KABANATA 6- PALALIGUAN

83 5 0
                                        

Napangiti ako at humiga sa Isang malambot at di kalakihang kama sa isang inn na pinasukan ko.

Naibenta ko ang kapa ni Holt sa malaking halaga. It costs 50 thousand oaks and oaks here is like peso in my place.

It's enough. Na rent ko din ang inn na ito for one night and it costs only 500 Oaks. Wala silang papel na pera and that trading market only gave me coins and 1 silver coin cost 100 oak and 1 gold coin cost 1000 oaks. Kaya no choice bumili ako ng pocket sa store na iyon para paglagyan ng coins and it cost 1 silver coin.

I need this for my daily expenses.

Napatitig ako sa kisame ng inn na ito and before I know it, nilamon na ako ng kadiliman.

NAPABANGON ako ng wala sa oras dahil nakarinig ng ingay mula sa labas ng pinto ng inn.

Tumayo ako at inayos ang sarili, kinuha ko nadin ang kulay itim at simpleng kapa na nabili ko na nagkakahalaga ng 200 Oaks. Napakamahal nga ng kapa ni Holt. I hope he won't get mad after he knew I sold his cloak.

Napatigil ako, nakalimutan Kong may libreng paligo pa ang inn na ito. I should grab that opportunity, kailangan ko din linisan ang sarili bago umalis. Kaya inayos ko ang mga gamit at tinungo saan ang palaliguan ng inn na ito.

4 storey building din to at bawat palapag ay may limang kwarto tapos paglabas na paglabas mo ay terrace na iyon pababa at makikita mo ang mga lamesa at bar sa baba. Doon kumakain ang mga nag eestay dito at umiinom ng alak.

Binaybay ko ang daan na itinuro ng Isang staff sa inn na ito. Halatang lulumain na kung ikukumpara sa mga inn sa lugar ko. Pero choosy pa ba ako, ibang lugar to kesa doon. And I think this is a whole new world. Because everything in here is different sa mundo ko.

Napailing ako at napansing nandito na ako sa palaliguan, hindi ito katulad ng palaliguan ng prinsipe Semun sa kanyang palasyo wala ata to sa kalahati ng lawak Pero okay na to. Saka wala pa masyado may naliligo,

Mabilis kong hinubad ang damit at tanging manipis na panloob ko na lamang ang natira. Wala akong suot na panty at bra parang kamiseta lang ito na manipis at hanggang ibabaw ng tuhod. Yon lang kasi ang panloob ng mga tao dito.

Lumusong ako sa pool ng tubig, hindi din naman kaliitan at katamtaman lang sa limang tao.

Napapikit ako.

What's next, Saye?

Naitanong ko sa sariling isip. So ano na nga ba ang susunod kong gagawin? Pupunta pa ba ako sa Solime gaya ng gusto ni Sonya o manatili na lamang na maglakbay sa ibat ibang lugar?

"Hays."

Napabuga ako at tumayo ngunit nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto ng palaliguan at pumasok doon ang grupo ng mga kalalakihan at walang suot na pang itaas.

Nanlaki ang mga mata ko.

Napatigil din sila ng makita ako sa loob ng pool na ito at tila nabato sa kanilang kinatatayuan. Pero teka, kilala ko ata ang mga ito.

"H-holt? T-tanner?" Nagkanda utal na ako ng mapagsino ang mga ito.

Mabilis naman silang umaksyon at tinulak ang ibang kasama at lumabas. Doon ata bumalik ang paghinga ko ng makalabas na silang lahat. Mabilis akong umalis sa pool at kinuha ang pamalit ko at tumakbo sa Isang dressing room.

Sigurado ako na nasa pang babaeng palaliguan ako pumasok pero bakit may lalaking pumasok sa palaliguan na ito. Jusku naman, Saye. Alam kong kita ang katawan ko dahil kulay puti at manipis ang kamiseta kong suot!

Gusto kong maiyak!

Ng maayos ko ang sarili at nakapag palit ay napa upo ako. Tila nanghina ang mga tuhod ko sa nangyari kanina.

VILLAGE PRINCESS Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon