10

573 12 1
                                    


ELAINE

Para na akong nababaliw sa halik ni Ryke, parang ayoko ng matapos. Ito ang kauna-unahang naganap isa sa nai-imagine ko kapag may napapanood akong naghahalikan iba pala ang pakiramdam sa kapag totoo na.

Natigilan ako ng lumayo siya sa akin at nagtataka ko siyang tiningnan.

"Sa ngayon ito lang muna."

Nalungkot na hindi ko malaman dahil sa sinabi niya. Pinisil niya ang ilong ko sabay tawa.

"Come on, tapusin na natin ang pagkain para makapagpahinga tayo lalo ka na alam kong napagod ka rin sa biyahe."

"Nakakainis ka," sabi ko na nakasimangot sa kaniya.

"Why?" Natatawang sagot niya.

"Basta." Inis na sagot ko, tumawa naman siya at niyakap niya ako.

"Darating din tayo diyan sa ngayon hangga't kayo kong pigilan gagawin ko."

"Sigurado ka?" Tanong ko at nawala ang inis ko dahil may bigla akong naisip na kalokohan.

"Yeah,"

"Ok, tingnan natin kung hanggang saan mo kaya." Panghahamon ko sa kaniya.

"Yes," ngiting sagot niya.

"Ok." Nakakalokong sabi ko. "By the way, kailangan sa 18th birthday ko huwag ka talagang mawawala dahil ikaw ang escort ko." Sabi ko at muli kong sinimulang kainin ang niluto niya.

"Hindi mangyayari 'yon."

"Huwag talagang mangyari yon dahil iiyak ako." Ngiting sabi ko at napangiting napapailing siya.

Napatango ako at sabay kaming kumain at matapos 'yun gamit ang laptop niya nanood kami ng mga movies. Sobrang saya ko ngayong araw na 'to at dahil ito kay Ryke.

"Bakit hindi ka pa nag-aasawa?" Maya'y tanong ko, narito kami sa sofa nakahilig ako sa balikat niya.

"Hmm... Hindi ko rin alam, may mga babae rin namang nagdaan sa buhay ko ngunit lahat 'yun hindi seryoso."

Napatango ako. "Si Veronica, tingin ko gusto ka niya lalo na si Jessica." sabi ko at mas nilapit niya ako sa tabi niya.

"Hayaan mo silang magkagusto sa akin."

"What?" Nanlalaki ang mata ko at tiningnan siya ko tumawa naman siya at hinawakan niya ang magkabilaan ko na pisngi.

"Wala akong pakialam sa kanila dahil tama ka na sa sakin,"

Napangiti naman ako kinilig dahil sa sinabi niya.

"Talaga po?" Pa-cute kong sabi.

"Yap, stop jealous the others."

"Ok," sagot ko at dinampian niya ako ng mabilis na halik sa labi at niyakap ako.

Matagal rin ang oras na nasa ganun kaming posisyon hanggang sa pakiramdam ko hinihila na ako ng antok.

---------

Maaga kaming nagising dahil kailangan na naming umuwi at sigurado akong naghihintay na si Yaya Esme sa akin. Kahit walang ibang nangyari sa amin pakiramdam ko wala ng paglagyan ng kasiyahan ang puso ko.

"Ready?"

Tumango ako kay Ryke, nandito na kami sa loob ng kotse niya at handa na kaming umuwi. Nagpatug-tog siya ng mga sounds na panlalaki.

"Mahilig ka ba makinig ng kanta?" Tanong ko sa kaniya.

"Yap, ito ang libangan ko kapag wala akong maisip."

Unang Tumibok Kay NinongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon