"Okay ka na? Iuuwi na kita." Ani Wayo.
"I'm fine."
"Sure?"
"Yeah. Thanks."
"That's good to hear. Akala ko kanina, hindi na kita mailalayo sa lugar na iyon eh. Ayaw mo kasi kumilos. Hindi rin kita mahila. Ang bigat mo kaya."
"Sorry."
"Joke lang yun. Gusto lang kitang ngumiti."
Tumingin ako kay Wayo at binigyan ito ng simpleng ngiti.
After I saw that man who had the same face as my late husband, na blanko ako. It seems like my soul left my body. Natauhan nalang ako ng bigla akong hinalikan ni Wayo sa pisngi. After that ay agad kaming umalis sa restaurant.
"Sorry nga pala sa paghalik ko sayo kanina. Wala na kasi akong maisip na ibang way eh. Hindi naman kita pwedeng buhatin palabas ng restaurant kasi for sure, agaw eksena iyon. Mas lalong hindi kita magagawang suntukin. Mahal kaya kita."
Bahagya akong natawa sa sinabi na. Talagang nagawa nya pang maisingit ang mga salitang iyon.
"Ayos lang, Wayo. As you said, you don't have a choice."
"Can we talk about it? O gusto mo munang umuwi. Ako nalang magsusundo sa mga bata mamaya."
"Gusto ko munang umuwi. Gusto ko mapag-isa at mag-isip."
"Sige. Hahatid na kita."
Simpleng tango nalang ang tinugon ko kay Wayo. I let him do whatever he wants. I let him hold my hand and drag me out of the office. Wala na akong naging pakialam kung may mga empleyadong nakakakita sa amin. All i want is to go home and be alone.
Seeing that man and that face, para akong binuhusan ng malamig na tubig. Lalong sumidhi ang pangungulila ko kay Mew. Hindi ako makapaniwalang makikita ko sya ulit. Makikita ko ulit ang mukhang iyon. Masakit lang dahil ang sitwasyon namin ngayon ay hindi na tulad ng dati. May kasama kasi syang babae kanina. Seems like they are on a date. Same with me. I am with Wayo. And what we are doing can considered as date also.
Nang makarating kami sa bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto ko. Nagbilin ako sa mga kasambahay na walang iistorbo sa akin. Not even my kids. I don't want them to see me like this, lalo na si Ja at Cloud.
When I'm inside my room, I send a message o Anuson and Boun asking a favor. They immediately reply to my message, which made me smile and feel relief at the same time. Malayo man sila sa akin ngayon at may kanya-kanya ng buhay, maasahan ko pa din sila.
I took a quick shower and nagsuot ng komportableng pambahay tsaka ako umupo sa kama at kinuha ang picture namin ni Mew.
"Anong laro ito Mew?" Agad na tumulo ang luha ko. Luhang kanina ko pa pinipigil. Luhang ayaw kong pakawalan because this not the time to drown myself in sadness and pain. Subalit, may sariling isip ang aking mga luha. Kusa silang lumabas sa mga mata ko.
"Anong trip ito? Anong klaseng kalokohan ito Mew? Ikaw ba talaga yun? Buhay ka ba talaga?" Sunod-sunod na tanong ko habang nakatitig sa picture ni Mew.
Parang sasabog ang ulo ko. Hindi ko akalaing makikita ko sya sa lugar na iyon. I am expecting him to meet at school. Yung parehas kami magsusundo. Not in that place, in that situation. A situation where both of us are on a date.
Humiga ako sa kama at tumitig sa kisame. Inalala ko ang mukha ng lalaking iyon. Kamukhang-kamukha talaga sya ni Mew, pero may mali. May something sa mukha nya pero hindi ko matukoy kung ano.