Chapter 94

86 13 5
                                    

"Ingatan mo sila Wayo. Pag may nangyari isa sa kanila, paglalamayan ka talaga." Seryosong wika ni Haii.

Sinamahan ko ito ng tingin. I know he don't like Wayo. Well, wala naman talaga syang gusto sa mga umaaligid sa akin. Kahit babae ay ayaw nya. Reason is, no one deserve me daw. Ilang beses na namin pinag aawayan ang mga simpleng banta at pananakot nya kay Wayo pero paulit-ulit lang din naman nyang ginagawa. I asked her wife, Jerah kung ano ba kinakainisan ni Haii kay Wayo pero sabi ni Jerah ay wala naman daw. Sadyang mainit ang dugo ni Haii sa kanya.

"Daddy can I come with them, please." It was Sunoo, Haii and Jerah only son. "Kuya Ja and kuya First are with them. Please. Promise, I'll be good."

"Sunoo, wag ka na papaalam sa daddy mo. Isasama kita sa ayaw at sa gusto nya." Sabi ko sabay kuha sa aking pamangkin. Si Jerah naman ay inabot kay Wayo ang bag na may lamang gamit ni Sunoo. Kagabi ko pa pinagpaalam kay Jerah na isasama ko ang anak nila sa out of town namin. Close kasi ito kay Ja kaya naisipan ko nang isama.

"Ano..."

Nginitian ko nalang si Haii tsaka ko tinalikuran. I raised my hand and wave tsaka mo sinakay si Sunoo sa loob ng sasakyan.

"Mag iingat kami." Sigaw ko tsaka ako lumigid sa sasakyan para sumakay sa passenger seat. Hindi ko na inantay pang mag alburuto pa si Haii. Sinabihan ko na si Wayo na mag drive na para makaalis na kami sa mansion.

Kids are excited maliban kay Ja. This will be their first out of town for this year. Also ito din ang unang gala ni First mula ng bumalik sila dito. Buti nga at napilit namin na sumama si Ja or else, hindi makakasama si First sa amin.

"Hindi ka pa din ba iniimikan?" Tanong ni Wayo habang sinusulyapan ang mga bata sa rear view mirror. I did the same at natawa ako dahil lahat sila tulog. Buti nalang at naisipan kong maglatag ng inflatable bed.

"Kinakausap naman na but it's a one way conversation." Sagot ko.

"Ja and his temper." Iiling-iling na wika ni Wayo.

"Nothing new. Since his father died nagkaganyan na sya. Kahit ang mga tauhan namin ay takot sa kanya."

"Hindi mo naman sya masisisi Gulf eh. He witnessed everything. How you almost died, how his father died. I think it's his way of hiding his pain and wounds."

"Siguro nga."

After that, naging tahimik na kami ni Wayo. Wala rin kasi akong maisip na  topic naming dalawa dahil abala ang utak mo sa ibang bagay.

Nang makarating kami sa Pampanga, we decide na mag drive thru para bumili ng pagkain. At dahil kasama namin ang triplets plus  Sunoo, apat na fastfood chain ang dinaanan namin para sa food nila. Iba-iba kasi ang gusto nila. Hurri loves Jollibee while Thunder loves Mcdo. Si Sunoo naman KFC ang trip nya ngayon, while Cloud is Burger King. Si Ja at First naman ay nag Jollibee nalang din para makuha ni Hurri yung kulang sa collection nyang Jolly toys. Dumaan na din kami sa grocery store to buy some chicha for kids and drinks na din para sa amin ni Wayo.

Nang makarating kami sa beach house ni Wayo at nagkanya-kanya ng takbo ang mga bata sa dalampasigan. Syempre sunod din ang mga tauhan ko na kasama namin since hindi ko sinama ang mga Yaya ng mga bata. I choose not to kasi in case na magkagulo, hindi mahahati ang atensyon ko.

"Magpahinga ka muna. Mamaya lang nandyan na yung lunch natin." Ani Wayo after namin malibot ang beach house nya.

"Mamaya nalang. Sasabayan ko nalang ang mga bata."

"Sure?"

"Hmm."

"Sige. Puntahan ko muna yung care taker namin para ma check yung pinahanda ko na mga pagkain natin."

"Sige."

