FLORENCE:Nakasanayan ko ng magising ng mga alas siyete ng umaga. Pagkatapos ng aking personal routines ay didiretcho na ako ng restaurant.
After I graduated college ay agad kong pinasok ang negosyo. I borrowed money from my parents at itinayo ang "FLORDELI" sa awa ni Lord nag click naman.
In a span of 3 years palang when I started, naibalik ko na yung hiniram ko sa parents ko and now it's been 8 years and I already have 7 branches. Balak ko pang mag expand sa malalayong provinces naman ang next goal ko.
Ayaw na sana nila akong singilin kasi only child nila ako sa akin din daw mapupunta yung pag aari nila kaso I insisted on paying them because I wanted to start on my own .They were so proud of me naman dahil I made it successfully . Isa pa as much as possible gusto kong maging independent lalo na at they are living separate lives na.
Sabado ngayon kaya mas maraming tao. Medyo busy din ang lola niyo ngayon kasi on leave ang isa kong tauhan dahil may problema sa probinsya nila. Kaya ako muna ang pumalit sa kanya.
Kanina ay aksidenteng natapunan pa ang damit ko ng sauce habang nakikiusyuso ako sa kitchen . At napakamalas dahil naiwan ko sa kotse ang extra kong damit at marami ng taong nagsidatingan. Buti nalang I provided extra uniforms for the staffs just in case something like this happens.
Kinuha ko ang extrang uniporme pantaas nung on leave na si Lelith . Kahit medyo maluwang eh carry na. Mamaya ko na lang kukunin ang damit ko sa kotse kapag di na masyadong busy at saka magpapalit.
Di ko namalayan ang pagdating ng grupo ng mga kalalakihan. Siguro dahil may kinukunan akong order habang parating sila that time. Nang mabakante ako, Sakto namang kumaway ang isa sa mga ito para umorder. Lumapit ako sa kanila.
"Yes sir ano pong order nila?...." Tanong ko habang nakatingin sa papel at ballpen kong hawak.
"May nakapagsabi sa'kin na masarap daw ang bulalo at sinuglaw niyo rito kaya bigyan mo kami tag iisang order muna kaming lima."
Wika ng isa na parang pamilyar sa'kin. Ganun din siya titig na titig sa'kin. Ngunit nabaling ang tingin ko sa taong nakatalikod sa'kin nung biglang nagsalita ito.
"Meron ba kayong beer dito miss?" tanong nito at biglang lumingon sa'kin........
...tug-dug....tug-dug....tug-dug.......
Tanging naririnig ko lang ay ang tibok ng puso ko sa oras na iyon. Shi*! Parang biglang na blanko saglit ang mundo ko ng mapagtanto kung sino ang kumausap sa akin. Ang pinaka ayokong maka encounter na person sa buong lifetime ko...
Si Reemas Malleros wala ng iba. Parang naubusan yata ako ng dugo at anytime ay mahihimatay na ako! OMG! Dito na lang ba magwawakas ang beauty ko? Oh no.... I kennnnnat. Nang biglang............
"Hoy miss! Nakakita ka ba ng artista o multo?" Biglang nagbalik ako saking katinuan ng magsalita ang isa nitong kasama.
"Naku miss hindi si Nam Joo Hyuk yan ha yung sa weight lifting fairy look alike lang. Wahaha". At nagsipagtawanan sila.
"Ahmmmm...Miss....." Sabay tingin nung Reemas sa kaliwang dibdib ko.
Naku manyakis! Manyak!!!, ang sarap pagsasampalin ng dala kong papel at tusok tusukin ang mukha nito kahit gwapo pa ng dala kong ballpen naku!!! ngunit...
"Ang sabi ko...Miss Lelith ...may beer ba kayo rito. Parang sarap kasi uminom?" Anito na nakangisi. Saka ko lang napagtanto na suot ko pala ang uniporme nung isang staff si Lelith . Hay...kaloka Blessing in disguise pa rin yong pagkakatapon ng sauce kanina. Thanks G! Saved by the sauce.
