Chapter 6

134 10 0
                                    

Thirdy POV

Seeing the genuine smile from this naughty Australian woman makes my heart flattered. Hindi ko lang masyadong pinapahalata dahil lalaki ang ulo niya kapag nalaman niyang natutuwa ako sakanya.

Nag-eenjoy siya sa pagsakay sa mga rides at hindi ako nakaligtas sa kakulitan niya. Ayos lang naman sakin dahil wala naman akong kinatatakutan kung hindi nga lang dahil sa family dinner nila ay baka si Kate ang kasama ko ngayon at hindi ang kapatid niyang times three ang kulit.

"Thirdy! Pasok tayo dun!" turo nito sa horror house pagkababa namin sa ferris wheel. Ang dami na naming nasakyan at hindi pa siya napapagod.

"Teka lang naman. Hindi ka ba napapagod?" tanong ko habang hila hila niya ako papunta sa horror house.

"Napapagod. But I want to cherish this moment. Alam mo bang ito ang first time ko na sumakay sa mga rides?" sagot nito na ikinanganga ko. First time niya samantalang ako hindi ko na alam kung pang ilang beses ko ng pumunta dito. Hindi ko maiwasang maawa sa kanya dahil pakiramdam ko ang lungkot ng childhood niya kahit kompleto pa naman ang magulang niya.

"Baka pwedeng kumain muna tayo bago pumasok diyan?" lunch time na kasi at mukhang hindi niya yun napapansin dahil sa sobrang saya niya. Ngayon ko lang narealize na kaya pala carousel ang unang sinakyan namin ay dahil never pa niyang na try yun.

"Mamaya na hindi pa naman ako nagugutom." pilit pa nito at pumila na sa bilihan ng ticket. Jusko parang may kasama akong seven years old na sabik na sabik sa mga rides.

"Fine. Stay here and buy tickets for us, bibili lang akong pagkain." paalam ko dito at iniabot sa kanya ang card ko dahil wala naman siyang dalang pera. Mahaba naman ang pila kaya sure ako na aabutan ko siya dito.

"Sige. Bilisan mo lang ha?" parang batang bilin pa nito. I just pat her head before leaving. Para talaga siyang bata kahit ang totoo magkaedad lang kami.

Bumili lang ako ng biscuits and water dahil after naman sa horror house ay maglalunch din kami. Magkalaman lang kahit papano ang sikmura niya. Bumalik agad ako sa pinag-iwanan ko sa kanya at nagulat pa ako dahil hindi na siya mag isa. May kausap na siyang dalawang lalaki at mukhang nagpapacute sa kanya.

"Excuse me." pag-agaw ko sa atensyon nila dahil mukhang hindi ako napansin ng pasaway dahil sa todong pagngiti niya sa dalawang lalaki.

"Thirdy." masiglang tawag nito sakin at kitang kita naman ang pagkamangha sa mata ng dalawang lalaking masasabi kong gwapo pero hindi pa rin pasado.

"Kaibigan mo?" tanong nung isa na ikinaangat ng kilay ko.

"Ah-

"No. I'm her girlfriend so back off." may pagbabantang sabi ko na ikinanganga nilang lahat pati ng babaeng pasaway. Kung sino sino na lang kasing ini-entertain niya kaya siya napapahamak. Alam niyo yun? Sobrang pasaway niya pero sobrang inosente din niya. Akala niya lahat ng nagbabait baitan sa harap niya ay mabait talaga. Mabilis siyang magtiwala kaya lagi siyang napapahamak.

"What are you still doing here? Leave." taboy ko pa sa dalawang lalaki at hinapit sa bewang ang pasaway na hindi pa rin gumagalaw.

"Ah-yeah. Aalis na kami." paalam nung isa at hinila na ang kasama niyang hindi pa ata nakakamove-on

"Breathe Vien." bulong ko dito dahil sobrang lapit namin sa isa't isa. Ginawa ko lang yun para ilayo siya sa mga taong nag tetake advantage sa kanya at walang ibang ibig sabihin yun.

Agad naman ako nitong itinulak papalayo at kinuha ang isang bottled water sa kamay ko habang namumula ang pisnge. What's wrong with her?

"Nakabili ka na ng ticket?" tanong ko matapos niyang uminom.

Destined For You (FreenBecky-FayMay)Where stories live. Discover now