♻️CHAN POV♻️
“SHIN..??” mahinang sambit ko, ngunit wala akong narinig na sagot
Napangiti ako, nakatulog ata to
Agad kong tinignan ang mukha nya at tama nga ang hinala ko nakatulog nga ito, kaya kinarga ko na lang sya at naglakad na papalabas ng school
Pero bago yun... inayos ko muna ang nasira
Ff
Karga karga ko ito mula sa likuran habang naglalakad ako sa gilid ng hallway papauwi sa amin, alam ko kung saan nakatira si shinichi at alam ko din kung bakit naglayas ito
At alam ko din kung sino ang nagmarka sa leeg nito at galit ako sa taong yon, or i say...isang argon o d*monyo ng kailaliman
“ALAM MO BANG NAGUSTUHAN NA KITA, NG UNA PA LAMANG KITANG NAKITA AT ALAM MO BA NA ALAM KUNG NAGLAGAY KA LANG NG MASK SA MUKHA MO...MAHAL KITA HINDI BILANG KAIBIGAN KUNDI BILANG ISANG KASINTAHAN...KASO BAWAL” mula sa masayang tuno napalitan ito ng lungkot ng maalala ko kung bakit kami hindi puwede
Mapait akong ngumiti at ipinagpatuloy na lang ang paglalakad
Makalipas ang ilang minuto nakarating na din ako sa bahay ko
“NAKAUWI NA PO AKO...” malungkot na bulong ko kahit ako lang ang makakarinig nito
Alam kong wala naman na makakarinig ng mga salita kong iyon tuwing uuwi ako, walang inang sasalubong sa akin mula sa paaralan saka hahalik sa noo ko, walang amang hahaplos ng buhok ko at walang kapatid na aakap sa mga paa ko, wala na dahil lang sa trahedyang iyon dahil lang sa isang argon naubos ang angkan ko
Maingat kong inihiga si shinichi sa kama upang hindi ito mauntog, hinubad ko ang suot nitong sapatos at kinumutan
Dagli ko ding kinuha ang mga gamot para sa sugat, at ginamot ang sugat sa kamay ni shinichi
“WAG MO NG SASAKTAN PA ANG SARILI MO” mahinang sambit ko habang binibigkisan sugat nito
“AYAN TAPOS NA, SEGURADONG PAGOD KA NA KAYA MATULOG KA NA LANG MUNA DYAN...MAGANDANG GABI” sambit ko saka pinatay ang ilaw ng kwarto at isinarado iyon ng dahan-dahan
Huminga ako ng malalim saka bumaba sa hagdan
Gutom na ako, dapat kanina pa ako nagluto
Kumuha ako ng graham at juice sa ref at pumunta ako sa sala upang libangin ang sarili sa pamamagitan ng panonood ng telebesyon
“BAKIT AKO NALULUNGKOT...AYOKO NG PAKIRAMDAM NA TO”
BINABASA MO ANG
DISGUISE GAY, MASTER SHINICHI
Fantasy"T-T-T-TAO B-BA TALAGA S-SYA??" 'nanginginig na tanong nila na may halong takot at ramdam kong nakatingin sila sa akin pati na yung ibang studyante "MALING TAO ANG PINIPIKON NYO..." sambit ko saka tuluyang pumasok sa library......