Chapter 09

774 13 3
                                    

Ang mga sumunod na araw ay mas lalo kaming naging abala sa university. Minsan lang din kami magkasama sa klase ni Gino dahil madalas na silang nagkakaroon ng meeting.

"Mary, hintayin mo 'ko, ha?" Napatingin ako kay Dustin. Halatang gustong-gusto niya si Mary. Pero itong si Mary ay parang wala pa alam sa mundo. Kung titignan ay napaka-inosente talaga.

"But, my mom will get mad, Dustin." Mahina nitong sabi sa lalaki. Parang kami lang ni Gino but, different situation. I'm in love with Gino pero para sa kaniya ay kaibigan lang ako. While Dustin's obviously in love with Mary, but Mary? I don't so. Halata naman na parang kaibigan lang ang turin niya kay Dustin.

Napabuntong-hininga ako at lumapit rito. Mahinhin siya sa taong hindi malapit sa kaniya pero pag naging close na kayo ay madami raw talaga siyang kalokohan sa buhay. Madalas nga siyang tumakas at nadadamay si Gino lagi.

"Mary?" Inosente niya akong tiningnan. Ang maamo niyang mukha ay mas lalong nagdagdag ng kagandahan sa kaniya. Her mom and dad is half spanish, her grandma is half-chinese too. Kaya siguro napaka-ganda niya. Sa totoo lang ay para siyang anghel. "Okay kalang?" Nag-aalala niyang tanong. We're not that close but, I think siya ang makakaintindi sa akin.

"Wala naman. Gusto ko lang may makausap kasi wala si Gino." Nang-aasar niya akong tiningnan.

"Nag-away kayo ni Gino? He's your boyfriend, right?" Mabilis akong umiling. She's too cute.

"Hindi! Magkaibigan lang kami." Agad ko. Kumunot ng noo niya.

"That's weird..." Mahina niyang sabi pero sakto lang para marinig ko. "Pasensya na..you look sad kasi kaya akala ko nag-away kayo." Nahihiya niyang sabi. Agad akong ngumiti.

"Saan mo plano mag-college?" Pag-iiba ko ng usapan.

"I don't know pa. Pero sabi ni mommy ay baka sa Saint Claire nalang daw ako pero sa UCC kasi si Dustin, e." Tumango ako rito. "Baka do'n nalang din ako since may Law rin do'n." Nakangiti akong tumango rito.

"Oo nga pala, plano niyo mag-law school." Muli siyang tumingin sa akin.

"Ikaw? UCC ka rin ba? Do'n rin kasi si Gino, e." Tumango ako rito. "You look good together, pero ayos lang ba kayo?" Paninigurado niya. Makulit nga talaga siya.

Minsan kasi ay nakakasama siya nina Gino.

"Pasensya na wala rin kasi akong makausap about my feelings. Baka lang maintindihan mo 'ko. Ilang taon na kayong magkaibigan ni Dustin?" Tanong ko ulit sa kaniya. Napaisip siya.

"Since elementary kami magka-kilala. Magkaibigan ang mga magulang namin, e. Bakit?"

"Hindi ka ba nagkagusto sa kaniya?" Halatang nagulat siya sa tanong ko pero hanggang do'n lang.

"He's nice pero kung magkakagusto ako sa kaniya...malabo. Para lang kaming magkapatid." Bigla akong nalungkot sa sinabi niya. Baka gano'n lang din ang nararamdaman sa akin ni Gino.

"I think he likes someone too. Balita ko ay may pinapaaral siya. N-nicole? Yeah." Nakangiti niyang kuwento. Humigpit ang pagkakahawak ko sa ballpen ko. Alam kong pareho kami ni Dustin ng sitwasyon at sa paraan ng pagkukuwento ni Mary, hindi ko maiwasang hindi maging malungkot.

"Paano kung ikaw ang gusto niya?" Tanong ko kay Mary. Naguguluhan siyang napatitig sa akin.

"I don't think so...I mean, malabo kasi alam naman niya na kaibigan lang ang kaya kong ibigay." Nahihiya niyang sagot.

"Parang siya lang."

"Ha? Sino?" Nagtataka niyang tanong.

"Si Gino. I like him and he's aware of it. But, I don't think he..." Hindi ko matapos ang sasabihin ko.

"I think he likes you, takot lang mag-take a risk. You know? I mean, hindi ba ang hirap din kapag friends to lovers tapos it didn't work at the end. But, risking your friendship for that temporary happiness takes a lot of courage." Napatitig ako rito.

"Not everyone is brave enough to take a risk. Especially if you don't want to lose that person. I know you like him but, I don't think it's right din na sabihin mong wala siyang nararamdaman sa 'yo. Halos lahat naman kami dito sa klase ay pansin namin ang trato sa 'yo ni Gino." Natamis siyang ngumiti sa akin.

