Chapter 20

123 8 0
                                    

~Thirdy~

Sa buong buhay ko wala akong ibang ginawa kundi ang tumakbo. Tumatakbo ako para takasan ang mga bagay na naging dahilan ng sakit na nararanasan ko.

At hindi ko naisip na manatili at maging masaya hanggang sa dumating siya para guluhin ang buhay ko. Pero hindi ko ineexpect na siya pala ang magbibigay ng kulay sa madilim kong mundo. Isa siya sa naging dahilan ng pagkamatay ng mga magulang ko pero heto ako at pinipiling iligtas siya sa kamay ng taong gustong pumatay sakanya.

"Thirdy Isabelle Smith! Hintayin mo kaya ako!" Sigaw ni Z habang tumatakbo palapit sakin. Nababalot ang paligid ng putok ng baril kung normal na tao lang ako baka tumakbo na ako palabas ng building na to pero ako to oh? Future ng pasaway na si Vien.

"Hello! Kasama niyo rin ako." Dagdag ng hingal na hingal na si Kate. Nagagawa pa talaga nilang magbiro kahit nasa bingit na ng kamatayan si Vien.

"Maghihiwalay kaya tayo." Suggestion ko para mas mabilis naming mahanap si Vien.

"No! Injured ka pa at di mo kakayanin kung mag-isa." Pagtutol ni Kate. "Dun tayo sa sunod na floor malakas ang kutob ko na nadun sila." Dagdag pa nito at nauna ng maglakad samin habang nakayuko.

Madaming tauhan si Senator Ramos at kalaban nito ang mga tauhan namin ni daddylo. Isinama ko na din ang mga agent sa sarili kong organization kaya mas doble ang pwersa namin ngayon.

"Nakalock." Bulalas ni Kate habang pinipilit buksan ang pinto na nakasara.

"Tabi." Utos ko at buong lakas kong sinipa yun tumambad samin ang relax na relax habang nakaupo na si Senator Ramos.

Ngumiti ito samin ng matamis at sinenyasan kaming pumasok. Pagpasok na pagpasok namin ay nandun si Vien nakaupo habang nakagapos ang kamay.

May mga nakatutok na din saming baril na nagmula sa mga tauhan niyang nakatago lang pala. Tatlo ang tauhan niyang nandito at pang apat si Senator. Minsan talaga kung sino pa yung mukhang mabait at mapapagkatiwalaan sila pa pala yung may hindi magandang binabalak.

"Hayaan niyo na sila. Pakawalan mo yung isa at baka isipin ni Senator Castro na kinakawawa ko ang prinsesa niya." Utos ni Senator Ramos sa tauhan niya para kalagan si Vien.

Mabilis namang lumapit samin si Vien at ang unang pumasok sa isip ko ay ang yakapin siya. Wala akong pakialam kung may kalaban pa sa harap namin. I miss her and she scared a lot of me.

"I'm here now. I'll save you." Bulong ko dito bago siya binitawan at hinayaang makalapit sa ate niya.

"What do you want from us Senator?" Tanong ni Kate dito.

"Ang totoo wala naman talaga dapat pero sobrang tigas kasi ng ulo ng tatay niyo eh. Ayaw niyang magpapigil sa pagtakbo bilang Vice President ng bansa. Kaya naisip ko na baka kayo ang maging daan para mapatigil ko siya." Politics ha? Ang dami talagang tao na handang isakripisyo ang dignidad kapalit ng pera.

"Bakit naman naisip mo yan Senator?" Tanong pa ni Kate. "I'm not belong to the family kaya malabong pumunta dito si dad."

"I agree with her. Dad is mad at me dahil pasaway ako. Kaya mukhang hindi siya pupunta dito para iligtas kami." Dagdag ni Vien.

Tumalim ang mga titig samin ni Senator at parang gusto na niya kaming patayin pero ngumisi lang ulit siya na parang may na-alala.

"Okay lang dahil may plan B naman ako. Nalaman ko kasi na sainyong dalawa na pala ipinangalan ang lahat ng negosyo niya dahil ayaw niyang masilip yun ng gobyernio. Kaya naman I prepared this." Iwinagayway nito ang hawak na envelope bago lumapit sa amin.

"Sign these papers and you may leave." Dagdag pa ni Senator. Gusto niya pa talagang angkinin ang yaman ng mga Castro eh ang dami na niyang nacorrupt na pera.

Destined For You (FreenBecky-FayMay)Where stories live. Discover now