9

653 11 2
                                    


ELAINE

SABADO na at ito ang araw na mag-celebrate si Ryke ng advance birthday niya. Pero nakakainis kasi ayaw akong pasamahin ni mommy at daddy dahil masiyado raw akong bata para makihalubilo sa mga matatanda.

Naiwan ako rito sa bahay dahil umalis na si mommy at daddy huwag ko na raw silang hintayin dahil gagabihin sila. Malungkot na nakaupo lang ako dito sa labas malapit sa pool.

"Nandito ka pala akala ko umalis ka rin,"

Hindi ako lumingon dahil si Yaya Esme yon, nagtungo siya doon banda sa gilid may kung ano siyang ginagawa.

"Ang saya-saya siguro nila ngayon at lalo na si sir Ryke."

Inis na napapikit ako dahil sa sinabi ni Yaya Esme. Hindi ka na nga kasama doon may mang-aasar pa sa'yo.

"Grabe forty na pala si sir Ryke pero akala mo mga nasa thirty lang mas mukha pa akong mas matanda sa kaniya, sabagay iba talaga ang may pera."

Hinayaan ko lang si Yaya Esme magsalita dahil wala ako sa mood dahil sa naiisip ko kung ano ang ginagawa ngayon ni Ryke, kung sino ang mga kasama niya ngayon at naiinis ako dahil wala ako doon.

"Bakit hindi yata kayo namamasyal ng mga kaibigan mo ngayon?"

Sinabi na yon ni Yaya Esme ay tumayo ako bigla.

"Aalis ka ngayon?"

Pahabol pa ni Yaya Esme pero hindi ako nagsalita, diretso ako agad sa kuwarto ko at naligo ako dahil hindi ko na kayang maghintay pa.

Suot ang light brown ko na dress na hindi umabot sa tuhod ko na medyo fit sa katawan ko kaya kitang-kita ang kurba ng katawan ko. Labas ang balikat ko at hindi ganun kababa sa dibdib ko. Tiningnan ko ang sarili ko ang elegante lang ng suot ko at hindi mo iisipin na seventeen lang ako dahil may katangkaran ako.

Hinayaan kong nakalugay ang buhok ko naglagay lang ako ng light na make-up at suot ang black 4 inches heels ko. Nakangiting pinasadahan ko pa ang sarili ko sa salamin bago ako lumabas.

Dahan-dahan lang ako sa pagbaba at nakita ko si Yaya Esme na napahinto sa paglalakad.

"Wow naman kaganda naman ng alaga ko at dalagang-dalaga na talaga, saan punta mo?"

"May pupuntahan kami nila Cheska," pagsisinungaling ko.

"Aa, birthday ba 'yan?"

"Yes," sagot ko lang at naglakad na ako papunta sa pinto.

"Ingat ka chat mo ko kung hindi ka makakauwi,"

Hindi ko na pinasin si Yaya Esme lumabas na ako lumapit pa sa akin si Mang David ang tagahatid sundo sa akin sa school.

"Ma'am may lakad pala,"

"No, mag-taxi lang ako." Sagot ko agad dahil akala niya magpapahatid ako.

"Sigurado po kayo ma'am? Gabi na po,"

Tumango lang ako at binuksan nila ang gate.

"Hanapan ko na lang po kayo ng taxi,"

Tumango lang ako at sinilip ko ang phone ko sa sling bag ko may message si Ryke sa akin.

"What are you doing?"

Nagreply ako agad sa kaniya.

"Aalis ako," sagot ko at nag-seen agad siya.

"Saan ka pupunta?"

"Sa'yo."

Tipid na sagot ko lang at natawan ko na ang taxi, mabilis na sumakay ako at nagpahatid kung saan ginanap ang advance birthday  ni Ryke sa isang hotel and restaurant.

Unang Tumibok Kay NinongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon