CHAPTER 42
ISANG BUWAN NA KAMI mag-asawa ni Kristoff. At habang patagal nang patagal ay nararamdaman ko ang panghihina ng aking katawan. Dahil doon hindi na mawala sa aking isipan ang kaba.
Pagka gabi nahihirapan akong matulog dahil natatakot ako na baka hindi na ako magising dahil sa aking sakit. Ang treatment ko ay tuloy tuloy parin, wala 'yong tigil. Hindi namin nilalaktawan kahit isa ang session. Ang kaso parang inuunti-unti naman yung katawan ko.
"Alam kong wala kang pasok ngayon, ah," mahina kong wika.
Maski lakasan ko man lang ang aking boses ay parang malaking konsumo na agad 'yon sa aking enerhiya. Inaalalayan ako ni Kristoff patungo sa aking higaan. Medyo nahihirapan na rin ako maglakad dahil sa panghihina pero kaya pa naman.
"Wala talaga. Inasikaso ko lang yung mga naiwang files ni mommy para sa susunod na araw hindi ko na iisipin 'yon," malumanay niyang tugon.
Nang mahiga ako sa kama ay tumabi naman siya sa akin. Gumuhit ang ngiti sa aking labi at kinulong ang sarili sa bisig nito.
"Don't stress yourself too much, Toffy," pagpapaalala ko sa kanya.
"Yes, hon. I will," masunurin niyang sagot.
Napapansin ko na rin kasi na sobra siyang nakatutok sa kanyang laptop. Dahil sa akin nag work from home nalang ito kaya kahit nandito siya sa loob ng kwarto ng hospital ay nakasout parin ito ng formal attire dahil may mga business meeting siyang kailangan i-attend.
"Grabe. Akalain mo 'yon. Nung una ikaw yung nakaranas ng paghihirap tapos nung gumaling ka naman ako yung sinunod," wala sa sarili kong sambit at nilingon siya. "Parang mas gusto ko pa yung nangyari sa'yo kaysa magka-cancer. Parehas naman din mahirap pero basta. At saka wala naman tayong ginawang mali para makaranas ng ganito. Ang wholesome naman ng relasyon natin maliban nalang sa hindi pagkakaintindihan noong naghiwalay tayo tapos wala na hindi ba?"
Nasasaktan na ngumiti ako sa kanya. Nakita ko ang paglambot ng expresyon ng kanyang mukha. Kung noon ay nakasout ito ng formal attire ay ngayon naman ay naka white shirt na siya, wala kasing business meeting ito ngayon.
"It's called pagsubok sa isang relasyon, hon. Parang nabanggit mo na rin 'yon," tugon niya.
Mahina akong natawa ng marinig ang pagka-conyo nito. Napapailing na tinignan siya habang may bahid parin na sakit sa aking mukha.
"Alam ko naman na may ganyan pero ang tanong ko kasi bakit sa atin pa?" tanong ko sa kanya na akala mo ay masasagot niya 'yon. "Siguro ang laki ng kasalanan ko sa past life ko kaya kinarma ako ngayon," pagbibiro ko.
Malungkot na tinignan ako ng aking asawa. Ang mata nitong mala dagat ang kulay ay parang nasasaktan pa habang nakatingin sa akin.
"Hindi ko rin alam, hon. Tinatanong ko rin 'yan sa sarili ko. You're good and not bad either. You always prioritize your family, to the point where you forget taking care of yourself. You're a good daughter, sister, friend, girlfriend, and wife," malambing ang tono nito habang nakatingin sa aking mga mata.
"Kaya malaking katanungan pa rin kung bakit ikaw pa," bulong nito. Kinulong niya ang magkabilaang pisngi ko sa kanyang palad at pinagdikit ang aming noo. "Please don't die, hon. Ako naman ngayon nagmamakaawa sa'yo. Huwag kang mamatay parang awa mo na. Alam kong sobrang hirap na hirap kana. matapang ka alam ko 'yon. I know you can do it. Tandaan mo lang na nandito ako, kami nila mommy. You're new family are here for you."
Ni pagkurap yata hindi ko magawa. Nanatili akong nakatingin sa mga mata nitong namumula na dahil sa pag-iyak. Hindi ko alam pero naiiyak na rin ako dahil sa mga sinasabi nito. Araw araw niyang pinapalakas ang aking loob na huwag sumuko at lumaban.
BINABASA MO ANG
Love At First Touch (Gorqyieds Series #3)
Romance(COMPLETED) (this is the third installment of gorqyieds series, however you can read this series as STAND ALONE, hope you enjoy it!) She's the breadwinner in their family, Anna Clarise Santiago. Gagawin niya ang lahat para sa kanyang pamilya, para m...