TDS: 08

12 1 0
                                    


" Ay! perfect ha! kahit papaano maganda itong uniform nila." komento ni Jersey.

" So true! mas maganda pa ata uniform nila kay sa satin." sigunda naman ni Trexie.

" Taray! saktong-sakto sa hugis ng body ko yung uniform ko, look I'm pretty na ba?"  conyong saad ni Tina.

"Perfect girl! ang ganda mo!" compliment naman sa kanya ni Hazel.

Unang araw namin dito ngayon sa Miragefell Solstice Realm kaya abala ang mga kasamahan ko sa pag ha-handa, maliban sakin. 

Pinag aaralan ko pa ang Realm na ito.

" Ms. Pres, tapos na kami, aalis na ba tayo?"  boses ni Jade.

Naramdaman ko ang pag lapit sakin ni Tina.  "Ate Shan, ba't hindi pa po kayo naka bihis? hindi ka po ba papasok?"

Inalis ko ang fucos ko sa mapa'ng hawak ko at hinarap ko si Tina. I smile at her.

" Mauna na kayo, susunod ako." I softly said. Tumayo ako at inayos ko ang buhok niya.

" Ayy, hindi tayo sabay papasok sa first class natin?" hindi makapaniwalang tanong ni Jade.

" Kung ganon e, we will stay here nalang, hihintayin ka naming matapos Ms.Pres , para sabay tayong aalis." - Trexie.

I was about to speak when suddenly Shania's team entered.

" Guy's ready na ba kayo?"  unang tanong ka agad ni Shimmer pagka pasok nila sa dormitory namin.

" Yep! pero si Ms.Pres hindi pa" may lungkot sa boses ni Trexie.

" I guess hindi natin makaka-sabay si Ate Shan, she's busy e." salita naman ni Tina.

I clear my throat. " Guy's I just need to finish what i started, and after this susunod ako sa inyo. Besides kasama niyo naman sina Shania and her team so don't worry, all of you will be safe."

Lumapit sakin si Shania.
" Are you sure?" 

I nod my head.  " Don't worry I'll be there." I assured her.

"Be careful Shan, katulad ng sinabi ni Mother Superior, wala munang makaka-alam na ikaw ang bagong tagapangalaga." she reminded me again.

I smile. "I know, wag kang mag-alala mag iingat ako."

Nang maka alis na sila ay binalik ko muli ang atensyon ko sa gamit na nasa mesa . I need to finish all of this on time. Para maka habol ako sa kanila.

Mula sa mapa , hanggang sa libro ng Miragefell Solstice Realm, inaral ko ang lahat ng mga ito.

Malaki at malawak ang Miragefell Solstice Realm , lahat ng sulok nito ay tinayuan ng iba't- ibang kwarto sa pag sasanay. Kung ang student population din ang pag babasehan , mayroon lamang itong five hundred and sixty nine students. Kasama na kami don.

Kung gaano ka lawak ang Miragefell Solstice Realm ay kabaliktaran naman sa mga studyante dito. 

Binuklat ko ang libro ng Miragefell Solstice at nag hanap pa ng ibang impormasyon.

" Mga Paraan sa Pag pili ng bagong tagapangalaga"

Pag basa ko palang sa pamagat ay na ing-ganyo na akong basahin ito. Binuklat ko ang iba pang mga pahina ng libro at binasa ko ang lahat ng nakasulat roon.

Ngayon alam ko na kung bakit ibinilin sa akin ni Sister Elizabeth na kailangan ko munang itago ang pagiging taga bantay ko. Dahil ang pag pili ng bagong tagapangalaga ay hindi basta-basta,lalong-lalo na kung papasok ka sa Miragefell Solstice Realm.

The Demon SlayerWhere stories live. Discover now