TDS: 07

5 1 0
                                    


" Pinapatawag ka ni Mother Superior Shan "

Nabaling ang atensyon naming lahat kay Shania. Maski ako ay seryusong naka tingin sa kanya.

Tumayo ako at humakbang papalit sa kinatatayuan niya.

" Ms. Pres sama kami!" boses ni Adriel.

" Si Shanty lang ang pinapatawag, pasensya na ngunit hindi kayo maaaring sumama." si Shania ang sumagot.  Nilingon ko ang mga kasamahan ko.

" It's okay! hintayin niyo nalang ako dito babalik rin ako ka agad-"

Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Shimmer, kasamahan ni Shania.

" Makikinsingit lang si ako ha, nag bago ang isip ni Mother Superior, lahat na kayo pinapapunta niya sa silid aklatan." balita niya sa amin na ikinatuwa ng mga kasamahan ko.

Nangunguna ngayon sa paglalakad si Shania habang nakasunod lang kami sa kanya. Tatlong araw na kami dito pero nakaka-ilang pa rin.

Pagka bukas ng pintuan ay na unang pumasok si Shimmer, kasunod si Shania at ako, sa likuran ko naman ang mga kasamahan ko.

" Mother Superior" sabay na bati ni Shania at Shimmer. Humarap naman sa amin si Sister Elizabeth.

" Hindi na ako magpapa ligoy-ligoy pa taga bantay, alam kong importante sa iyo ang mga kasamahan mo pero hindi sila pwede dito sa lugar na ito, mapanganib. Lalo pa't sila ay mga normal na tao lang.  " she started.

" What do you mean by that?" tanong ni Trexie.

" Kailangan na ninyong maka alis dito sa lalong madaling panahon, habang hindi pa nag kakagulo ang lahat. Kailangan na ninyong makabalik sa mundo na kinabibilangan ninyo--" paliwanag ni Sister Elizabeth.

" Noo! hindi ako aalis dito hangga't andito ang ate Shanty ko! No!" tutol naman ka agad ni Tina. 

" I agree with Christina, hindi rin ako aalis dito no, hindi namin iiwan si Shanty."  supporta naman ni Jersey.

Lahat naman sumang- ayon sa mga sinabi nina Tina at Jersey, tumutol silang lahat sa desisyon ni Sister Elizabeth. 

Hinarap ko si Sister Elizabeth.
" Kapag ganyan ang mga desisyon nila, hindi ko sila napipigilan."  mahinang ani ko sa kanya.

" Wala na bang second option? boses naman ngayon ni Jake.

Seryusong tinignan ni Sister Elizabeth si Jake. 

"Meron." - Sister Elizabeth.

Tinitingala namin ngayon ang isang napaka taas at napakakapal na pader. Dito kami dinala ni Sister Elizabeth sa hindi namin alam na dahilan.

May mga pinindot na kong ano- ano si Sister Elizabeth at pagkatapos ay biglang bumukas ang napaka dambuhalang pader.  Napaka ingay ang tunog neto, napakasakit sa tenga.

Bumukas ito ng kunti, sakto lamang na madadaanan ito ng tao. Unang pumasok si Sister Elizabeth, pagkatapos ay may binuksan siyang muli na isa na namang pader. Ang daming pader na kakaloka.

Pagkabukas niya dito ay doon lang namin nakita ang napakagandang lugar na nakatago sa likod ng mga nag tataasang  pader. Napaka ganda.

Halos buka ang mga bibig namin habang nililibot namin ang buong paligid. We are all speechless, may katagalan na ngunit napaka-ganda pa rin.

" Welcome to Miragefell Solstice Realm."

The Demon SlayerWhere stories live. Discover now