Elaine
"You need help?"
Nagising ang diwa ko dahil sa tanong niya at napansin ko na napahawak siya sa neck tie niya, umiling ako na nakangiti at nagpatuloy bumaba. Nahagip ng mata ko 'yung Veronica at bumilis ang lakad niya papunta kay Ninong at agad umangkla. Balak ko sanang iwan sila at hanapin sila daddy pero natigilan ako maglakad.
"What time we go home?"
Dinig kong tanong ni Veronica at mabilis na humarap ako.
"Uuwi ka na agad?" Naalarma na tanong ko at napatingin sa akin si, Veronica.
"No, mamaya pa."
Sagot ni ninong kaya natuwa ako pero napansin ko na sumimangot si Veronica, hindi na lang pinansin.
"Come on Ryke, nagluto pa naman si Ellen ng paborito mo na calderetang baka."
Napalingon ako si daddy at mommy pero ang nasa isip ko ang sinabi ni daddy na paborito ni Ninong Ryke.
Calderetang baka? I see...
"Mamaya ka na umuwi Ryke, iinom pa tayo matagal rin ang taon ng huli kitang makasama uminom."
"Tama siya, Ryke. You can sleep here, maraming guest room dito,"
Hindi ko alam kung bakit pero natuwa ako sa sinabi ni mommy sa idea niya na dito na matulog si ninong.
"But-" bigkas ni Veronica.
"Don't worry, ihahatid muna kita. Matagal rin hindi kami nagkita ng kumpare ko at matalik na kaibigan ko, sa mga susunod na buwan magiging busy na ako."
Nakikinig lang ako sa kanila at pansin ko sa gilid ng mata ko panay ang tingin sa akin ni, Veronica.
"So, talagang mananatili ka na talaga rito mabuti kung ganun may bago kaming investor."
Nagtawanan sila dahil sa sinabi ni daddy hinawakan naman ako ni mommy dahil nagaya na magtungo sa dinning. Amoy na amoy ko agad ang masasarap na pagkain at talagang todo effort sila para kay ninong.
Ganun ba siya kaespesyal?
"Anak maupo ka na diyan ka na sa tabi ng ninong mo,"
Napatingin ako sa bakante na upuan sa tabi ninong sa kaliwa niya at nasa kabila naman si, Veronica. Tumayo pa si ninong para ipaghatak niya ako ng upuan.
"Salamat po," ngiting sagot ko pero may kung anong kilig akong nararamdaman.
Masayang nag-uusap sila habang kumakain pero ako ito hindi makakain ng maayos dahil panay ang sulyap ko sa katabi ko. Hindi ko maiwasan na hindi mapatingin kay ninong lalo na kapag nagsasalita siya nakaka-amaze ang lahat ng mga sinabi niya at bawat buka ng bibig niya habang unti-unti kong kinakagat ang karne na nasa tinidor na hawak ko.
"Yes, iniwan ko na sa kapatid ko ang negosyo ko doon. Nagsawa na rin ako kaya naisipan ko na magbalik dito,"
"Tama 'yan para na rin makahanap ka ng mapapangasawa mo-"
"Ouch!"
Biglang sambit ko dahil natusok ng tinidor ang labi ko, mabilis na kumilos si ninong at kumuha agad ng tissue na nandito lang sa lamesa.
"What happened? Bakit nagdugo yang labi mo?" Nag-aalala na tanong ni mommy na lumapit rin sa akin.
"I'm ok, thanks ninong." Sabi ko at pinunasan ko ang labi ko at may dugo nga.
"Always be careful,"
Napatingin ako kay ninong dahil sa sinabi niya at para akong napapaso na inalis ko agad ang atensyon ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Unang Tumibok Kay Ninong
RomanceNapakabata pa man ni Elaine ay may kakaiba na siyang naramdaman para sa ninong niya na si Ryke Carlos, unang pagtibok sa puso ni Elaine na magpapagulo sa isip at puso ni Elaine. Pagsisimulan ng mga kakaibang pantasiya na inaasam na maganap. Nang dum...