KABANATA 3

200 9 3
                                    


FLORENCE:

Magkasunod lang ang aming bahay at ng mga Malleros. Isang daanan lang ng sasakyan ang pagitan. Akalain ba namang nasa iisang subdibisyon lang kami nakatira.? Sa dinami dami ng propertiesna pwedeng pagpilian ng mga magulang ko noon dito pa talaga.

Andito lang ako sa may isang sulok ng aming veranda at nakamasid lang . Mga mata ko' y animoy mga talang nagniningning kanina ngunit ngayon ay pinapalibutan na ng dalawang maiitim na buwan na gusto na yatang lumuwa sa kinalalagyan dahil kanina pa nakamasid sa hinayupak na kapitbahay na wala yatang planong magpatulog!. Buti sana kung nagtataglay ng mga boses anghel! Watta day to start a year... nakakapanggigil !!!

"Naku kung di lang bagong taon ngayon eh kanina pa kayo pinagdadampot ng mga police! Magpatulog naman kayo o try niyong mag voice lessons mga amaw! "

I shouted on top of my lungs kahit alam ko namang di nila ako maririnig.

Ang totoo, di naman talaga masyadong maingay. Ang iba nga naming kapitbahay ay wala namang reklamo pero ewan ko ba't ganito ang pakiramdam ko. Bwisit na bwisit.

Di ko alam kung ba't ako naiinis. Dahil ba sa naiingayan ako sa kanila o dahil alam ko kung sino ang isa sa mga nag- iingay. Walang iba kundi si Reemas Malleros . Bigla tuloy sumagi sa isip ko ang isang pangyayari 14 years ago.....

***Flashback***

Tumatakbo akong pauwi . Bitbit ko ang aking bag at guitar , pawis na pawis at humuhingal . Hindi ko man nakikita ang mukha ko sa salamin pero alam kong mukha na akong ewan sa pinaghalong luha, pawis at sipon. Idagdag mo pa ang lusaw na eyeliner dahil di waterproof .

Naghalo-halo lahat sa maganda pero di pa uso kong face. May mga nakakita sa akin kanina at di nila napigilang tumawa sa aking itsura. May narinig pa akong nagsabing ' ang aga naman ng halloween '.

Pero di ko na pinansin dahil ang gusto ko lang makauwi. At sa wakas ng papalapit na ako ng gate ay di ko na napigilang humagolgol ulit ng iyak.

Sabay tawag saking Yaya/mommy na parang nanay ko na ring si Yammy Lyn. Yun ang gusto niyang itawag ko sa kanya. Pinagsamang Yaya at Mommy.

"Yammy! Yammy! Yammy......". Sigaw ko at agad-agad niya akong narinig.

"Diyos ko po anong nangyari sa iyo Flong.? Sinong may gawa nito sa iyo huh? sabihin mo! At ng mademanda natin ng rape. Diyos ko pong mahabagin...". Sunod-sunod at eksahirada nitong sabi.

Ngunit biglang naputol ang aking alaala ng biglang sumingit saking pag-iisa si Yammy sa present na may bitbit na isang baso ng gatas.

"O Flong alam kong di ka makatulog kaya pinagtimpla kita ng gatas baka makatulong". Sabay abot nito sakin.

"Salamat Yammy pero sana di kana nag-abala. Kaw din ba't gising ka pa.?" Tanong ko sa kanya.

"Tiningnan kita kanina sa kwarto mo pero wala ka. Kaya hinanap kita. Alam mo naman di ako mapakali. Baka kako may kailangan ka." Turan nito.

Ang mahal kong Yammy... Kung minsan ay nagiging O.A na ito sa pag-aalaga sa'kin. Talo pa nga niya siguro ang tanging ina. Siguro dahil di na siya nakapag-asawa kaya tinuturing na niya akong anak. Kung sa bagay malayong kamaganak din naman namin siya.

Minsan na nga lang ito umuuwi sa kanila. Kulang nalang ay ipagtabuyan naming umuwi. Kahit ilang beses ko ng pinagsabihang wag na akong alagaan kasi malaki na ako't kaya ko ng sarili ko eh di pa rin ito mapigilan.

Minsan nga naitanong ko noon kay Papa kung sino ba talaga ang nanay ko. Baka siya ang totoo kong ina. Natawa akong bigla sa alaalang yon. Ang totoo kong nanay kasi ay nasa amerika at may asawa na ulit pero wala silang anak.

When love and hate conniveWhere stories live. Discover now