♻️SHINICHI POV♻️
“PAANO BA YAN DITO NALANG, NASA KALSADANG TO NA KASI ANG DAAN PAPUNTA SA BAHAY NAMIN” sambit ko habang nagpapaalam kay chan, ngumiti ito saka tumango
“OKAY BA BASTA MAG INGAT KA NA LANG SAKA SEGURADO KA NA AYAW MO IHATID KITA SA INYO??” tanong nito
“HINDI NA SALAMAT NA LANG, SIGE PAALAM NA” sambit ko saka nginitian ito at kinawayan bago tumakbo sa aking daanan
Umalis na din ito dahil muli ko syang tinignan, wala na ito sa pwesto nya
Ang bilis!” sambit ko sa sarili ko saka umiling na umalis
Ff
Nakarating naman ako ng ligtas sa bahay namin pero kinakabahan ako ng papunta pa lamang ako sa aming bahay dahil ang pamilyar na presensya ay parang nakatingin sa akin mula sa kung saan
“SHICHI BAKIT ANG TAHIMIK MO ATA?” tanong ni kuya shun ng nasa hapag kainan kami
“W-WALA PO KUYA” utal na sambit ko saka sumubo ng pagkain
“KUYA?, SI AMA ASAAN SYA?” pag iiba ko ng usapan dahil kanina ko pa napansin na wala ang aming ama
“A-AHH SI AMA BA? HAHAHA N-NAG PAALAM SYA SA AKIN NA AALIS MUNA SYA” utal utal na sambit nito saka kinamot ang ulo nya habang iwas ang tingin
May tinatago ba ang kapatid ko?
“AHH OK PO” saad ko na lang at hindi na muling umimik
Pagkatapos kumain, dumiretso na ako sa kwarto ko dahil may mga katulong naman kami at sila na ang lumigpit ng pinagkainan namin
Hindi pa din ako mapakali, asan si ama? Bakit parang may tinatago si kuya sa akin
Nakatulala ako sa bintana habang kung ano ano ang iniisip ng mapadako ang aking atensyon sa isang sulok ng madilim na bahagi ng aming bakuran
May tao doon, nakatayo at parang nakatingin sa akin
Naku nakalimutan ko wala pala akong damit pang itaas dahil napaka init sa kwarto ko
Agad ko sinara ang bintana at agad nagbihis, baka kung sino pa yun hahaha pagkamalan pa akong bastos
Pero agad akong napa isip, sino ang taong yun? Paano sya makapunta sa bakuran namin eh puno ng mataas na bakod ang aming bakuran
Tumingin muli ako sa bintana pero wala na ang taong iyon doon
Isinara ko na lang ang binata at natulog na dahil maaga pa ako bukas
______________________“PAPATAYIN NATIN SI SHINICHI KAHIT ANO PA MAN ANG MANGYARI AT HINDING HINDI MO NA IYAN MABABAGO!!” isang galit na sigaw ang nagpagising sa akin dahilan upang mapabangon ako
Lumapit ako sa amy pinto at marahang nakinig sa kanilang pinag uusapan
“N-NGUNIT AMA S-SI SHINICHI AY ISA-
“OO ALAM KO!! PERO WALA TAYONG MAGAGAWA UTOS ITO NG REYNA!! UTOS ITO NG TOTOO NYANG INA!!” sigaw ulit ni ama na nagpagulo sa isipan ko
“ALAM KO NAMAN YUN AMA PERO KAPATID KO SI SHINICHI HINDI KO SYA KAYANG PATAYIN” malungkot ang boses na sambit ni kuya
“SHUN! NAKAKALIMUTAN MO ATANG HINDI MO SYA KAPATID!!? AT NAKAKALIMUTAN MO NA ISA KA LAMANG NINJA NA NAGBABANTAY KAY SHINICHI!!” saad ulit ni ama
Gusto ko ng buksan ang pintong ito at tanungin kong ano o para saan ang kanilang pinag uusapan at kung anong ibig sabihin nito dahil gulong gulo na ako
Pero hindi kaya ng aking mga kamay, nanginginig na ang buong katawan ko at ramdam ko din ang pagpatak ng mga luha ko, bakit? Bakit gusto nila akong patayin
Sino ba talaga ako!! at anong ibig sabihin na hindi ko tunay na kapatid si kuya shun
Ibig sabihin din ba ay hindi ko din totoong ama ang nandidito?
BINABASA MO ANG
DISGUISE GAY, MASTER SHINICHI
Fantasy"T-T-T-TAO B-BA TALAGA S-SYA??" 'nanginginig na tanong nila na may halong takot at ramdam kong nakatingin sila sa akin pati na yung ibang studyante "MALING TAO ANG PINIPIKON NYO..." sambit ko saka tuluyang pumasok sa library......