Hindi ko na hinatid ng tingin si Wayo. Tumanaw ako sa dalampasigan kung nasaan naghahabulan ang triplets at Sunoo, habang nakaupo naman sa buhanginan si First at Ja.

A sad smile curve in my lips. Naalala ko yung panahon na nagpunta din kami sa beach house na pagmamay-ari ng family ko. That was our first and last out of town. Doon ko din unang nakita si Dennise.

It was a beautiful memories. Sarap sanang balikan kung kasama ko pa si Mew ngayon.

I let out a deep sigh. Seeing Mew running after the triplets in the shore is the best view I can ever had. If only. If only.

I close my eyes, wipe my tears and calmed down myself. After few seconds, I heaved a deep sigh, opened my eyes, smile at magdesisyon akong puntahan ang mga bata. I need make this out of town a good memories for them.

Tili ni Hurri ang agad kong narinig habang hinahabol siya ni Thunder. Her brother is trying to put some dirt on her na syang  pinaka ayaw ni Hurri. Si Cloud naman ay kasama si Sunoo na naggagawa ng kung ano sa buhanginan.

"Tulog ba yan?" Tanong ko kay First. Nakahiga kasi sa lap nya si Ja at nakatakip sa mukha nito ang libro na binabasa nya kanina sa bahay.

"I'm not. Why?" Si Ja ang sumagot. Inalis nya ang libro sa kanyang mukha at tumingin sa akin.

Mukhang good mood na sya.

"Just asking." Kibit-balikat Kong sagot tsaka ko nilingon si Hurri na ngayon ay karga na ng isang tauhan namin.

"Okay."

Napailing  nalang ako. Ang hirap kapain ng mood ni Ja. Ganito ha pag nagbibinata? As far as I know  hindi ako ganito noon.

"Dad." Muli kong nilingon si Ja.

"Why?"

"Not tito Wayo."

"Huh?"

"If you are planning to be in a relationship again, I'm not against it. But not tito Wayo."

Nagtaka naman ako. I thought okay sa kanya si Wayo.

"Why?"

Seryosong tumingin sa akin si Ja. "He don't deserve you."

Napatango nalang ako. Wala pa naman akong balak na pumasok sa isang relasyon. At wala din naman akong balak na gawing panakip butas si Wayo. Mabait sya at hindi nya deserve na maging panakip butas.

Umuklo ako at ginalo ang buhok ni Ja. He hates it kaya naman tinabig nya ang kamay ko na kinainis ni First. Napingot tuloy sya ng huli kaya napatawa ako.

"If time comes na handa na ako ulit magmahal, ikaw ang unang makaka alam Ja."

"I'm sure na hindi darating ang araw na yan."

"And why is that."

Umupo si Ja at seryosong tumingin sa akin. "You cannot keep a secret from me dad."

Nagkibit-balikat nalang ako. Sabi ko nga  hindi aq makakapagtago sa kanya.

"Time to eat everyone!" Malakas na sigaw ni Wayo na kakakuha ng atensyon naming lahat. Agad na nagsitakbuhan ang mga bata maliban kay Ja. Tumayo lang sya sa tabi ko.

"Actually dad, tito Wayo deserve you. Kung hindi lang sya tanga mag isip, papayag ako na maging kayo. Sad to say, love can make everyone stupid."

Nilingon ko ang aking anak at matamang tinignan. Seryoso nyang tinititigan si Wayo.

"Only your dad deserve me, Ja. No one else."

"I know."

--------

After ng masaya naming pananghalian ay pinatulog ko na ang mga bata. Ja put First to sleep also bago ito natulog. Agad din nakatulog ang triplets at si Sunoo dahil na din sa pagod sa biyahe.

After I make sure na tulog na nga sila ay nagtungo ako sa veranda. I fished out my phone and read all the message that Anuson sent me.

I smile as I keep all the information that Anuson gathered. May iilang video din syang sinend.

I deleted all the messages and put my phone on the table tsaka ako tumanaw sa karagatan.

Ayaw ko pang magsaya, pero hindi ko maiwasan. Naghahalo tuloy ang saya at galit sa loob ko. Saya dahil tama ang lahat ng hinala ko. Galit hindi lang sa mga taong gumawa nito sa akin kundi pati na din sa tadhanang patuloy akong pinaglalaruan. Laro na alam ko na kahit kelan ay hindi ako mananalo.

A Love To Kill 3Where stories live. Discover now