14

736 12 4
                                    


ELAINE

Wala akong magawa nandito ako sofa nakahiga habang hawak ang cellphone ko, walang message si Ryke sa akin simula ng ihatid ako kagabi.

"Elaine, gusto mo ba ng snack?"

"Ayoko," sagot ko lang kay Yaya Esme.

"Tumawag pala ang mommy mo darating sila ng maaga ngayon dahil may pupuntahan raw kayo."

Napabangon ako dahil sa sinabi niya.

"Really?" Sabi ko pa ng matanawan ko ang kotse ni daddy.

"Nandiyan na pala sila."

Iniwan ako ni Yaya Esme dahil nagtungo siya sa pinto para salubungin. Iniisip ko kung saan kami pupunta.

"Hija mabuti nandito ka."

Ngiting bati sa akin ni mommy at hinagkan ako sa pisngi ganun rin si daddy.

"Ipaghanda ko po kayo ng makakain."

"Hindi na Esme, nagkape dahil nagkataon na nakita namin si Ninong Ryke mo."

Napatingin ako kay mama dahil sa sinabi niya.

"Sige po,"

Umalis na si Yaya Esme ako naman nasa isip ko si Ryke at kung bakit nagkita sila ni mommy at daddy.

"Anong ginawa niyo ni Ninong Ryke?" Curious na tanong ko, naupo sila sa tabi ko.

"Wala naman kuwentuhan lang nakita namin siya pati si- si Samantha ba yun hon?"

Natigilan ako dahil sa pangalan na sinabi ni mommy ibig sabihin kaya pala wala siyang mga message sa akin dahil kasama niya yung babae na 'yon.

"Oo hon si Samantha," sagot ni daddy.

"Bakit sila magkasama?" Tanong ko na kinatigil ni mommy at daddy, mayamaya'y ngumiti si mommy.

"Friends or dating, hindi natin alam single naman sila pareho."

Hindi ako nakasagoy dahil sa sinabi ni mommy.

"Siya nga pala anak aalis tayo ngayon para bumili o magpasukat ng dress mo sa birthday mo next week na yon."

"Umalis na tayo ngayon dahil busy na ulit kami ng mommy mo."

"Ok," sagot ko lang at tumayo ako na wala ng iba pang sasabihin.

Hanggang sa makapagpalit na ako ng damit ay tahimik ako dahil nasa isip ko si Samantha at Ryke. Pati sa loob ng kotse tahimik lang ako.

"Elaine, masama ba pakiramdam mo?" Lingon ni mommy sa akin.

"No, mom." Sagot ko lang at ngumiti lang si mommy.

"Alam mo na ba hon yung address ng shop ni Samantha?"

Napaangat ako dahil sa sinabi ni mommy na pangalan.

"What? Shop ni Samantha?" Nanlalaki ang matang sabi ko.

"Yes, Elaine. Why?" Takang tanong ni mommy at napatingin rin si daddy sa akin sa salamin.

"Bakit sa kaniya?" Tanong ko.

"Magaganda mga dress nila doon anak at kilala rin namin si Samantha kaya tiwala kami sa gawa niya."

"No! Sana sinabi niyo agad sa akin." Inis kong sabi.

"Elaine."

Seryoso ang boses ni daddy na nakatingin sa akin.

"May problema ba?" Tanong ni mommy.

"Hindi ko siya gusto." Diretsong sagot ko at nagkatinginan silang dalawa.

"Mamaya makiharap ka ng maayos anak huwag sana ganyan ang i-asal mo." Seryosong sabi ni daddy.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 25 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unang Tumibok Kay NinongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon