CHAPTER 40
PATULOY LANG AKO sa pagduduwal at naramdaman na hinawakan ni Kristoff ang buhok kong nakaharang sa aking mukha. Lahat yata ng kinain kong pagkain ngayong araw ay naisuka ko na. Halos yakap yakap ang bowl ay hindi ko na nasuportahan ang aking sarili dahil sa panghihina ng katawan ko mabuti na lang at naalalayan ako ni Kristoff bago pa bumagsak ang aking katawan sa tiles.
"Let me take you to your bed," malumanay nitong wika sa akin.
I nodded. "Thank you," I whispered.
Nang makarating sa kama ay dahan dahan ang aking galaw hanggang sa makahiga. Lumipas na ng isang buwan at ang side effect ng chemotherapy ang lagi kong kinakalaban sa araw araw. Halos hindi ko na magawa ang mga dapat kong gawin dahil nanghihina na ang aking katawan.
Bukod sa pagsusuka at panghihina ay mabilis na pagkapagod ang aking nararamdaman. Wala sa sariling napasuklay ako sa aking buhok at ng makita ang aking palad ay nandoon ang ilang hibla ng aking buhok. Sumikip ang aking dibdib dahil do'n.
"Drink your water," dinig kong wika ni Kristoff ng makarating sa akin.
Bumangon ako at tinaggap 'yon. Hindi ko alam pero pagod na pagod talaga ako kahit wala naman akong ginagawa. Napasulyap ako sa kanya ng maramdaman ko na nakatingin siya sa akin. Binigyan ko ito ng nanunudyong tingin at ngiti.
"Hmm, bakit ka ganyan makatingin?" tanong ko. "Hindi pa po ako ready sa matured roles direk kasi may sakit pa ako. Kapag gumaling na ako p'wede na natin araw —" pabiro kong wika. Ang kaso hindi rin natapos dahil niyakap niya ako.
"Bakit nagagawa mo pang mag biro sa kalagayan mo na 'yan?" tanong nito sa akin habang nakakulong sa kanyang bisig.
Naglaho ang aking ngiti at mahina natawa. Niyakap ko rin ito pabalik at tinanday ang aking ulo sa malapad nitong dibdib. As usual naka topless na naman ito dahil mainitin siyang tao.
"Sa nangyayari ngayon sa 'kin, Toffy. Mas pipiliin ko na lang maging masaya kesa mag-isip ng ikalulungkot ko," mahinahon kong sagot at inangat ang tingin sa kanya.
Doon ko natagpuan ang seryoso nitong mukha at parang maiiyak pa dahil namumula ang kayang mata. Ang dalawang pares ng asul na mata nito na nakatingin sa akin ay namumula at nagbabadyang tumulo ang kanyang luha.
"Why does it feel that you're going to leave me anytime, hon," nasasaktan niyang sambit sa akin.
Umangat ang aking kamay at pinunasan ang kanyang luha na tumulo pababa sa kanyang pisngi. Inipit ko sa likod ng kanyang tenga ang mahaba nitong buhok at mabilis na hinalikan ang kanyang pisngi.
"Ikaw ang oa mo talaga, Toffy. Hindi pa ako mamatay baliw ka talaga," natatawa kong wika sa kanya at sa kalaunan ay naging seryoso na rin. "Ayaw kong mamatay na hindi ako nagiging successful. Ang dami kong gusto pang gawin sa buhay ko na hindi ko nagawa noon dahil mas inuna ko pa sila mama kesa sa kasiyahan ko. Parang hindi matatahimik ang kaluluwa ko kung sakaling mamatay ako sa sakit na 'to."
Nakita ko na tumango ito at yumuko. Dinampian niya ng halik ang aking noo at pinagdikit ang noo nito sa akin.
"That's right. Huwag ka munang mamatay. Gustong kong bumawi sa lahat, hon. Natatakot lang ako na baka kunin ka niya sa akin na hindi pa natin nagagawa lahat ng gusto kong iparanas sa'yo," bakas sa tono ng kanyang boses ang pagkatakot.
Nangaasar na ningitian ko ito. "Katulad ng?"
"Cute dates, heart-to-heart talk, beach date again and picnic date," sunod sunod nitong sambit. "We can travel to your favorite country and many more," pahabol nito.
Hindi ko maiwasan na mapahagikhik sa sinabi niya. Malambing na sinandal ko ang aking ulo sa malapad na dibdib nito.
"Ang dami naman niyan," pang-aasar ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Love At First Touch (Gorqyieds Series #3)
Romance(COMPLETED) (this is the third installment of gorqyieds series, however you can read this series as STAND ALONE, hope you enjoy it!) She's the breadwinner in their family, Anna Clarise Santiago. Gagawin niya ang lahat para sa kanyang pamilya, para m...