KABANATA 9

22 5 0
                                    

FLORENCE:

Kanina pa handa ang lahat. Inaantay nalang namin ang nagpa reserved ng buong rooftop.

Gusto kasi nito na espesyal ang gabing ito lalo na't unang date nila.

Wow! Ang swerte naman ng babaeng yon at talagang nag effort si guy. Nakakakilig oo pero di naman ako naiinggit. Ang dami ko ng nasaksihang mga okasyon na ganito, siguro...di lang to para sakin.

Di kasi ako naniniwala sa forever when it comes to love. Pero when it comes to me being single baka yon ang forever. Minsan nakakalungkot isipin pero yun ang choice ko . Nagpaparamdam pa lang ang isang guy ay binabara ko na agad. Ewan ko siguro ay man hater na yata ako.? And one thing is for sure yung Reemas ang dahilan.

Malapit ng mag alas 9:00 ng biglang may kumatok sa pinto. Toktoktok!

"Pasok!" Sabi ko.

"Ma'am andito na po yong inaantay natin si Mr. Maros." Tugon ni Gino isa sa mga staff na pinili kong mag-asikaso.

"Ok sige guide him and asikasuhin mo siya baka may mga requests pa siya. Yong girl anjan naba?" Tanong ko.

"Opo ma'am ok na lahat kaso mag isa pa lang po siya". Turan nito.

"Ok sige baka on the way na yung girl just inform me anytime andito lang ako sa office. Make him feel comfortable pati yong ka date niya ok...sige na." Utos ko.

Ilang saglit pa lang ang lumipas ay bumalik si Gino at pinapapunta ako dahil yon daw ang gusto ng client .

Pinuntahan ko naman dahil baka may problema sa services namin o anuman.

Paakyat palang ako ay dinig ko na ang tinutugtog ng musiko kung di ako nagkakamali 🎼🎶🎵🎻THE SEARCH IS OVER ata ang title nung song. Aba ang classic in fairness sobrang ganda nung kanta romantic pati.

Pero ng pagdating ko dun ay laking gulat ko ng mapagtanto kung sino ang nakaupo sa mesa. Kahit nakatalikod ito ay kilalang kilala ko siya. Oh no!

Walang iba kundi si Reemas Malleros.

tug...dug...tug...dug...tug...dug...

Shocks! my heart! tumigil at kumalma ka nga!!! Ano'to lokohan? Bakit andito ang lalaking to? Diba ang kausap ko ay si Mr. Rey Maros? Oh no!!! Don't tell me iisang tao lang sila? Kaya pala magkaboses! Huli na ng ma-realized ko.

Aalis sana ako ng bigla itong lumingon at nakita ako. Huli na para umiwas.

"Florence... "

Tawag niya. Bigla tuloy akong napako sa kinatatayuan ko. Teka bakit niya alam ang real name ko?

Napaka gwapo naman talaga ng komag... Kahit kumukulo ang dugo ko sa kanya ay diko parin mapigilang humanga sa kanya. Sino kaya ang ka date niya?

Nagulat ako ng bigla siyang lumapit sa akin at hinawakan ako sa kamay. Para naman akong walang bait sa sarili dahil di ko man lang nagawang pumiglas at umayon lang ako sa gusto nito.

Mas lalo akong nagulat ng pinaupo niya ako sa upuang katapat niya. Bigla tuloy nag blank space ang utak ko...loading...

"Hi! Na surprised ba kita? And here...flowers for you". Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig ng magsalita ito I even accepted the flowers. Huh?

"Ehem!... So you and Mr. Rey Maros ay iisang tao lang? Ah... kaya pala magkatunog ang pangalan at boses niyo bakit di ko yon na gets agad?" May halong pagka Sarkastiko ang tanong ko.

"Well I think di mo masyadong nagustuhan ang moves ko pasensiya kana pero wala na kasi akong ibang maisip na paraan para makausap ka. Tingin ko kasi ay iniiwasan mo ako. And I assumed it's because of what happened in Batangas am I right ?". Mahaba niyang tugon at medyo na guilty ako kasi may part na totoo naman sa sinabi niya. Pero mas nanaig parin talaga ang inis ko sa kanya.

