Chapter 12

80 7 0
                                    

~Thirdy~

"Bukas daw uuwi si Zaire." inporma ko sa dalawang babaeng kasama ko sa library. Sinisimulan na namin yung research dahil kailangan pang aralin yun ni Vien. Kasi nga diba transfer siya? Nakausap ko kasi kagabi si Zaire thru video call and she told me that she'll be home tomorrow.

Yung two weeks kasi na paalam sakin ni Zaire ay naging isang buwan at sobrang daming nangyari. Mabuti na lang din talaga at laging sumasama samin si Levi kaya hindi ako masyadong naoobliga na magpara sasagot ng tanong ni Vien.

"That's good to hear. Sa isang araw pwede na tayo sa bahay." sagot naman ni Vien. Tomorrow is saturday, so sunday kami sa bahay nila? Bukas din ang balik ni Kate mula sa Europe so malamang nandun siya? Minsan nga iniisip ko na baka magkasama talaga sila ni Z dahil halos magkasunod silang umalis ay sabay silang uuwi.

Pero sabi naman ni Z nasa Korea siya at inaasikaso ang mana mula sa mommy niya. Korean kasi ang nanay niya kaya andun lahat ng business nila meron din silang business dito which is sa daddy naman niya. Oo mayaman si Z hindi lang halata dahil nakikitira siya samin kahit na kayang kaya niyang bumukod.

"Sunday tayo?" tanong naman ni Levi na tinanguan ko.

"Ipapakilala ko kayo sa ate ko, bukas din ang uwi niya." biglang sabi ni Vien na ikinatibok ng mabilis ng puso ko. Hindi ko alam kung ready ba ako na makita ang girlfriend ko dahil pakiramdam ko ang laki ng kasalanan ko sa kanya.

Hindi ko naman sinasadya na mas naging kaclose ko ang kapatid niya in just a short span of time tapos mas madalas pa kaming magkasama kahit weekend. We enjoy each other's company and that's the reason why I have this unexplainable feeling.

"Third?" malambing na pukaw sakin ni Vien.

"Ha?" gulat na sagot ko. Nalulutang na naman ako shit!

"Sabi ko kung okay lang ba na ipakilala ko kayo sa ate ko sa sunday?"

"Ah oo naman. Bakit hindi?" casual na sagot ko kahit ang totoo hindi na ako mapakali sa loob loob ko.

"Sige. Inform ko si ate na ipapakilala ko kayo sa kanya." nakangiting sabi pa nito at heto na naman yung pakiramdam na hindi ko maipaliwanag basta ngumiti siya or tumawa siya nararamdaman ko. Minsan kapag magkadikit ang mga balat namin hindi ako mapakali. Ayokong pangalanan kung ano yun dahil natatakot ako.

Pero hindi ko naman mapigilan yung sarili ko na lumapit sa kanya dahil sa kakaibang saya na idinudulot niya sakin. It feels wrong because her sister is my girlfriend but I'm happy to be with her na hindi ko pa nararanasan sa tanang buhay ko, ngayon lang.

Seryoso lang silang nagbabasa ng libro para sa research namin habang ako heto at pinagmamasdan ang babaeng ubod ng pasaway pero hindi ako nagsasawang sawayin at bantayan.

"Baka matunaw yan." bulong ni Levi dahil siya ang katabi ko ngayon at nasa harap ko lang si Vien.

"Ha?"

"Aminin mo na kasi na gusto mo si Kianna mukha namang gusto ka rin niya." bulong pa nito.

"Hindi ko siya gusto. Saka may girlfriend na ako." ganting bulong ko dito sapat lang para siya ang makarinig.

"Ano?? May girlfriend ka na?!" malakas na bulalas ni Levi na ikinagulat ko at ni Vien.

"Silence please!" saway naman ng librarian na ikinaface palm ko.

"May girlfriend ka Third?" tanong ni Vien. Na hindi ko alam kung paano sasagutin dahil sa kakaibang tingin niya

"Ha?"

"Kung may girlfriend ka?" tanong ulit nito this time mas seryoso na siya at hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan.

"Ah oo." sagot ko kahit medyo kinakabahan ako.

Destined For You (FreenBecky-FayMay)Where stories live. Discover now