KABANATA 10

20 5 0
                                    


Reemas:

Na busy ako nitong mga nakaraang araw dahil sa business kaya di ako nakapagparamdam kay Florence. But that doesn't mean na I lost my interest. Infact sobra ko siyang na miss. Today I'm vacant kaya I plan to visit that interesting woman again. I dunno but I kinda feel na may something about her...maybe she's the one that I've been looking for?. Let's see.

Buti I park my car sa katabing establishment ng restaurant niya. Sinadya ko talaga doon mag park kasi naisip ko na baka makita niya ako at baka pagtaguan na naman ako. I was walking towards the restaurant when I saw her.

I think she's checking the goods and other materials na ipinapasok sa kitchen. May mga tao kasing nagsisibaba ng mga yun sa isang delivery truck.

She's wearing a fitted white tank top and an oversized jeans na parang naka garter yung waist I don't know what's that style called but I've seen a lot of girls wearing that. And I can say... damn! she looks simply gorgeous and hot.

Nakalugay lang yung long straight black hair niya at walang bahid ni katiting na make up. Beautiful. And she looks really younger than her age.

Pinapawisan siya ng kaunti dahil sa sikat ng araw kaya minsan pinapaypayan niya ang sarili gamit ang papel na hawak niya.

Papalapit na ako sa kanya at titig na titig padin ako. It wasn't my intention pero biglang napagawi ang tingin ko sa may bandang dibdib niya at sakto namang napatingin siya sa akin. Boom!

"Hoy! manyakis kang talaga! Anong tinitignan mo at ginagawa dito? Umalis ka nga! Tsupeeeee! alis!".

Pagtataboy niya sakin sabay takip ng hawak niyang papel sa sarili niya.

"Oi wait lang naman. Masyado ka atang judgemental...manyakis agad2? Halos wala nga akong makita jan. Diba pwedeng napatitig lang sa isang binibining marikit?"

"Aba at iniinsulto mo pa talaga ako for being flat chested gago ka ah! Binibining marikit mo yang pagmumukha mo! Pwede ba kita mong mga busy kami rito!"

"Grabe naman to gusto ko lang sana na makausap ka".

"Ayoko!"

"Sige di ako aalis hanggat di ka pumapayag. Di pa naman ako busy today..."

"Punyemas naman oh. Pwede ba! Magtrip ka nalang sa iba? Wag ako! Dahil di kita trip maka trip ok!?"

"Daming trip nun ah... ako trip ko pa namang maka joyride ka hehe joke lang... please gusto ko lang makausap ka ng masinsinan." Halos magsumamo na ako.

Florence :

Nanggigigil na ako sa sobrang inis. Bakit ang hirap nitong itaboy.
Gusto kong ibato sa kanya yung bitbit ni manong na isang box na soft drinks in can.

"Kuya mabigat ba yan? Pwedeng akin na muna yan...shocks! bigat pala...sige kuya pakipasok nalang po salamat."

Di ko nalang siya inimik. Ayaw mong umalis pwes magsalita kang mag-isa.

"Hey Florence... Gusto ko talagang makausap ka. promise pag pinagbigyan mo ako di na kita kukulitin. If hindi ,di kita tatantanan. Kaya... Please. .."

Mwisit may pa wink wink pang nalalaman at wala talagang balak tantanan ako. Pinagtitinginan na kami ng mga tao pahamak talaga.

"Oo na sige na! Umalis ka lang!"

"Yes! thank you! Wala ng bawian huh!So kelan... bukas? Mamaya? kelan? "

"Oo mamaya ok? Naku!... kakairita...kita mong may work pa oh pwede alis na?"

"Aalis na promise. So mamaya pagkatapos ng work? ok? thank you."

Teka kinilig ba yun? Sobrang laki ng ngiti muntik ng umabot hanggang tenga ah hanep! Sige panindigan mo yan.

At sa wakas umalis narin ang komag. Balak ko sanang umalis ng maaga mamaya kaso naisip ko na andami pang time na pwede niya akong bwisitin. Ok fine! para matapos na rin to once and for all.

Reemas :

Umuwi muna ako ng bahay. Buti nalang at sa wakas pumayag na siyang makipag-usap sakin. Naligo ulit ako. Namili ako ng pwede kong isuot. "Hmmm...ano kayang isusuot ko. Eto pwede na siguro to".

Napili ko ang isang branded polo-shirt na blue, nabili ko minsan sa Italy and black pants. Saktong bihis na ako ng pumasok ng diretcho sa kwarto ang friend kong si June. Teka bakit andito ang ungas nato diko naman ininvite.

"Dodong Reemas...dodong Reemas ba't ang saya mo huh? Di halatang excited... date ba yan date ba huh?"

"O bakit andito ka nangingialam sa buhay ng isang single ? "

"Aba!aba! uma attitude kana ah? Di porket pumayag ng makipag usap sayo yung tao eh mag attitude kana. E makatanggap ba naman ako ng message galing sa friend ko na may konting update na sa love life nya eh di sugod agad ako. That's how excited I am for you kapatid."

"Siraulo! Ewan ko saiyo. Umuwi kana nga hinahanap kana ng misis mo under de saya kapa naman". Biro ko.

"Haha ako? under de saya kelan ha? Wag mokong pinag gagawan ng kwento huh friend kita pero wala kang karapa..."

Biglang nag ring ang fone nito.

"Wait lang. Hello hon?... yes. Pauwi na ako sumaglit lang ako kina Reemas. Oo diretcho na ako uwi pagkatapos. May ipapabili ka? Sure msg mo nalang para mabili ko mamaya sa grocery ok love you..." Malumanay at malambing na pakikipag usap nito sa asawa.

"Haha yown oh! Di pala ah...yes hon? ok hon pauwi naku may papabili ka sure...haha" pang-aasar ko sa kanya.

"Hoi di pagiging under yun! Love tawag dun love. Kaya ikaw umayos ka para naman ma sold out kana. Di kana pabata. "

"Siraulo. Sa tingin mo ok na tong suot ko o magpapalit ako?"

"Ok na yan. Bagay naman saiyo kahit anong suot mo. O siya alis na ako may bilin pa si misis. Oo nga pala ngayong sunday punta kayo sa bahay videoke tayo. Nasabihan ko na ang tropa dapat kompleto tayo ."

"Ok ba. matagal tagal na din tayong di nakapag bonding".

"See you then. I am expecting na may kasama kana para ipakilala ng pormal ok. Napakalaking Good luck sayo brother! Hehe. Alis na ako".

Umalis na nga si June. Nag spray lang ako ng paborito kong pabango tas umalis na din ako. Dumaan muna ako sa isang flower shop at bumili ng white roses for my pure intensions.

It's almost 10 o'clock na malapit ng magsara ang resto niya ilang minutes nalang . Andito na ako mga 8 o'clock palang . Nakita ko siya kanina na nasa loob padin buti nalang talaga di na niya ako tatakasan. Nasa labas ako ng kotse ko at nakasandal. Yung flowers iniwan ko muna sa loob ng kotse.

***

Another chap done! hope you'll like it! GODBLESS!

When love and hate conniveWhere stories live. Discover now