Wala akong itinugon sa kanya kundi tingin na tagos hanggang buto. Talagang wala na siyang naalala 14 years ago?. Buti pa siya nakalimot na ako ay nakapako parin. Pero wait bakit nga ba niya nalaman ang name ko? Nasagot din naman niya.

"Nagtataka ka siguro kung paano ko nalaman ang real name mo? Well I met Vieve at a grocery. Na korner ko siya. Feeling ko kasi I did something terrible para e treat niyo ako ng ganito. Last time I was eating here and I was looking for you and I failed . When I'm about to start my car I saw you and Vieve talking. What? I thought wala ka and then suddenly andun ka pala. Medyo nasaktan ako honestly. What did I do to deserve such treatment . Dagdag pa yung di pala Lelith yung real name mo at di ka employee dito kundi kaw pala may-ari..."

Buti na lang at nag serve na ng pagkain naputol ang mahaba niyang litanya.

Akma na sana akong tatayo ng mabilis niyang mahawakan ang kamay ko.

"Please wag kang umalis. Can we talk?" Sambit niya.

"I still have some work to do and I think you should call your date now." Sagot ko sabay bawi ng kamay ko. Pero kinuha niya ulit ang kamay ko.

"Isn't it obvious na ikaw ang gusto kong maka date?" Prangkang tugon nito.

"I don't know what you're talking about. Mr. Malleros sorry but I still have some important things to do ". At mabilis akong kumawala sa kanya sabay lakad ng mabilis pero nahuli padin niya ang kamay ko.

PAK!

Hindi ko nagustuhan ang mga nangyayari kaya bigla ko nalang siyang nasampal. Ouch! medyo malakas yun ah! sumakit pati kamay ko.

"Teka lang, what was that for?". Tanong niya sakin habang hawak ang pisngi niya? Bigla tuloy nakatingin samin ang waiter na nakaantabay lang pati na ang mga musiko. Pero pinagpatuloy parin nila ang ginagawa na kunwari walang nasaksihan.

"What was that for? huh tinanong mo pa talaga? Pwede ba Mr. Reemas Malleros kung gusto mong man-trip wag ako! ok! " Beastmode ako. At mas lalo siyang naguluhan.

"Teka lang kung di mo gusto mga moves ko I'm sorry. I really am. Diko rin naman sana gusto na pagsinungalingan ka kaso eto lang naging choice ko. Ayaw mo naman akong replyan sa calls and texts ko. Saka feeling ko iniiwasan mo ako na para bang may malaki akong nagawang kasalan saiyo? Which is meron nga naman. I was totally drunk that time and I didn't remember anything until Vieve brought it up. ? I'm sorry... I'm really am." Mahaba na naman nitong litanya. May point din naman siya kaso nga lang beastmode padin ako.

"Ibabalik ko sayo ang bayad mo kunin mo nalang bukas or sa ibang araw dahil magsasara na kami ngayon." Kalmadong tugon ko sa kanya sabay walk out.

REEMAS:

Umuwi akong naguguluhan. Hindi yun ang ini-expect kong outcome. I was expecting na tulad ng mga ka date ko dati eh nag-uumapaw na sa tuwa at kilig tuwing may pa surprise ako. This one is different.

Andun na ako sa kaya niya ako iniiwasan ay dahil sa kadiri thing that I did pero yung sampalin ako grabe naman. And I said sorry nag effort pa nga ako.

Pero imbes na magalit ako sa ginawa niya ay mas lalo tuloy akong nae-excite .She's something! The more she ignores me the more I like to know her deeper. Di ako sanay sa ganito. Madali kong nakukuha ang gusto ko.

"Well babe if this is your way of getting my attention well ok you got me. Expect more of me then." Napa smile ako with matching kilig. Yay!!! She's something.



***

A/N

Another chap finished! I hope you enjoy!GODBLESS y'all!

When love and hate conniveWhere stories live. Discover now