina Kong lintaya

[HAHAHAHAHAH!]

Napailing ako sa tila nakakasindak nitong pag tawa sa aking likuran.

[This is easy to solve, master.]

Nailingon ko ng bahagya ang ulo ng lumapit ito sa prinsesa at pinagka titigan ang mukha nito. Iniikutan na niya lahat lahat ang prinsesa pero hindi niya padin ito napapansin.

[I can kill this ungrateful wench with a flick of my finger, master.]

"Get away from her, Abaddon."

Mabilis at tila kasabay ng hangin na lumapit ito sa akin. Hinawakan nito ang pisngi ko at inayos ang ilang hibla ng buhok ko sa mukha.

[Hurry and form a contract with me, Saye. If you did, you can overpower them all. Everyone in this place will bow to you and only you. Isn't it marvelous?]

"Anong ginagawa mo babae?! Nakikinig ka ba sa sinasabi ko?!"

Hindi ko pinansin ang sigaw ng prinsesa at napatitig sa madilim na mukha ni Abaddon. Hindi ko alam ang totoong anyo nito dahil tanging nakikita ko ay madilim na usok. At ang tanging namumula at makintab na mata nito ang namumukod tangi sa kabuuan niya.

"Get lost."

Mahina kong bigkas.

[ Hurry and say the words.]

"Tumigil ka na."

[Use me! Say the words! Say it! Let me free, Saye!]

"SHUT UP!"

Tila natauhan na mahina akong umangat ng tingin sa mga taong nandirito.

"Something is wrong with her!"

"That dark energy! She's the witch!"

"Kill her immediately!"

Napatulala ako sa tila maitim na enerhiya na pumapalibot sa akin.

[BWAHAHAHAHAHAHA!]

Napalingon ako kay Abaddon dahil sa pag tawa nito. This son of a-

This dark fogs is his making!

Nais niya ata akong mamatay gayong ang itim na enerhiya na ito ay isang malaking kapahamakan sa lugar na ito.

VILLAGE PRINCESS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon