Prologue

419 13 2
                                    

"Hoy bata. Bakit nakasimangot ka?" tanong sakin ng isang batang babae na kaedad ko lang.

"Sino bang matutuwa kung lagi kang nakakulong?" pabalang kong sagot hindi ko siya kakilala basta na lang siyang sumusulpot dito sa kwarto ko para guluhin ako.

"Bakit ka nga ba andyan? Baliw ka ba?" mapanuring tanong nito sakin na ikinairap ko.

"Hindi ako baliw. I just need to stay here para mabantayan ako nung doctor ko." inis na bwelta ko dito, I can't blame her for thinking that I am crazy kasi sino bang hindi mag-iisip nun kung nakastay ako sa psychiatric ward?

"Ah siguro may tramu ka din just like my ate. She used to visit here kasi and right now she's seeing her doctor. What happenned to you ba?" ano daw tramu? Trauma yun diba?

"Its Trauma not tramu and its none of your business." mataray na sagot ko dito. Cute niya sana kaso ang kulit.

"Sungit naman, alam mo ba it's easy to smile than to frown nakakangalay kaya kapag laging nakasimangot. You should try smiling, walang bayad yun." Ang ingay naman nito sarap ilagay sa sako tapos itapon sa ilog.

"Try mo ding manahimik wala ding bayad yun." bwelta ko na ikinanguso niya.

"Ayoko nga. Bakit ba ang sungit mo? I just want to be your friend." nakanguso pang sabi nito tssk ang pangit.

"Ayokong maging kaibigan ka. Alis na." taboy ko dito at humiga na sa kama ko patalikod sa kanya.

"I will be quiet if you accept me to be your friend and I will always visit you here kasi parang wala kang friend. Promise I'll stay by your side and make you smile." sabi pa nito at pilit na inihaharap ako sakanya.

"Do you want to have a crazy friend?" inis na tanong ko dito at hinarap siya.

"You're not crazy diba sabi mo? And I think you need me kaya please let me be your friend." may papikit-pikit na pakiusap pa nito. Napabuntong hininga ako sa kakulitan niya pero hindi na ako nakasagot dahil may tumawag na sakanya sa labas ng kwarto ko. Tssk hindi ko nga alam kung paano siyang nakapasok dito eh private room ito kahit nasa psychiatric.

"Alis na ko sungit. Pagaling ka babalik ako dito promise." paalam nito sakin na tinanguan ko lang pero nagulat ako dahil bigla itong bumalik at hinalikan ako sa pisnge. "Wag mo kong mamimiss ah? Smile kana walang bayad yun." kumakaway pa ito hanggang nawala na siya sa paningin ko.

"Ay hala gumagala yung baliw oh." bulong nang isang bata na nadaanan ko. Naisipan ko kasing maglalakad lakad dahil nabobored na ako sa kwarto ko.

"Oo nga diba siya yung nasa private room? Lagot baka magwala yan." sagot naman nung isa.

"Hoy baliw! Bumalik ka na sa lungga mo bawal ka dito." mataray na sabi sakin nung batang babae na may dalang dextrose. Pumunta kasi ako dito sa area kung saan pwedeng tumambay ang mga bata. Mini park siya pero sa loob pa din ng hospital wala akong dextrose kaya malaya akong gumala and sabi din nung doctor ko pwede naman daw akong maglakad-lakad.

"I'm not crazy." maikling sagot ko dito. Sabi nung batang makulit its better to smile pero paano ako ngingiti kung mga ganitong bata ang nakakasalamuha ko?

"Baliw ka. Sabi ni mommy kaya ka daw naka Isolate dahil baliw ka! Alis dito!" sagot naman nung isa.

"I'm not crazy!" sigaw ko dito. They don't know what I am going through kaya nasasabi nila yan.

"Alis ka na sabi baliw!" tinulak ako nung batang may dextrose dahilan yun para matumba ako sa sahig.

"Hoy! Wag niyo siyang awayin! She's not crazy, may trauma siya and you guys who have little brains can't understand it! Leave her alone." pagtatanggol sakin nung batang makulit himala natuwid na niya ang trauma.

"But mom told me she's crazy!" pagpipilit pa din nung batang tumulak sakin.

"But she's not. Umalis na kayo or I will call the nurses para hindi na kayo payagang pumunta dito." pananakot naman nung batang makulit. Effective naman dahil natakot ang mga ito at umalis. Tinulungan niya akong tumayo at inalalayan pa akong makaupo sa bench.

"Thank you." sincere na sabi ko and try to form a small smile na ikinalawak naman ng ngiti niya.

"Thank you is not enough sungit." nakangiting sagot nito. "Be my friend and marry me paglaki natin." dagdag pa nito na ikinagulat ko.

"But how? We are both girls." litong tanong ko.

"Why not? Mom told me that if you love someone it doesn't matter who they are or what they are. Kaya hindi na mahalaga kung parehas tayong babae we can love and marry each other." mahabang paliwanag nito na tinanguan ko lang.

"So iniligtas kita kanina, and you have to marry me kaya magpagaling ka na."

"Okay." tinanggal ko ang bracelet na suot ko at isinuot yun sakanya. Kinuha nman niya ang phone nito at lumapit sakin.

"Picture tayo para kung sakali mang hindi tayo magkita ng matagal mahanap pa rin kita dahil pumayag ka ng magpakasal sakin." masiglang wika nito habang ikiniclick ang camera. "What's your name pala?" tanong nito.

"I'm Elle. Ikaw?" pakilala ko na dito.

"I'm Yen." nakangiting sabi nito at hinawakan ang kamay ko para mag shake hands. "I'm your future wife. Hindi ka pwedeng magpakasal sa iba huh?"

"Yeah. I promise." mas lalong lumawak ang ngiti niya at niyakap ako hindi pa sana siya bibitaw kung hindi lang siya tinawag ng kasama niya.

"Pano ba yan sungit maghihiwalay na naman tayo?" malungkot na sabi nito habang hawak ang bracelet na isinuot ko sakanya. "Ay wait lang." sabi pa nito at tinanggal ang kwintas na suot niya.

"Kapag hindi kita nahanap ako ang hanapin mo and promise me ako lang papakasalan mo okay?" paniniguro nito na ikinatawa ko.

"Oo na. Promise. Pero bumalik ka ulit dito ha? I'll wait for you." sagot ko na tinanguan niya. Niyakap pa niya ako bago siya tuluyang umalis. Ang kulit niya but she save me and I owe her kaya pumayag akong maging kaibigan niya and magpakasal sakanya someday. She's cute naman but bungal. Napangiti ako ng maalala ko ang mukha niya, atleast now I have a friend kahit hindi madalas na magkita I can count her as one of my few friends.

Sabi niya babalik siya pero yun na pala yung huling araw na makikita ko siya sa ospital dahil hindi na siya bumalik. Nakakilala naman ako ng ibang bagong kaibigan pero siya yung hinihintay ko.

Hanggang sa makauwi na ako hindi na siya bumalik pero dahil nangako ako sakanya I will find and marry her because promise is promise and it should not be broken.

I hope I can find her at the right time....

Yen....

A/n: Magsisimula tayo ng bagong kabanata. HAHAHA namiss ko si Elle eh kaya ibabalik ko na siyaaaa. Support everyone lovelots.

Destined For You (FreenBecky-FayMay)Where stories live. Discover now