REEMAS:
Pagkatapos ng insidenteng yon ay di na ako mapakali. Kapag nababakante ako ay palagi ko nalang siyang naiisip.
Ewan ko ba't lage ko na siyang hinahanap at nasasaktan sa tuwing naiisip ko kung anong pagkakamali ang nagawa ko.
"Di na pwede to! Masyado na niyang inuukupa ang utak ko at ano ba'to pati ba puso ko? Kailangan ko na siyang komprontahin. "
Ngunit talagang ang hirap niyang tiyempuhan. Iba talaga pag ayaw magpakita. Siguro ay may nagawa nga akong mali at ganito nalang kung pagtaguan niya ako.
Kinulit ko si Vieve pero pambihira di narin nagparamdam. Mga babae talaga!
Isang araw nagpang abot kami ni Vieve habang nag grocery siya sa isang mall . Buti nalang at naisipan kong sumaglit sa grocery dahil malapit ng maubos ang mga stocks sa bahay.
Swerte at ako ang unang nakapansin sa kanya kundi baka nagtago na naman ito. Wala na siyang nagawa ng ma korner ko siya.
"Oi Vieve! you're here " Panimula ko. Sinadya ko talagang iharang ang sarili sa cart niya.
"Oi Reemas kaw pala you're here too hehe. Ah excuse ha padaan ." Sabi nito na halatang gustong umiwas kaya diniretcho ko na.
"Iniiwasan niyo ba ako ni Lelith? "
Bigla siyang naasiwa sa tanong ko .
"Huh? Umiiwas sayo? Di ah. At bakit naman naku kaw talaga ". Guilty! I knew it.
"Then bakit pareho niyo akong ini-ignore. To tell you frankly I'm hurt. Deserve ko ba yung treatment niyo huh tell me. What's wrong? May nagawa ba akong mali?"
"Naku Reemas over thinking ka masyado. Di ka namin ini-ignore oi ano kaba. Timing lang siguro na may ginagawa kami tuwing napapatawag ka. Excuse me I really have to go."
"Ows, really? Eh pagkatapos ng ginagawa niyo kahit care to text man lang what if emergency or ano. Come on I know there's something going on so please tell me kung hindi susundan kita pauwi sa inyo ano?" May pagbabanta ng kunti ang boses ko which is helpful naman kasi I got the infos I need.
"Naku talaga ang hirap ng situation ko alam niyo ba. Ok bahala na . I'm sorry Flong kailangan niyo ng magtuos ni Reemas ".
"Teka sino si Flong?" Tanong ko.
Si Florence diba gusto mong makaus-" Natakpan nito ang sariling bibig. "Gosh! I'm sorry Florence ayoko ng mag lie. Ok Reemas para tantanan mo na ako pero pagkatapos nito wag mo na akong kulitin sa kakatawag ok? Nagsiselos minsan ang asawa ko nagtataka bakit laging nagri-ring fone ko."
"Ok noted. Now tell me I'm willing to listen " Tinaas ko pa ang palad ko assuring her that I won't bother her after this.
"Lelith is not Lelith ok? She's Florence Zamora and she's the owner of FLORDELI you know her right?" Parang may misteryo sa tanong niya pero di ko magets. Ang maliwanag lang sakin ay she's lying about her name.
"Florence Zamora?...sounds familiar. And why she's using someone else's name? Is she hiding or something. Or may galit ba siya sakin?" I'm still clueless . Medyo nag hesitate siya ng konti bago ako sinagot.
"Oh so di mo na talaga siya maalala. So ganito nalang, remember last time sa Batangas? Pumasok ka kaya sa room niya pagkatapos ay sinukahan mo lang naman siya. Oh hanggan diyan lang ang pwede kong itraydor. Kaw na bahala sa iba ayoko ng mainvolve ok oh eto personal number niya sa janya ka magtanong. Now padaanin mo na ako pwede ba?."
YOU ARE READING
When love and hate connive
General FictionFlorence Zamora. A broken -hearted girl from the past . A twist of her fate in love turned after 14 years when she crossed paths with Reemas Malleros again. The boy who made her broken before. Paano kung sa pagtatagpo nilang muli ay magagalaw ang st...