KABANATA 12- SEVEN KNIGHTS

71 2 1
                                        

Dinig ko ang ilang singhap ng mga taong nakarinig sa sinambit ng lalaking ito. Maski ako ay natigilan at natahimik sa tinuran nitong nakakagulat nga naman.

Nasa tamang pag-iisip pa ba ang lalaking ito o baka nahihibang na?

"Pfft."

Gulat akong napalingon sa heneral ng tila nagpipigil ito ng tawa. Napansin kong nakatakip ang palad nito sa mukha at nakayuko.

"Sa tingin mo ba'y nagbibiro ako?" Singhal ni Torvald.

Dama ko ang mahigpit na pagkapit ni Torvald sa aking bewang.

"Iyon ang iyong ipinangako, Saye. Kapag hindi bumalik sa takdang oras ang lalaking iyong hinihintay ay ikakasal ka sa akin."

Napatigil ako ngunit nagulat nang mapansing napatigil din ang heneral sa paghagikhik at tila nabigla. Ngunit maya-maya'y biglang naglabas ng nakakasindak na enerhiya.

Ramdam kong aatakihin nito si Torvald, ngunit bago pa ito makalapit ay may tatlong lalaki na humarang at umawat sa heneral bago pa tuluyang umatake sa aming gawi.

Nagulat ako nang napagsino ko ang mga ito.

"Hawakan niyo siya ng mahigpit, Tanner!" sigaw ni Holt.

"Damn, nagsisimula na siyang mawala sa sarili! Hurry and inject the sedatives!" utos ni Enzo.

"Bakit kasi iniwala niyo sa inyong paningin ang heneral? Tignan niyo ang nangyari." Tila sumbat ni Tanner sa dalawa.

I was shocked.

At ganoon din ang lahat, ngunit bago pa ako makabalik sa sarili ay bigla akong hinila palapit ni Torvald at tumakbo. Nanlaki ang mga mata ko nang matagumpay na naisakay niya ako sa kanyang kabayo.

Sisigaw pa sana ako nang tinakpan ng kanyang malaking palad ang aking mga labi. Nabigo akong humingi ng tulong nang simulan niyang sipain ang kanyang kabayo at umalis.

Nasa harap ako habang nasa likod ko lamang si Torvald at may kontrol sa kabayo nito sa isang kamay habang ang isang kamay ay nasa mukha ko at pilit akong pinapatahimik.

I tried to struggle but he was so strong.

I whimpered trying to pull his hand off my face.

"Stay still, princess." He said, making me shiver.

Napalingon ako sa gawi ng heneral at ng mga kabalyero nito. Abala sila sa pag-aawat sa kanya at hindi man lang napansin ang nangyayari. Dahan-dahang umatras ang mga tauhan ni Torvald.

Napahikbi ako nang tuluyan kaming nakalayo at natabunan ng madilim na usok ng paligid.

...

Binuksan ko ang mga mata nang maramdaman kong buhat ako ng dalawang braso ni Torvald. Napapitlag ako kaya napansin niyang nagising ako sa kanyang braso.

Ngunit tinitigan lamang ako nito at hindi man lang huminto sa paglalakad sa kung saan.

Wala sa sariling hinila ko ang kapa nitong suot dahil iyon lamang ang suot nito sa pang-itaas.

"Saan mo ako dadalhin?" Mahinahon kong tanong.

Ngunit hindi ako nito pinansin at tuwid ang tingin sa harapan. Nagtaka ako at sinundan ang tingin nito.

Nasa gitna kami ng kakahuyan, hindi ko batid kung saang lupalop ito ng kontinente. Ngunit ang alam ko ay kay tagal kong nawalan ng malay dahil nagising akong nasa kagubatan at hindi sa disyerto.

"Pakiusap, sabihin mo sa akin kung saan mo ako dadalhin." Hindi ko na mapigilang mabagabag gayong nasa panibagong lugar na naman ako kasama ang hindi ko lubos na kilalang mga tao.

VILLAGE PRINCESS Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon