♻️CHAN POV♻️
Malamig na Kaya umalis na ako saka inilock ang pintuan
“BAKIT...PARANG MAY MALI?” tanong ko sa sarili ko saka muling bumaling sa pintuan, binuksan ko iyon walang tao
Umiling ako saka itinapon ang sigarilyo saka muling isinarado ang pintuan
Tinungo ko na ang kwarto kung saan natutulog si shinichi, sa sofa na lang ako matutulog
Dahan dahan akong pumunta sa sofa upang hindi ito magising, malawak din kasi ang kwarto ko kaya mayroon itong sofa na kasya ang tao
_________________________Nagising na lamang ako sa sikat ng araw, umaga na kaya't bumangon na ako pero napahinto ako ng matuklasang mayroon akong kumot
*Wala naman ditong kumot kagabi* sambit ko sa aking isip
Wala na din si shinichi sa kama saan kaya yun nagpunta
Pagkalabas ko pa lamang ay naamoy ko na nag masarap na linuluto, teka wala naman akong kasambahay
Agad akong tumakbo papalabas saka tinignan kong sino ang naglulutong iyon
“GISING KA NA PALA CHAN, PINAGLUTO KITA UMUPO KA NA DYAN!” sambit ni SHINICHI!!??
“T-TEKA KAILAN KA PA NATUTONG MAGLUTO??” takang tanong ko, napakaraming pagkain ang nasa mesa lahat ay parang masasarap
“TINURUAN AKO DATI NI KUYA ESTI YUNG ITINURING KUNG KUYA MAGLUTO NYAN” sambit nito saka inilagay ang kanin sa gitna saka kinuha ang juice sa ref at ibinigay ito sa akin
“OH SAAN KA PUPUNTA??” tanong ko ng papaalis ito
“HA EH DYAN SA LABAS BAKIT??” tanong din nito pabalik
“DITO KA LANG SAMAHAN MOKO KUMAIN” sambit ko saka ito hinila at pinaupo
“HAY NAKU PARA KA NAMAN DYAN BATA EH” natatawang sambit nito na lihim ko ding ikinatawa
Tahimik ito at hindi tumitingin sa mata ko o sa akin man lang
Kakausapin ko sana ito ng matapos na itong kumain at inilagay ang pinagkainan sa lababo
“OH PAANO BA YAN NAUNA PA AKONG KUMAIN SAYO ANG BAGAL MO NAMAN HAHA SIGE PUNTA LANG AKO SA LABAS” sambit nito saka ngiti ngiting lumabas
Bakit pilit ang mga ngiting iyon?
Ff
Ako na ang umayos ng pinagkainan saka iyon inilagay sa lababo at agad kong hinanap si shinichi
Natagpuan ko ito sa duyan na gawa sa bakal katapat ng hardin, tulala ito habang nakatingin sa mga ulap
“SHINICHI...” bulong na sambit ko saka ito akmang pupuntahan na ng magsalita ito
“ANG DAYA NAMAN” sambit nito
May problema kaya sya?
“ANG DAYA NYO NAMAN, KUNG SAKA NAGKAROON NA AKO NG DAHILAN UPANG MABUHAY SA MUNDONG TO MALALAMAN KO NA HINDI NA DIN ITO MAGTATAGAL” mahinang sambit nito, umatras ako ng kaunti dahil baka makita nya ako
Kahit malayo ito rinig na rinig ko pa din ang paghikbi at mga bulong nito
Sumilip ulit ako, idinuyan nito ng mabilis ang duyan habang nakayuko
Wala na akong narinig na mga bulong at tanging naririnig ko na lamang ay mga hikbi
“SHINICHI SINO ANG TINUTUKOY MO??”
BINABASA MO ANG
DISGUISE GAY, MASTER SHINICHI
Fantasy"T-T-T-TAO B-BA TALAGA S-SYA??" 'nanginginig na tanong nila na may halong takot at ramdam kong nakatingin sila sa akin pati na yung ibang studyante "MALING TAO ANG PINIPIKON NYO..." sambit ko saka tuluyang pumasok sa library......