Chapter 5

119 8 0
                                    

Thirdy POV

I trace the number used by Kianna to find her. Nagulat ako sa nakita ko, anong ginagawa niya sa lugar na yun ng ganitong oras? At sa estado niya ay parang mag-isa pa siya.

Tinahak ko ang daan papunta sa kinaroroonan ng babaeng Australiana. Nasa dulong bahagi ito ng city at malapit na sa boundary papuntang province. Kaya nagtataka ako kung anong posibleng ginagawa niya dun.

I drive as fast as I can. Para na akong nakikipagkarerahan kay kamatayan mapuntahan lang siya agad.

Mabilis ko naman itong nakitang nakaupo sa tabi ng poste ng ilaw. Agad akong bumaba para icheck siya at sinalubong niya naman ako ng yakap.

"Thank you for coming." Umiiyak na bulong nito. Niyakap ko naman ito pabalik at inalalayang pumasok sa kotse. Hindi na ako nagtanong kung anong nangyari at hinayaan siyang makapagpahinga.

"Give me your address I'll send you home." Utos ko dito na inilingan niya.

"I don't want to go home. Please take me with you." Sagot nito na mas ikinagulat ko. Wala akong planong mag-uwi ng ibang babae sa bahay lalo pa at kakikilala ko pa lamang dito. Isa pa may girlfriend na ako at hindi man alam ng nakararami ay mali pa din na iuwi ko siya.

Kaya imbes na magmaneho pabalik ay ideneretso ko na ang sasakyan papuntang Tagaytay. Linggo pa lang naman bukas at sa klase ng kasama ko mukhang deserve niyang mag unwind.

"Where are we going?" Tanong nito marahil ay nagtataka sa daang tinatahak namin.

"Somewhere you'll like." Tipid na sagot ko na ikinabuntong-hininga niya. I must admit hindi ako sanay na ganito siya mas nasanay ako dun sa makulit at maingay na Kianna.

"Thank you again Thirdy for helping me. I runaway from my dad in our family dinner because he's pressuring me to date the man he choose for me." Pagkwekwento nito hinayaan ko lamang ito at nakinig na lang. Hindi ako magaling magpayo kaya pakikinig na lang ang pwede kong gawin.

"I don't want to date someone that I don't know. Am I bad? Is it wrong to choose my own happiness rather than following my dad's will?" Tanong nito na ikinagulat ko.

"No. No one can dictate us what to do or who to love. And what you did was right, it's your life and you have the right to do whatever you want. Even if it is against in your family's decision." Seryosong sagot ko.

"How about your ate? Pumayag ba siya sa gusto ng daddy mo?" Tanong ko naman na ipinagkibit balikat lamang nito.

"I don't know. I left them after the argument and I never had the chance to hear my sister's answer." Paliwanag nito na tinanguan ko. Kung saka-sakali man ngang nag-offer ang ama nito na ipakasal sila sa iba ay natatakot ako sa maaaring sagot ng girlfriend ko cause knowing her she always obey her fathers command.

"We're here. Kumain ka na ba? Tanong ko dito matapos itigil ang sasakyan sa isang hotel dito sa Tagaytay. Umiling naman siya bilang sagot sa tanong ko. Kaya after booking a room nag order na din ako ng pagkain para makakain siya.

Isang room lang inocupy namin pero double bed. Hindi kasi pumayag ang Australianang ito na mag isa sa kwarto dahil natatakot daw siya.

"Hey I'm done." Napalingon ako ng magsalita ito mula sa labas ng banyo. She's wearing a simple night dress at kitang kita ang hulma ng katawan nito.

She's hot indeed. She smile at me na lihim kong ikinalunok. F*ck! What's wrong with me?

"Ahmm sige. Parating na yung food kumain ka na lang maliligo lang ako." Sabi ko bago umiwas ng tingin.

Bakit ganito yung nararamdaman ko? Biglang bumilis ang tibok ng puso ko na minsan ko lang maramdaman. I love my girlfriend na ate ng babaeng kasama ko pero bakit ganito ang epekto niya sakin?

Destined For You (FreenBecky-FayMay)Where stories live. Discover now