"Pero sinabi na niya sa akin na kaibigan lang-"

"For now? Pero we don't know what will happen in the future." Hindi ko maiwasang hindi mamangha sa kaniya.

"Bakit parang ang dami mong alam sa ganyan? Alam ko ay NBSB ka?" Natatawa kong tanong sa kaniya. Muli siyang tumingin sa akin.

"Hmm? Based on my parents experience? Like, mommy is not my dad's first love. Alam ko ay may mahal si Daddy bago sila ikasal ni Mommy but look at them? Ang dami naming magkakapatid." Nakangiti niyang kuwento. Masyadong kilala ang mga De Centivanez, madami na rin akong nabalitaan tungkol sa pamilya nila.

"Siguro sa ngayon hindi pa kayo ni Gino, but who knows? We can't predict the future but we can work on it. Hmm? Gawin mo ang lahat para mahulog siya sa 'yo. Malay mo you still have time to change your fate." Parang bata niyang sabi. Medyo gumaan ang pakiramdam ko sa mga sinabi niya.

Dahil may mga meeting ang bawat president ng department ay mabilis kaming pinalabas ng mga professor namin.

"Una na ako. Paki sabi nalang kay Dustin si Mommy ang sumundo sa akin, ha? Take care!" Nakangiting paalam ni Mary.

Napabuntong-hininga ako habang palabas ng building. Hindi ako sigurado kung magpapahintay si Gino dahil bigla nalang siyang nawala kanina. Pero sa huli ay nagtungo pa rin ako sa room kung saan sila madalas magkaro'n ng meeting.

Tahimik akong tumayo sa gilid. Abala sila sa kung anuman ang pinag-uusapan nila. Napatitig ako kay Gino at Dustin na mukhang kanina pa nag-aasaran.

"What's so funny?" Iritang sumulyap sa kanila si Ate Krystal. May sinabi pa si Dustin kaya sa huli ay natawa nalng din si Ate Krystal.

I saw how his eyes spark while looking at her. I couldn't explain the pain while looking at him. Hindu ko alam kung bakit pakiramdam ko ay may kakaiba sa pagtitig niya dito. Parang punong-puno ng paghanga.

"Gandang-ganda kay Krystal, Gino?" Malakas na asar ng mga kasama niya.

"Ngayon lang kasi siya ngumiti. Mas lalong gumanda." Nagsigawan ang mga kasamahan nila.

Mabilis akong tumalikod nang maramdaman ang pagpatak ng luha ko. Ni hindi ko makita na maayos ang dadaanan ko. I couldn't breath properly! Mabuti nalang at walang masyadong tao sa campus. Mabilis akong humakbang palabas ng university.

"Para po." Mabilis akong sumakay ng tricycle at sinabi sa kaniya kung saan ako bababa. Agad naman niya itong sinunod.

Napasandal ako sa upuan konat do'n ko tuluyang binuhos ang sakit na nararamdaman ko. Hindi ako handa sa ganitong bagay kasi masyado akong naging kampante. Akala ko ay darating iyong araw na magkakagusto rin siya sa akin.

"Zari..." Mabilis kong niyakap si Mama nang salubungin niya ako. Halata ang gulat sa kaniya pero agad rin naman akong niyakap. "Anong nangyari?" Nag-alala niyang tanong.

"Mama, nasasaktan po ako. Ang sakit-sakit po pala." Hagulgol kong sabi. Ramdam ko ang paghaplos niya sa likod ko.

"Akala ko okay lang.....tanggap ko naman na magkaibigan lang kami pero hindi pa po ako handa na makita siyang....masaya sa iba." Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap sa kaniya.

"It's okay, Anak. Iiyak mo lang iyan, hmm? Nandito lang si Mama para sa 'yo." Hinayaan akong umiyak ni mama. Sinamahan niya ako sa kuwarto hanggang sa tuluyan na kaming makatulog.

Akala ko mawawala na iyong sakit kasi nagawa ko namang matulog, e. Pero gano'n nalang kabilis ang paninikip ng dibdib ko nang bumungad sa akin ang mga post ni Dustin. Magkakasama silang kumain ng dinner.

Magkatabi si Gino at Krystal. Karamihan sa mga picture nila ay kay Krystal siya nakatingin. Mabilis kong binalik sa lock screen ang cellphone ko. Nanghihinang pinagmasdan ang litrato namin nung nasa hospital pa ang mama niya.

For the first time....wala akong natanggap na message o tawag galing kay Gino. Hindi man lang niya naisip kung nakauwe na ba ako o hindi.

Ngayon ko lang napagtanto na..nakakalinutan niya ako kapag kasama niya si Ate Krystal.

To be considered....

He's In Love With My Sister - (Alpas Series -1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon