CHAPTER 10
WALANG EMOSYONG tinignan ko si Marcus. Nagkatinginan kaming dalawa ng ilang segundo bago ko siya lagpasan para pumasok sa loob ng bahay. Nang makapasok ako ay hinawakan niya ang aking braso kaya napaharap ako sa kanya.
"Anna, mag-usap tayo," seryoso niyang wika sa akin.
"Para saan pa?" malamig kong tanong sa kanya.
"For everything. . . in our relationship," tugon agad nito.
Mahina akong natawa sa sinabi niya at napailing nalang. Hinawakan ko ang kamay niyang nasa braso ko at tinanggal iyon.
"Wala na tayo, Marcus. Kaya anong relasyon 'yang sinasabi mo?" natatawa kong saad sa kanya. "Atsaka hindi ka ba nakokonsensya sa ginagawa mo? Chinachat mo 'ko nung nasa Canada ako habang kayo na pala ng kapatid ko. Tapos pinipilit mo pa na may mangyari sa atin kapag nakauwi na ako. Hindi ka ba marunong makuntento sa isa? Hindi pa ba sapat yung kapatid ko? Nabuntis mo na nga eh tapos maghahanap ka pa ng iba," mahaba kong wika sa kanya.
Hindi siya nakasagot sa aking sinabi. Mahiya siya sa ginawa nito. Huminga ako ng malalim at tinalikuran siya.
"I'm sorry, Anna," he whispered.
Natigilan ako sa pag akyat ng hagdanan ng marinig ang sinabi nito sa akin. Muli ko siyang hinarap. Bago na ang emosyon nito sa kanyang muhka. Wala na ang tapang at galit na nakita ko nung nagkasagutan kami sa labas ng bahay.
"Sorry? kung kailan wala na?" tugon ko at pagak na tumawa. Tinignan ko siya at humalukipkip. "You know how much I love you, Marcus. Pero ngayon wala na. Kinamumuhian na kita ngayon lalo na sa ginawa mo sa kapatid ko."
"Bakit parang sinabi mo na rin sa akin na pinagsamantalahan ko si Annie kaya siya nabuntis," may bahid na inis nitong tugon sa akin. "Inaamin ko na mali yung ginawa namin pero mahal na mahal ko si Annie. Siya ang kasama ko rito noong wala ka kaya siguro nahulog na 'yung loob ko sa kanya."
"Oh tapos? Paano ako ro'n sa Canada habang naghahanapbuhay. Alam mo, Marcus mahirap ipaintindi sa inyo yung side ko kasi wala kayo sa posisyon ko habang nagtatrabaho ro'n. Siguro mali ko rin talaga kasi hindi ko binigay yung gusto mong makuha sa akin, eh. Sorry kasi ayaw ko pa talaga. May kasalanan din ako pero wala kang karapatan sabihan ako na kung mahal kita ibibigay ko 'yon sa 'yo dahil hindi doon ang basehan ng pagmamahal ng isang tao," madiin kong wika sa kanya para maintindihan niya. Bawat salita ay madiin ng pumasok sa kanyang kokote ang aking sinasabi.
"I'm really sorry, Annie. Just help Annie. . . kahit sa pamangkin mo nalang," mahina niyang wika.
Umiling ako. "Hindi. Matuto kayong harapin 'yang resulta ng ginawa niyo. Heto yung ineexplain ko sa 'yo Marcus na hindi mo maintindihan. Hindi ba ang hirap? Buntis palang asawa mo pero ganito na paano pa kaya kapag nanganak na siya at lumaki na 'yong bata. Maganda magkapamilya ng handa, Marcus. Financially stable man 'yan o mentally stable dahil mas kawawa ang nanay habang nagpapalaki ng bata," seryoso kong wika sa kanya.
"Wala pa akong nahahanap na trabaho—"
"Problema ko na ba 'yon?" pagputol ko sa sinabi nito sa akin. "Ano sa akin na naman aasa? puro si ate nalang ba? Si ate magbabayad! Si ate na bahala! Ako na naman ba?!" hindi ko mapigilang sigaw sa kanya.
Natigilan siya sa aking sigaw. Nagtaas baba ang aking dibdib at nilalaban ang sarili na huwag tumulo ang pinipigilan kong luha.
"Marami rin akong personal na problema at wala akong balak na idadagdag 'yang pagbubuntis ni Annie. Simula na magtrabaho ako Marcus kayo ang inuuna ako. Wala na akong natira sa aking sarili kasi lahat nasa inyo na eh," mahina kong wika.
BINABASA MO ANG
Love At First Touch (Gorqyieds Series #3)
Romance(COMPLETED) (this is the third installment of gorqyieds series, however you can read this series as STAND ALONE, hope you enjoy it!) She's the breadwinner in their family, Anna Clarise Santiago. Gagawin niya ang lahat para sa kanyang pamilya, para m...