CHAPTER 34
KAHIT AKO AY HINDI nakasalita sa sinabi nito. Dahan dahan siyang naglakad patungo kay Lola Gigi na ngayon ay mukhang excited hindi dahil sa apo niya ito kundi dahil nandito na raw ang nobyo ko.
"Sabi ko na nga at magbabati rin kayo, eh!" masaya wika nito.
"Grandma," he whispered. Pinanood ko itong naupo sa bakanteng upuan sa gilid ng higaan ni Lola Gigi. "It's me Kristoff. Do you remember me?"
"Akala ko ba patay na lola mo, Kristoff?" naguguluhan kong tanong sa kanya.
Umiling ito at ng lumingon siya sa akin ay kita ko ang pamamasa ng kanyang pisngi. Namumula ang mala dagat nitong mata pati na rin ang tungki ng kanyang ilong.
"I thought she's dead too," mahinahon niyang wika. Walang nagawa si Lola Gigi ng bigla siyang yakapin ni Kristoff.
Nakita ko agad ang pagbabago ng expresyon sa mukha ni Lola Gigi kaya hinawakan ko ang balikat ni Kristoff para ilayo siya roon.
"Kristoff, masyado mong nabigla si Lola Gigi—"
"No," tahimik itong lumuluha sa balikat ni Lola Gigi.
"P'wedeng mamaya na. Baka mamaya mag tantrums si Lola Gigi pag pinipilit mo siya," saway ko ng makitang gustong umalis ni Lola Gigi sa bisig ni Kristoff.
"Anna, anong meron? Bakit ako niyayakap ng nobyo mo?" tanong sa akin ni Kristoff.
Malambing akong ngumiti sa kanya at naupo sa tabi ni Kristoff. Hinawakan ko ang kamay ni Lola Gigi habang nakatingin sa kanyang mukha.
"Apo mo raw siya, 'la," sagot ko.
"Matagal ka na naming hinahanap," pag-singit ni Kristoff.
"Si Rina, Anna? Kailangan kong bisitahin ang anak ko. Magtatampo 'yon kung hindi ko bibisitahin ang puntod niya."
Ngayon ko nalang din napagtanto na Rina ay maikling pangalan ng Marina. Nang lingunin ko si Kristoff ay umiiyak parin ito.
"She's alive. Buhay po si mommy," naiiyak na sambit ni Kristoff.
Confused na confused parin si Lola hanggang ngayon kaya pinagpahinga ko muna. Nakatulog naman din agad 'yon kaya kaming dalawa na ni Kristoff ang nag-uusap. Hindi ko na siya pinaalis dahil sa nangyari.
"My grandma is alive, Anna. Akala namin patay na siya," halos hindi makapaniwalang sambit nito sa akin.
"Gianna... Gigi," mahina kong wika.
he nodded. "That's her nickname," tugon nito.
Mahina akong napadaing ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit. Kulong na kulong ako sa bisig nito. Ngayon nalang din ako nakasandal ng matagal sa malapad nitong dibdib.
"Thank you, Anna." he whispered. Naramdaman ko ang pagtulo ng luha nito sa aking balikat. "Thank you for taking care of my grandma."
Mahina akong tumikhim at wala sa sariling hinagod ang likod nito para tumahan na.
"It's my job to take care of my patient, Kristoff. Ginagawa ko lang ang trabaho ko," tugon ko.
Sinubukan kong umalis sa bisig nito pero mas lalo lang humigpit ang yakap niya kaya wala na akong nagawa kundi hayaan nalang ito.
"Thank you pa din," wika nito. "We're so lucky to have you, Anna. Paano mo naging pasyente si Lola? Can you tell me the story?" tanong nito.
Inayos ko ang aking upo ng makalas ang pagyayakap namin. Mabilis kong sinulyapan si Lola na mahimbing na natutulog.
BINABASA MO ANG
Love At First Touch (Gorqyieds Series #3)
Storie d'amore(COMPLETED) (this is the third installment of gorqyieds series, however you can read this series as STAND ALONE, hope you enjoy it!) She's the breadwinner in their family, Anna Clarise Santiago. Gagawin niya ang lahat para sa kanyang pamilya, para m...