~Kianna Vien~
Mabilis akong tumakbo papasok sa loob ng room ko matapos nang nangyari sa kusina. That woman is really unbelievable! Akala ko ba mahal niya yung girlfriend niya?
Tapos ano daw? Magchecheat siya kung ako yung dahilan? The heck?! Gagawin niya akong kabit? Argghh! She even kissed me! Smack lang yun pero hindi pa din tama!
Pero kinilig ka.
Arggghh! Ano bang nangyayari sakin?! I should act normal pero heto at nag-iinit ang mukha ko sa tuwing naaalala ko yung kiss na yun. Nararamdaman ko yung labi niya sa labi ko. Weird, it's not my first kiss but it feels like my first because of the unique feeling.
Pumunta ako sa cr para makapaghilamos, I even changed my shirt para naman may dahilan ang pagkawala ko. After that I decided to get down to face that evil woman.
Bababa na sana ako when I noticed my ate's room that. Nakaawang ang pinto nito na ipinagtaka ko dahil kanina ay sarado yun.
Dahil sa curiosity ay pinuntahan ko yun at nakarinig ako ng parang nag-uusap or should I say nag-aaway? I can't clearly hear them kaya mas lumapit ako sapat lang para hindi nila ako makita.
"Calm down Yanna everything will be alright." Boses yun ni Zaire?
"Yeah. Labas na tayo baka magtaka na sila sa pagkawala natin." Dahil sa sagot na yun ni ate ay nagmadali akong tumakbo pababa ng hagdan.
Kahit gulong gulo nagawa kong makalayo sa kanila. How on the earth happen that they know each other?
"San ka galing Kia? Saka bat para kang nakakita ng multo?" Tanong ni Levi nang makarating ako sa kanila. Napaangat tuloy ng tingin ang babaeng dahilan ng pagkawala ko.
Nakakunot lang ang noo nito habang nakatingin sakin.
"Sa kwarto ko nagbihis. And I just encounter a cockroach kaya nagtatakbo ako pababa dito." Palusot ko.
"Ganun ba? Pero pinuntahan ka dun ni Third sabi wala ka dun?" What?
"You went to my room?" Tanong ko sa babaeng walang emosyon ang mukha.
Kanina lang napakakulit niya pero heto at ang bilis magbago ng mood niya.
"Yeah and I just came down before you." Sagot nito at bumalik sa ginagawa. I sensed something with her voice but I can't figure it out.
"Ahhh. Where's Zaire?" Pag-iiba ko sa topic.
"Sinamahan ng ate mo sa cr." Pagsagot ni Levi dahil bumalik na sa ginagawa niya si Third.
Umupo ako sa tabi ni Third pero hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. I tap her hand that made her look at me with a questioning look.
"You okay?" Mahinang tanong ko dito. Dahil sa pagkakaalam ko okay kami kanina pero heto at nananahimik na siya.
"I'm not but I'm trying." Sagot nito at may dumaang emosyon sa mga mata niya.
"I'm here." Hindi ko alam kung bakit sinabi ko yun pero feeling ko kailangang sabihin ko yun.
"Thank you." Tipid ang ngiting sagot nito. Hindi na ako nakasagot pa dahil sa biglang pagdating ni ate at ni Zaire. Muli na namang nag flash back sa utak ko yung mga narinig ko.
What's the deal between them? Ang casual lang naman ng trato nila sa isa't isa ngayong kaharap namin sila. Natuon sa kanila ang atensyon ni Third at sa ngayon masasabi kong sobrang mapanuri ng mga tingin niya sa dalawang bagong dating.
"Mauuna akong umalis sa inyo pagkatapos nitong ginagawa ko." Seryosong paalam ni Third na ikinagulat ko pa.
May mali talaga sa nangyayari at hindi ko alam kung ano. Sa paraan ng pagtitinginan nilang tatlo alam kong may mali. I'm not good at reading minds but I can clearly see that there's something wrong between them.
YOU ARE READING
Destined For You (FreenBecky-FayMay)
ActionPangako ng dalawang bata sa isa't isa magiging makatotohanan kaya? Kung sa muli nilang pagkikita ay may nagmamay-ari na sa isa? Para sa isang batang nangako, mahalagang matupad ang bawat binibitawan niyang salita ngunit paano kung nakapagbitaw siya...