Chapter 96

65 13 2
                                    

Malakas ang uga ng aming sasakyan dahil sa lakas ng pagsabog. Agad ng pumalahaw ng iyak si Hurri, maging si Sunoo habang yakap-yakap sila ni Cloud at First.

Our car, aside from being bullet proof ay shocked proof din ito. Kaya naman, kahit anong lakas ng pagsabog ay hindi nabasag ang mga salamin.

"Anong gagawin natin dad? Tanong ni Ja habang mahigpit ang hawak sa kanyang baril. His head is turning left to right, trying to see something from the thick smoke. Dinig na dinig namin ang sunod-sunod na banggaan ng mga sasakyan.

"Wala. We stay here. They are expecting us to get outside this car, so that they can kill us."

"Daddy! Waaahhh! Daddy?"

Nilingon ko si Hurri at inabot ang kanyang maliit na kamay. She's shaking, gayon din si Cloud at Thunder na tahimik lang nakaupo sa tabi ni Cloud. After all, they are just kids witnessing and experiencing this kind of incident.

"It's okay baby. We're safe okay. No need to be scared."

"But the people outside."

Nagkatinginan kami ni Ja. This is the soft Frejah Hurricane.

"Let's hope they are fine okay."

Tumango lang si Hurri at siniksik ang sarili kay Cloud. I look at my brave Cloud.I squeeze his little hand and smile at him.

"It's okay to cry Cloud." Wika ko. I can saw how his jaw move just to surpressed his cry.

Umiling si Cloud at tinignan si Hurri. He's thinking his sister. Kung iiyak sya, lalong natatakot si Hurri. Kung iiyak sya, lalong iiyak si Hurri.

"Cry later when we go home okay."

Tango lang ang sinagot sa akin ni Cloud.

Nilingon ko naman si First. Kulang nalang ay pumasok sa loob ng damit nya si Sunoo. Panay din ang iyak nito.

Napabuntong-hininga nalang ako. They are too young para maranasan at nasaksihan ang ganitong mga pangyayari, but this is what our world is.

"Gulf, ayos lang kayo?" It's Anuson and he is using the wireless intercom na nakakabit sa bawat kotse.

"Okay lang kami. Umiyak lang si Hurri at Sunoo."

"Mabuti naman. Wag kayong lalabas ng sasakyan. They are lurking around."

"I know. Wala din lalabas sa inyo. We are safe inside. Let the thick smoke subside first."

"Got it. Natawagan ko na din si Haii. May mga pulis na daw sa side nila. May paparating na din daw na bombero at medics. Prem said, madaming casualties. Hindi daw bababa ang sasakyan nagbanggaan. May mga bus ng tumagilid. For sure daw ay may mga patay."

"Nandamay talaga sila ng mga inosente."

"Anong plano mo?*

"Sa ngayon, kailangan munang maiuwi ang mga bata. We need to secure their safety. Then let's plan."

"On it. Tawagan ko ulit si Haii. Alam ko mag-aalala sila kay Sunoo."

"Mm."

Muli akong tumingin sa labas. Unti-Unti nang nabawasan ang usok at nakikita ko na din ang epekto ng malakas ng pagsabog.

Mahigpit kong naikuyom ang aking kamao ng maging malinaw na ang lahat.

Sirang sasakyan, sirang daan at madaming patay. Bata, matanda, babae, lalaki. May mga sanggol din.

"Maniningil ako ng mahal sa iyo James."

Inabot kami ng halos tatlong oras bago kami nakaalis sat nakauwi ng bahay. Medic made sure that we are okay, specially the kids. Also, police got my statement of what happened, kaya naman natagalan kami.

A Love To Kill 3Where stories live. Discover now