KABANATA 2

207 9 12
                                    


REEMAS:

Sabay-sabay na dumadagundong ang mga paputok sa labas ng bahay. Nagpapahiwatig ng paalam sa taong kasalukuyan at pagdating ng panibagong taon.

Nag video call ako sa ang aking mga magulang. Pagkatapos ay sabay-sabay kaming nagdasal at kumain sa hinandang mga pagkain kahit physically ay malayo kami. Iba na talaga ang nagagawa ng technology ngayon.

Pagkatapos ay diko nakaligtaang bigyan ang mga kasambahay ng bonus na nakalagay sa sobre kahit pa nakatanggap na ang mga ito ng bonus nung nakaraang pasko galing sa mga magulang ko.

Naiwan nalang akong mag-isa sa sala. Pasado ala una na ng madaling araw ng may narinig akong mga tunog ng sasakyang pumaparada. Inaasahan ko na kung sino ang mga ito. Pinagbuksan at sinalubong ko sila.

"Bro happy new year !!!!"

Sabay na sambit ng mga katropa kong sina June,Ricar,Mariano, at Bertolome na may kanya kanyang bitbit para pagsaluhan.

"Happy new year din mga bros! Pasok pasok!".

Sobrang na miss ko ang mga ito at isa isang niyakap. Nung huli ko kasing uwi ay diko nakabonding ang mga ito. I went to Korea with my parents for a vacation. Masyadong na hook kasi si mama ng mga korean novelas at sobrang fangirl ni Gongyo.

Timing yung uwi ko magbi-birthday na siya kaya yun ang regalo ko sa kanya. Si papa naman supportive hehe. Yun ang huling out of the country vacation namin bago si papa na-stroke.

Agad-agad kaming dumiretcho sa paborito naming pwesto. Sa may bandang rooftop ibabaw lang ng kwarto ko.

Nakapwesto na doon ang sound systems para sa videokehan, sangkatutak na alak at pulutan.

At nagsimula nga ang concert ng bagong taon ng mga frustrated rockstars haha.

Naka que na ang mga all time favorites namin.

Victims of love. I can wait forever. Bed of roses. Another one bites the dust. Islands in the stream.........napakarami pang iba.

Wala kaming masyadong alam sa mga bagong kanta ngayon. At siyempre pahuhuli pa ba ang isa sa paborito kong "The Search is Over" . Biniro tuloy ako ng mga kaibigan. Biglang itinigil ang concert saglit at nalagay ako sa hotseat.

"Bro nagtataka lang ako kung ba't yan ang paborito mo eh wala kapa namang na search...wahaha." Sabay nakakalokong tawa ni June.

" Baka ang ibig mong sabihin bro eh ...wala pa ngang na search e over na agad !!!" Segunda ni Ric At nagtawanan ang lahat.

" Alam mo bro the tide is high na sabi nung isang kapitan ng barko Burpppp... " Biro sabay dighay ni Mar at nagtawanan ulit kami.

"Anong pinagsasabi neto. Hay naku bro wag kang padadala sa mga yan. Kung ako sa'yo e enjoy mu muna buhay binata total ay di kana sasampa ng barko. Sa umpisa lang yan masaya..." Negatibong komento ni Bert.

"Naku nagsalita itong sawi. Wag mong itulad ang bro natin sa' guhit ng palad mo oi. Mag move on kana kasi sa ex mo! ang dami jan total anulled na kayo ni Darlene hindi ba?" Hirit na naman ni June.

"Huwag kang bitter!!!" Bulyaw ng tatlo sabay tawa. Napailing iling nalang si Bert.

Kung sa bagay sa aming lima si Bert ang unang nag asawa. Kaya siguro iba ang pananaw niya. Dahil siguro bata pa nung nagkaroon ng anak at asawa. 4th year high school palang kami ng nakabuntis ito. Totoy na totoy pa. Pinakasalan naman niya si Darlene ng mag 18 sila pareho. At ngayon ay anulled na. Wala atang balak umibig muli. Malay natin.

Si Ric ay masaya sa piling ng 1 anak at asawa.

Si Mar itong medyo di parin consistent ky misis. May 1 ring anak. Pinayuhan na naming mapirmi kay misis pero matigas parin ang bungo.

At ako si Mr. Single and available parin pero parang balak ko ng e update ang nakagawiang status from single into In a relationship o baka na pwedeng ring married kung agad makasalubong at mapana agad ni kupido. Bakit hindi? nasa tamang edad na naman ako at kaya ng bumuo ng pamilya .

"Bro wala ka pa bang napupusuan ulit? Mga foreign chicks wala man lang ni isa?" Tanong ni June sa akin.

"Oo nga bro. Baka bigla mo na lang kaming gugulatin niyan ha? Ano meron naba? Share naman dyan. " Si Mar.

Bigla tuloy akong napakamot sa batok sabay sagot.

" Wala talaga. Iba parin ang pinay mga pre. Alam niyo naman puro tubig at isda lang ang nakikita ko haha. Pero ...parang gusto ko na ulit nakaka miss na din and I think I'm ready . Sa tingin niyo mga bro's? Pero sino ? Yun ang napakalaking question mark. ." sabi ko.

" Ayon naman pala eh! Wag kang mag- alala bro marami akong pwedeng I-recommend saiyo." Singit ni Ric.

"Naku bro pwede mong simulan online. Search mo sa FB o IG baka may mga type ka noon malay mo mahanap mo sila. O di kaya ...'yong mga X's mo baka may pwede pa." Suhestiyon naman ni Bert. At nagustuhan ko ang suhestiyon niya.

Habang nagpatuloy ang concert ng bagong taon , paminsan minsan kong sini search yung mga pangalang natatandaan ko noon na medyo type ko rin siyempre kasama na ang dalawang ex ko.

At dahil di naman ako masyadong active sa IG, FB o ibang social media sites nitong huli, saka ko lang napansin na marami-rami na pala akong friend requests sa FB at naka followed sa IG ko . Hindi ko ito napansin nung nag online ako kahapon. E kasi naman interesado lang ako sa sinabi ni June ukol sa pagtitipon na gaganapin saka dala na din ng pagod.

Nakita ko ang mga may gustong e friend ako. Kasama na dun sina Shania at Celestie . Mga ex ko. Kapag sinuswerte nga naman. At dahil sa kasiyahan at excitement na nadarama ay accepted lahat ang mga nag requests at followed back lahat ng nag follow sakin. Hindi ko na tiningyan accept agad. At tinuon ko kina Shania at Celestie ang atensiyon ko. At puro single pa sila. Hmmmm... alin kaya sa dalawa.

Excited na tuloy akong makita sila ulit ng magkaalaman na. Nag message ako sa kanila. Binigay ko number ko just in case gusto nila akong makontak na confident naman akong gagawin nila. ' Hmmmm.... excited tuloy ako'.

Natapos ang pambihira naming concert mag- uumaga na. At lingid sa aming kaalaman, may kanina pa palang nagmamasid sa kabilang bahay. Nagpupuyos sa galit at inis.

When love and hate conniveWhere stories live. Discover now