*BOGSSHHH*
Isang malakas na tunog ang narinig ko mula sa may labas kaya't napabalikwas ako bigla upang silipin kung ano at sino ang naroroon
“SINO YAN!!” sigaw ko saka inilinga ang dalang lampara, madilim at walang ano mang bagay na naroroon, mahimbing ata ang tulog nila ama kaya hindi nila narinig
Ng akmang isasara ko na ang bintana ay may parang may tumalon sa harapan ng bintana ko ng silipin ko iyon doon ko nakitang may linalang sa labas
Purong itim ang suot nitong mahabang damit at ang pantakip sa bibig ay kulay pula
Ng tumingin ito sa akin ay nagkatama ang aming mga mata, kulay dilaw at kumikintab ang mga mata nito
Pero pamilyar sa akin ang itsura't pangangatawan nito
Hindi kaya...
Tatalon na sana ako ng tumalon din ito sa mga sanga ng kahoy
“A-ANG BILIS NYA...ANG ASTIG” hangang sambit ko habang nakatulala kung saan umalis ang nilalang na iyon
Bumalik na ako sa kama ko upang matulog pero hindi ko magawa dahil sa nangyari kanina lamang
Sino kaya yun...
❀•°•════ஓ๑♡๑ஓ════•°•❀
BINABASA MO ANG
DISGUISE GAY, MASTER SHINICHI
Fantasy"T-T-T-TAO B-BA TALAGA S-SYA??" 'nanginginig na tanong nila na may halong takot at ramdam kong nakatingin sila sa akin pati na yung ibang studyante "MALING TAO ANG PINIPIKON NYO..." sambit ko saka tuluyang pumasok sa library......