KABANATA 9 - ABADDON

83 2 0
                                        

(a/n: picture above is the illustrated visual of the general in her dreams.)

Dalawang araw, tatlo, apat hindi ko na ata mabilang ilang araw na akong naglalakbay sa desyerto na ito. Malapit na din maubos ang dala kong tubig at pagkain. Nanghihina na din si Tala,

Tumigil ako sa isang malaking bato para sumilong. Masyado na ding mainit ang lugar na ito.

Naupo ako at napapikit.

Nais kong makaalis sa lugar na ito at makarating ng Solime. Kailangan kong makarating doon at hanapin si mommy.

Paano kong ano na nangyare sakanya? Hindi nadin ako muling nanaginip pa tungkol doon.

Napabuga ako ng hangin at binasa ang aking mga labi. Hinubad ko ang kapang suot upang hindi mas lalong mainitan.

Wala akong nadaanang lugar na mayroong tao. Ngunit batid ko na malapit na akong makalabas sa desyerto na ito. Iyon ang sinasabi ng aking isipan na tila alam ko kung nasaan ako ngayon.

Hindi ko napansin na nakaidlip pala ako at nagising sa iilang sigaw at ungol ng mga kamelyo. Nagtaka ako at nagulat sa grupo ng mga kalalakihan sa aking harapan.

Halatang pinapalibutan ako ng mga ito at nagsisigawan. Para silang tribo, may dalang bangkaw na sandata at palaso. Nakasakay sila sa iilang kamelyo.

Lumapit naman ang ilan sa kanila at tinutukan ako ng kanilang sandatang hawak. Mukha silang mga dugyot,

"Sino ka? At bakit ka nandito? Walang sino man ang nakakapunta dito." Anya ng isang lalaki na tanging pang ibabang maselang parte lang ang may takip.

Ganun silang lahat at walang tsinelas na suot.

Inangat ko naman ang dalawang kamay sa ere at tumayo. Muling dumapo sa balat ko ang init ng araw. Nahubad ko pala ang kapa ko, sobrang init pa naman.

Kinilabutan ako ng bigla silang yumuko at lumuhod sa aking harapan.

"A-ang prinsesa!" Nanginginig na sigaw ng isang lalaki.

Nagtaka ako.

"Kilala niyo ako?" Nagugulumihang tanong ko at naituro ang sarili.

Lahat sila ay napasigaw.

"Bumalik na ang prinsesa ng Solime!" Tila masayang sigaw ng mga ito.

Nagtaka ako

"Bakit niyo ako kilala?"

Lumingon silang lahat sa akin.

"Kami ay dating mamamayan ng Solime, mahal na prinsesa."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng isang kasamahan nila. Napatitig ako sa bawat isa sakanila. Parang nakakaawa sila tignan. Mapapayat, at wala sa tamang kasuotan.

"Anong nangyare." Tila may kung anong pakiramdam ang umusbong sa dibdib ko.

Para akong nasasaktan habang tinititigan ko silang lahat.

Parang tinutusok ang puso ko sa kanilang kinalalagyan.

"Sampung taon na din mula ng masakop at masira ang kaharian ng Solime, mahal naming prinsesa. At mula ng mawala ka ay nagkaroon ng tag tuyo't kalamidad sa lugar na ito." Paliwanag ng isa,

"Nawala lahat ng natural na yaman ng Solime, ang dating masigla at mapayapang lugar ay nagkaroon ng matinding sakit at nagkaroon ng tag gutom." Dinig kong humikbi ito habang nagpapaliwanag

"Ang tanging magagawa lamang namin mula noon ay mag nakaw ng kagamitan ng iilang manlalakbay para makaraos."

Napapikit ako at napahawak sa dibdib sa mga nadinig.

VILLAGE PRINCESS Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon