[ PRESENT DAY ]
- 2024."Why am I so hungry?"
Kinuha ko ang selpon ko at binuksan ito. Shit! it's 12 midnight! really??
Nag tungo ako sa kusina para tignan kong may makakain ba ako, pero pag bukas ko ng rice cooker ay walang sinaing. Nasapo ko ang aking noo.
Doon ko lang naalala na hindi pa pala ako nakapag hapunan. Alas dyes na kasi akong naka uwi kanina galing sa trabaho ko, at dahil sa pagod ay nakatulog nako ka agad.
Kinuha ko ang hoodie jacket ko at sinuot ito, pagkatapos ay kumuha rin ako ng pera sa wallet ko at isinuksok ko ito sa bulsa ng pantalon ko. Kina- ugalian ko na ang mga ganitong bagay, lalong lalo na kong malapit lang naman ang pag bibilhan o pupuntahan ko.
Tahimik na ang buong paligid, bihira nalang rin ang mga sasakyan na dumaraan. Malamang, alas dose na ng umaga.
Hindi naman kalayuan sa apartment ko ang bukas pa na 7/11. Pumasok ako sa loob at kumuha na ng mga kinakailangan ko kunti lang naman kaya hindi ko na kailangan pa ng cart. Pagkatapos ay lumapit ako sa counter para bayaran ang mga pinamili ko.
Pagkatapos kong mag bayad ay agad ko ng nilisan ang lugar. Kinuha ko sa loob ng plastik ang yogurt at ininom ko ito. Uhaw ako e.
Kruuuurrr. Tunog ng mahabagin kong tiyan. Halos doublehin ko na sa bilis ang paglalakad ko dahil hindi ko na talaga kaya pa ang gutom. Pati bulate ko sa mga tiyan ay nag rereklamo na rin.
Malapit na sana ako sa aking apartment ng may mahagip ang mga mata ko. Isang grupo ng mga kalalakihan sa di kalayuan. Nang mapansin kong wala naman itong ginagawang hindi maganda ay inalis ko na ang toon ko sa kanila, at tinahak kong muli ang daan pa-uwi sa apartment ko.
Bubuksan ko na sana ang pinto ng may narinig akong isang sigaw ng lalaki at babae. Na para bang pinag tulungan ang mga ito. Akala ko ay guni-guni ko lang at wala lang iyon ngunit muli itong sumigaw.
"Not this again!" reklamo ng dalaga.
Wala akong nagawa kundi ang puntahan ang kinaroroonan ng sigaw na aking narinig. Dahan dahan lamang ang aking ginagawang pag hakbang habang papalapit sa lugar kong saan naka tayo ang mga kalalakihan. Nang malapit na ako sa kanila ay doon ko lang mas na aninag ang mga pangyayari.
"Oh!dummy shit!" hinang mura ko ng biglang sampalin nong lalaki ang isang babae na hawak nila.
Pinipigilan ko ang aking sarili na maki-alam, dahil wala naman ako sa posisyon upang maki alam. Pero hindi ko na talaga ito natiis ng biglang sinaktan muli nong lalaki ang babae. He punch the weakling one. What an idiot!
Inayos ko muna ang sarili ko bago ako tuluyang nag pakita sa kanila.
"Hindi ka ba nag iisip boi? babae yang sinasaktan mo, anong laban niyan?"
Dahil sa pag sabat ko ay na agaw ko na ang mga atensyon nila . " Tsk.. kalalaki mong tao pumapatol ka sa babae."
Nilibot ko ang buong paningin ko sa paligid, nag hahanap ako ng malinis na damo na pwede kong mapaglagyan sa mga pinamili ko. Mahirap na, wala pa akong kain. Pagkatapos ay humakbang ako papalit sa grupo ng mga kalalakihan. Walang takot kong hinarap ang pitong mga lalaki na ngayon ay naka tagis ang mga bagang habang nakatingin sa akin.
Nang makalapit ako ay tinuon ko ang paningin ko sa babae na ngayon ay namimilipit sa sakit. Ikaw ba naman suntukin sa sikmura, tignan nating kong hindi ka ba manghihina.
![](https://img.wattpad.com/cover/367132390-288-k160609.jpg)
YOU ARE READING
The Demon Slayer
FantasíaThe Demon Slayer: Who will be the next Warrior that can kill a Demon, and soon will be called The Demon Slayer.