nine.

27 2 3
                                    

ARYSE'S

"Tita, I'll be home by 8 pm po since I have some errands to do. Yeah, I called po to inform you that I will be eating dinner outside. Yes po, hmm.. Thank you po!" Sambit ko habang kausap ang isa sa mga kasambahay namin through a phone call.

She told me to take care and call immediately if something happened, tumango-tango ako as if nakikita niya ako. Natauhan din sa katangahan at sumagot ako ng "opo" at ibinaba na ang tawag.

I'm already outside of our university, to be specific, sa sakayan papuntang Star Malls, ang malapit na mall sa bahay namin. Si Wayne ang naisipan kong ayain sa pamimili ng gifts since Simone is mainipin. I messaged Wayne that I will commute papunta roon dahil hindi ko dinala ang car ko today.

Wala lang, I just felt like commuting.

And tinuruan na rin naman ako ng grandparents ko kung papaano, since lagi nila akong sinasama tuwing pumupunta sila sa public market.

Wayne's last subject kasi will end at 4 pm pa. I got lucky again dahil may kailangang attend-an na meeting ang 1 to 3 pm class ko this afternoon, that means I have time to buy Nanay Fina a gift! Oh wait, scratch that. Some gifts!

From: Whale-yne

Are you sure you don't want to wait for me? It's too hot to commute.

Bago siya replayan, naki pila na muna ako sa jeep na papuntang Star Malls. Hindi naman ganoon karami ang mga tao, sakto lang para mapuno agad ang isang jeep. Umupo na lang ako sa harapan where I sat beside the driver. Hindi ko rin kasi kaya ang masiksikan, it suffocates me.

To: Whale-yne

I am 100% sure. You know me naman, I don't have a lot of patience like you. Magpapalamig na muna ako roon while waiting. 🥰

"Manong, bayad po, sa Star Malls lang." Pag-abot ko ng fifty pesos sa driver. Medyo nangawit na ang kamay ko dahil hindi niya pa rin ito kinukuha.

"Uh.. Manong?"

"A-ah pasensya na.. Akala ko'y kailangan ko pang mag ingles para kausapin ka."

"Hindi po, marunong po akong magtagalog." I scratched the back of my head while maintaining an awkward smile.

Hindi ko na mabilang sa kamay kung ilang beses ko na bang naranasan 'to. Not that I'm boasting or something, people always mistook me as a foreigner for my features. Siguro ay sa pananalita ko rin dahil aaminin kong conyo ako.

Hindi naman always, sometimes lang.

Napangiti na lang din siya at inabot ang sukli ko. Nang mapuno ang jeep, pinaandar na agad nito ni Manong at umalis na kami.

While on the trip, I reached for my snack box from my bag. Nararamdaman ko na rin kasing kumukulog ang tyan ko.

Before you judge me from not eating, I didn't have the chance to eat lunch, okay? After my morning class, I set a class meeting for our section. That served as an open forum meeting where they can freely express their thoughts and suggestions. Sa paraang iyon, we will unite for the betterment of our class.

Binuksan ko ang snack box at kumuha ng isang hiwa ng apple. Ito lang din ang nahanda kong baon for myself dahil sa university ako palaging bumibili ng lunch. Tinignan ko pa ang band aid na nakalagay sa hintuturo ko habang ngumunguya. I accidentally cut myself while preparing the apple kanina.

Nang marating ang mall, pumara ako and thanked Manong for taking me here safely. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at pumasok na agad dahil marami akong gustong bilhin for Nanay Fina.

RIVALRY [ heesun ]Where stories live. Discover now