"Ah... eh ..wa...wala po ay.... ano po di pa po kami nagsi serve ng alak ...kapag ganito pong oras. Mamaya pa pong gabi pwede. Company rules po pasensiya na po."
Nagkakautal-utal kong sagot ewan ko lang kong pansin ba niyang balisa ako.
"Sayang naman miss. Ah siyanga pala miss waitress ang ganda mo naman papasa ka ring si ano yung bida sa korean dramang weight lifting fairy si ano...si Lee Sung Sung a.k.a kimbokjoo ba yun? Pinoy version nga lang kayo hehe . May boyfriend kaba ?...kasi willing to mingle tong bro namin eh and searching . Hehe." Nakangusong turo ni June kay Reemas.
At biglang kumulo ang dugo ko. Aba at mahilig pala sa korean novelas ke lalaking tao eh saka Lee Sung Kyung yung actress na gumanap bilang kimbokjoo tanga! Ah! ba't ba ako naiirita!.
So binata pa pala ang manyak na yan. Para yatang ang hirap paniwalaan. Sa kamanyakan nito inisip kong nakailang anak na ata to or asawa.
At naalala ko na kung sino itong nagsasalita kanina na pamilyar sa akin. Si June ang matalik at hudas din niyang kaibigan. Sarap nilang pag-uumpugin.
"Aba bro diko alam na mahilig ka pala sa k-drama? I kennnnnat bro! haha" Si Ric. At nagtawanan sila.
"Eh lodi ng misis niya eh kaya di maagaw ang remote." Kantyaw nung Bert
"Teka bakit parang pamilyar ka Miss? I think I've met you before...hmmm saan nga ba? Pumupunta ka bang Elite?" Tanong nung Mar nakilala ko ito.
Elite? Isang sikat na bar yun ah. Andaming mga nagpupunta dun para magliwaliw but I'm sorry I'm not one of them.
"Sa elite po? naku di po ako nagagawi sa mga lugar na iyon. Pasensiya na yun na po ba lahat na order niyo?" Tanong ko para makaalis nako.
"Pasamahan nalang ng bottomless na ice tea ." Pahabol nung isa na diko na matandaan ang pangalan.
"Ok sige ho... paki antay lang po saglit sa order niyo. Excuse me."
Ang tanging nasabi ko at nagmamadali na akong magtungo sa kitchen. Baka kung ano ano pang itatanong ng mga ito. Muntikan ko pang makabunggo ang isang waiter na may bitbit na order.
Pagkapasok ko ng kitchen ay nagbilin ako sa isang waiter.
"Gino ikaw na muna bahala sa table 7 huh? Pag may mga tanong sabihin mo wala kang alam ok kung magtatanong lang naman? Pag hinanap yung nag attend sa kanila kanina sabihin mong may errand sa labas ok? basta kaw na bahala lumusot. Siyanga pala ako si Lelith ok?" Sabay turo sa nametag sa sout ko. Buti at nagets nito agad. Ewan ko ba bakit ako natataranta.
"Ok po Maam noted po. Wag po kayong mag-alala ako na bahala."
"Thank you Gino thanks talaga".
At pumasok muna ako sa cr. Napaupo nalang ako sa nakasiradong inidoro dahil nanlambot bigla ang tuhod ko. Di parin mawala yung kaba ko. Kalma self huhu.
"Ano kaba Florence bakit ka natataranta? Mga walang kwenta yung mga taong yun. Bakit ka nagpapa apekto? Umayos ka nga! Darating talaga ang time na magkakasalubong kayo. Huhu small world. " Pangangaral ko sa sarili.
Nagpahinga na muna ako sa kotse at inantay na matapos kumain yung grupo. Saka lang ako bumalik at tumulong nung nasiguro kong nakaalis na ang mga ito.
---------------
GODBLESS everyone. Until next chapter!!!!
YOU ARE READING
When love and hate connive
Ficción GeneralFlorence Zamora. A broken -hearted girl from the past . A twist of her fate in love turned after 14 years when she crossed paths with Reemas Malleros again. The boy who made her broken before. Paano kung sa pagtatagpo nilang muli ay magagalaw ang st...