♻️CHAN POV♻️
“SHINICHI!!” sigaw ko habang hinahanap ito
Alas nuebe na ng gabi at hindi ko pa din ito makita, tanging halakhak lamang ang naririg ko, ume-echo iyon kaya't nalilito ako kung nasaan ito
Huminto ako sa may damuhan malapit sa kakahoyan
“PAGOD KA NA~ PAGOD KA NA~ PAGOD KA NA~ nag eecho nanaman
Nakayuko ako habang hingal na nakahawak sa tuhod ko
“HAHAHAHHAHAHAH ANG HINA MO NAMAN!!!” sigaw ng kung sino
Nakangisi ito habang namimilog ang mga matang kulay itim... shinichi
Kamukha nya si shinichi ngunit umiba ng kaunti ang boses nito
Hindi kaya...
“URGH!...S-SHINICHI!! A-AKO TO S-SI CHAN” nahihirapang sambit ko ng sakalin ako nito
Nakahiga na ako sa damo habang nakapatong ito at tumatawa habang sinasakal ako
“SHINIC- hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng unahan na ako nito
“PATAY NA SYA! WALA NA ANG KILALA MONG SHINICHI HAHAHA WALA NA SYA PINATAY KO NA SYA GAYA NG GINAWA NYA SA AKIN IKINULONG KO NA DIN SYA AT MABUBULOK NA SYA ROON!!” sigaw nito saka tumawa muli
Napilitan akong labanan ito at pinipilit na hindi maniwala sa mga sinabi nya
“HINDI YAN TOTOO IKAW SI SHINICHI AT N-NAGKAKAGANYAN KA LANG DAHIL SA MARKA!!” sambit ko saka inialis ang kamay nito sa akin
Nagulat pa ito ng sya ang patungan ko at pigilan ang mga kamay nito
“SHINICHI...HINDI MO NA BA AKO NAAALALA?? AKO TO SI CHAN YUNG TAONG MAY GUSTO SAIYO, YUNG TAONG HANDANG IBUHIS YUNG BUHAY PARA SAIYO, AKO TO YUNG TAONG TAKOT MAWALA KA...YUNG LAGING MAKULIT AT TUMATAWA... KAYA BUMALIK KA NA DAHIL NA MIMISS NA KITA” basag ang boses na sambit ko
Natahimik ito at nagsalita
“CHAN...??” tanong nito, tinignan ko ito hindi na itim ang mata nya at bumalik na sa tono ang boses nya kaya't wala sa sariling nahagkan ko ito ng mahigpit na dapat hindi ko ginawa
“SHINICHI BUMALIK NA NGA! ALAM MO BANG NAMISS KITA WAG KA NA ULIT AALIS!” mangiyak ngiyak na sambit ko
Nakahawak ako ng mahigpit dito habang niyayakap nya
“CHAN... HAHAHAHAHAHA” tawa nito na ipinagtaka ko
“B-BAKIT SHINI-
Umalis ito sa pagkakayakap sa akin at doon ko napagtanto na nasaksak ako nito mula sa likuran, agad akong napasuka ng dugo
“HAHAHHAHAHA MAHINA! NAPAKAHINA MO ANGHEL!! TCH”nakangisi at tawang sambit nito
Napagtanto kong hindi na nga ito si shinichi, lalong nangitim ang mata nito, humaba din ang buhok nito at naging kulay pula
Napakaitim ng mga kamay nyang may dugo na sa pagkakaalam ko yun ang ginamit nyang pangsaksak sa akin
“B-BAKIT??” nanghihinang sambit ko bago mawalan ng ulirat...
BINABASA MO ANG
DISGUISE GAY, MASTER SHINICHI
Fantasy"T-T-T-TAO B-BA TALAGA S-SYA??" 'nanginginig na tanong nila na may halong takot at ramdam kong nakatingin sila sa akin pati na yung ibang studyante "MALING TAO ANG PINIPIKON NYO..." sambit ko saka tuluyang pumasok sa library......