Chapter 13

30 3 0
                                    







“ARAY!! WAG ANO BA NASASAKTAN AKO!! ITIGIL NYO YAN!!” sigaw ko habang pinaghahampas nila ng kahoy masakit dahil natatamaan ang sugat ko

“HAHAHAHHA OH WALA KA PALA EH! SABI MO KANINA MAKIKISALI KA BAKIT NI HINDI KA NGA DYAN MAKATAYO!!” tawang sambit ni messy

“AYOKO NA!!” sigaw ko ulit habang namimilipit sa sakit, wala na yung babaeng pinagtutulungan nila kanina dahil tumakbo na ito

“BAGAY YAN SA MGA KATULAD MO NERD NA NGA BAKLA PA!!” sigaw ulit nito

Akmang hahampasin nanaman sana ako nito ay nahawakan ko na ang kahoy at na aagaw mula dito

Hindi ko sinasadyang maitusok ang nasa unahan nito sa babae, natusok ito sa may braso dahilan upang mapasigaw ito

“P-PATAWAD DIKO SINASADYA N-NA MASAKTAN KA” tarantang sambit ko habang umatras

“ANONG NANGYAYARI DITO!!” sigaw ng lalaki, may mga kasama itong apat na lalaki

Naku po lagot na

Kumaripas na ako ng takbo dahil ayoko ng gulo ayokong malaman nila ang totoo kong pagkatao

Agad akong pumunta sa banyo at isinara iyon

Hindi ko alam kung nagsimula na ang klase basta ang akin lang ay makatakas ako sakanila

*BLAGGGG* isang malakas na paglagabog ang narinig ko sabay noon ang pagkasira ng pinto

Napalunok na lang ako sa sobrang kaba dahil natunton na nila ako

“HEHEHEHEH ANDITO KA LANG PALANG H*YOP KANG BAKLA KA!” diin at galit na sambit ng lalaki

Ito yung kasama ni messy na kasintahan daw nya

“MIKEY ANONG GAGAWIN NAMIN DITO!?” natatawang tanong ng kalbo nyang kasama saka kinuha ang isang patalim sa bulsa nya

“NO NEED, AKO NA ANG TITIRA SA BAKLANG TO!” sambit ng mikey saka ako linapitan

May bintana, tumingin ako doon at akmang aakyat na sana ng maabutan nito ang damit ko sabay hablot doon dahilan upang mahulog ako

“ACK” daing ko ng maiuntog ang ulo sa pader

“IKAW NA BAKLA KA WALA KANG KARAPATAN NA SAKTAN ANG GIRLFRIEND KO!! MALIWANAG!!!??” galit nitong tuon sabay suntok sa akin sa mukha

Panay pa din ito sa pagsuntok sa akin sa mukha man o sa tyan wala na ata tong pake kung mamatay ako

Hindi pa to kontento at iniloblub pa ang mukha ko sa timba

Bigla akong kinabahan dahil ang mask ay matatangal, agad akong lumayo dito at tinakpan ang mukha ko

“OH BAKIT DI PA AKO TAPOS MAG ENJOY DITO OH!!” sigaw nito sabay hablot ulit sa akin sabay sabunot at diin ng buhok ko

Pakiramdam ko matatanggal na ang aking balat sa dahil sa higpit nito manabunot

Isang suntok pa ang natamo ko mula sa mabigat nitong kamao

*COUGH*. *COUGH*. *COUGH*

Sobrang hinang hina na ako, hindi na kaya nga katawan ko ang mga mabibigat nitong kamay

“W-WAG M-MAAWA KA AYOKO A-AYOKO PANG MAMATAY...” nanghihinang sambit ko habang hawak ang sikmura ko, nakaupo ako ngunit yuko dahil hindi ko hinahayaang makita nila ang mukha ko

Nahulog ang mask na ikinatigil nito at ikinagulat

Malamang mahuhulog iyon dahil basa ang mukha ko

“T-TANGNA A-ANONG!!” sambit nito saka ako pinaharap sakanya

G-G*GO PRE, SI BAKLA BA TALAGA YANG NAKIKITA NATIN!!??” tanong ng kalbong kasama nya, sya naman ay titig na titig sa mukha ko

At doon ko lang napagtanto na nahulog pala ang mask, ibig sabihin hindi na natatakipan ang mukha ko

“A-ANG GANDA....

   





     ❀•°•════ஓ๑♡๑ஓ════•°•❀





 DISGUISE GAY,  MASTER SHINICHITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon