6

731 12 2
                                    


ELAINE

Binaba ko ang tingin ko dahil hindi ko na kayang tagalan at muling napaangat ang mukha ko dahil sa may tumunog at galing yon sa pinto. Pareho nakalingon kami doon, iniwan ako ni Ryke at nagtungo sa pinto may tinoch lang siya sa maliit na monitor at nakita ko na may babae mula sa labas.

Sino naman ang babae na yon?

Binuksan ni Ryke ang pinto at hinintay ko na pumasok 'yung babae at ganun na lang ang gulat ko dahil bigla siyang hinalikan ng babae sa labi. Tumalikod ako at napakapit sa coat na suot ko at hinayaan ko yon mahulog sa carpet.

"I'm going home,"

Mahinang sabi ko pero sapat na para maantala ang halik na binigay ng babae nakita ko naman na nagulat si Ryke, pero iba pa rin ang naramdaman ko.

"Oh, I'm sorry, may ibang tao pala dito. Anyway who are you?"

Tanong ng babae habang si Ryke ay tahimik na nakatayo lang, nilipitan ko sila at tiningnan ko itong babae.

"Do I need to tell?" Mataray na sagot ko sabay lakad papunta sa pinto.

"Elaine!"

Tawag sa akin ni Ryke pero mabilis na lumabas ako at sinara ko ang pinto.

Hays! Nakakainis sino ba ang babae na yon. Girlfriend ba siya ni Ryke?

Napapailing ako sa inis habang naglalakad patungo sa elevator, malalaki ang hakbang ko dahil baka mamaya nasa likod ko siya pero hindi naman siguro niya ako hahabulin pa dahil may kasama na siya.

"ELAINE! STOP!"

Nagulat ako at napahinto sa paglalakad paglingon ko si Ryke pawisan siya at mukhang hinihingal.

Teka? Hindi ba siya nag-elevator?

"What?" Kunwaring inis na tanong ko dahil kahit na hindi ko inaasahan na susundan pa rin niya ako.

"What? Look, sa tingin mo paano ka uuwi wala kang sasakyan."

"Look, ka rin noh kaya kong umuwi may taxi." Sagot ko sabay talikod.

"May pambayad ka ba?"

Dito ako natigilan at naalala na wala akong dalang pera.

Shit!

"Come on, ihahatid kita mamaya."

"Mamaya?" Sagot ko agad at nakakunot noo siya.

"Why?" Nagtatakang tanong niya.

"Why? What do you want, panoorin ko kayo ng girlfriend mo habang naghahalikan-"

"She's not my girlfriend."

Natigilan ako dahil sa sinabi niya pero nainis ako lalo dahil hindi naman pala niya girlfriend yung babae na yon pero kung halikan siya ay ganun na lang.

"But she kiss you," mahinang sabi ko at napabuntong hininga siya.

"Look, hindi ko 'yun ginusto at-"

"Stop explaining, I want to go home." Sagot ko at tumakbo ako, narinig ko pa na tinatawag niya ako.

Hindi na ako nagabala pa na lingunin siya dahil gusto ko ng umuwi, nakakita ako agad ng taxi at sumakay. Nakita ko pa si Ryke na tumatakbo para mahabol ako.

---------

Matapos bayaran ni Yaya Esme ang taxi ay nagtungo ako agad sa kuwarto ko at doon tulala lang ako. Hindi rin ako kumain dahil wala akong gana, naisip ko na matulog na lang.

Nagising ako at naramdaman ko na tahimik sa paligid hinanap ko ang cellphone ko. Naroon pa sa sling bag ko sinilip ko ang oras, alas dose na ng madaling araw. Nakaramdam ako ng gutom kaya lumabas ako ng kuwarto.

Unang Tumibok Kay NinongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon