Chapter 34

1.7K 31 12
                                    

After my conversation with Gino, I just realized something about love. Kapag pala mahal mo ang isang tao at binuhos mo lahat ng alam mong pagmamahal, darating ang araw na kusa kang mapapagod. Iyong tipong kahit magmakaawa pa siya at iparamdam na ikaw ang mahal niya, ikaw mismo ang tatanggi.

Alam kong minahal ko ng sobra si Gino, for years. . . All I wanted is to be with him, ang mahalin niya rin pabalik pero, ngayon parang gusto ko nalang palayain ang puso ko. Gusto kong pakawalan ang pagmamahal na dapat ay matagal ko ng pinakawalan.

Gusto kong magsimula at maging masaya nalang kasama ang taong mahal ko. Kasama ang lalaking walang ginawa kung hindi mahalin at iparamdam kung gaano kahalaga sa kaniya.

"Let's go?" Tanong sa akin ni Austin. Tumingin ako sa kamay niyang nakalahad sa akin. Tinanggap ko iyon at muling tumingin sa labas ng airport. Hindi ko alam kung babalik pa ako rito pero, sa ngayon. . . Baka manatili nalang muna ako sa Australia, magsimula ro'n at bumuo ng sarili kong pamilya.

After years of being with Austin, I realized that it's okay to cut ties with your toxic family. Being alone and choosing your inner peace is okay. If it's not giving you peace or draining you, leave. Sabi nila ay hindi dahil pamilya mo ay kailangan ikaw lagi ang umunawa. Leave the table if the respect didn't exist anymore. Mas mabuting mabuhay mag-isa kaysa araw-araw iparamdam sa 'yo na hindi kana mahalaga.

Mahal ko ang pamilya ko. I'm still thankful for them. . . Binigyan nila ako ng marangyang buhay pero, hindi pa rin iyon sapat para manatili ako. Bakit ako mananatili kung ako naman ang paunti-unting nauubos.

Family is the should give us home, comfort, hope, peace and love. Pero kung sa isang pamilya ay wala iyan, hindi na magandang manatili pa. It's okay to leave if you're not happy with the silent treatment they give. Mas masaya pa rin na piliin mo ang sarili mo.

Choose your own peace.

"Where you want to go?" Tanong ni Austin habang nasa eroplano kami. "Are you going to stay in my place?" Pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Pinagtatabuyan mo ba ako? Magbabayad naman ako ng rent!" Ngumuso ako nang mahina niyang pisilin ang ilong ko.

"I'm just asking, okay? Naalala muna ang lahat, baka hindi kalang comf-"

"Ikaw ang nagpapalit sa akin minsan. Nakita muna ang katawan ko at lahat, Austin-"

"Da*m!" Mabilis niyang tinakpan ang bibig ko. "Lower down your voice, baka iba ang isipin nila." Irita kong inalis ang pagkakahawak niya sa bibig ko at tumingin sa katabi niyang babae. Ayaw niya bang ipahalata na may kami? Or wala pa namang kami pero sabi niya ay papakasalan niya ako.

"So, what? Muntik na nga may mangyari sa atin, e. Ngayon ka pa nahiya?" Reklamo ko. Napahawak na lamang siya sa noo niya, halatang stress na sa akin. Ngumisi ako nang mapansin ang pag-iwas ng babae.

Hindi ko naman kailangan magselos, e. Sigurado akong mahal na mahal ako ni Austin, at kahit naman sinong babae ang iharap mo diyan, sigurado akong sa akin pa rin iyan titingin at ako ang hahanapin niya.

"At bakit ako aalis sa place mo? Papakasalanan mo naman na ako." Gulat siyang napatingin sa akin. Pinagtaasan ko na lamang siya ng kilay.

I love him. . . Sigurado akong totoo ang nararamdaman ko sa kaniya. Hindi niya tinanong kung ano ang napag-usapan namin ni Gino nang araw ma iyon pero, kusa akong nagkuwento sa kaniya. I told him that Gino's trying to win me back. Kaso ay hindi na siya ang laman ng puso ko.

It was him already. Na kahit sa mga simpleng bagay lang ay mas lalo akong nahuhulog sa kaniya. Sinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Austin.

"Ang dami kong sinayang na panahon, malay ko bang ikaw pala ang para sa akin." Pabiro kong sabi sa kaniya. I remember everything from my past. I remember my first kiss with Gino pero iba pa rin ang pakiramdam kapag si Austin na ang gumawa no'n. Kahit simpleng paghawak sa kamay ko ay nagdudulot ng kakaibigang saya sa puso ko.

Sabi nila ay gano'n daw kapag nasa tamang tao ka. Na parang nasa ligtas kang lugar, na hindi ka makaramdam ng kaba kapag nandiyan siya o malapit lang sa 'yo. Tanda ko pa rin naman ang nararamdaman ko no'n kay Gino.

Ang kabog ng puso ko kapag nakikita ko siyang palapit sa akin. Akala ko no'n ay dahil sa excitement pero mali pala talaga. The excitement you feel is different when you're with the right person. Sabi nila ay parang mag slow motion o kaya ay parang fire work, na sa kaniya mo lang gustong ibigay ang atensyon mo dahil sa magandang kulay at ilaw na binibigay nito.

Minsan ay natatawa nalang talaga ako sa mga sabi ng iba. How other people describe someone they love. .  . Pero sa akin? Walang slow motion o parang fire works na nangyari no'ng nakilala ko si Austin.

Paano ba naman ay panay habol pa ko kay Gino no'n? Ngayon ay parang naiintindihan ko na ang lahat. There's no right person at the wrong time. Right person will be there for you. Na kahit ano ang mangyari ay mananatili iyan. But, I believe in building a man for someone else.

Minsan ay tayo ang nagiging dahilan para maging better person ang isang tao. Katulad nalang ng nangyari sa amin ni Gino. Ilang taon kaming magkasama pero kahit ako ang nasa tabi niya at handang ayusin siya ng paulit-ulit, mas pinili niya pa rin ang kapatid ko. Love is not about being with that person for so many years. It's about being ready for that someone even months of being with her. Being responsible for your decision.

"What's your plan?" Tanong ko sa kaniya nang nasa airport na kami. Dala-dala niya na ngayon ang mga gamit ko. Hindi ko alam pero natutuwa talaga ako sa tuwing pinagmamasdan siya.

Para siyang girl version ni Mary, mukhang masungit pero napaka-bait naman.

"I don't have plan for today. . . Maybe, we should get some rest and dinner date later?" Pinagtaasan ko siya ng kilay. Hindi naman ako assuming pero may parte sa akin na umaasang may balak siyang magp-propose sa akin.

Ayaw ko namang umasa pero pakiramdam ko ay kailangan kong tawagan si Mary.

"Hello! Bakit ngayon kalang tumawag?!" Nagtatampong tanong nito. I decided to ask her about my dinner date with Austin. Pakiramdam ko kasi ay may plano talaga ang loko na iyon! Pero baka masaktan lang din ako kung sakaling simple date lang iyon.

"Wala bang nabanggit si Austin sa 'yo? Teka lang. . .  Nasaan na naman ba ang asawa mo?" Tanong ko nang mapansin na nasa labas siya. Mukhang mamimili na naman siya ng gamit ni Marvin. Ang anak nilang lalaki.

"Siya ang bantay sa anak namin. Hayaan mo na iyon, teka! Ano nga ulit ang tanong mo?" Ani nito habang nakatingin sa screen.

"Wala bang nabanggit si Austin sa 'yo? Like planning to get married kasi hindi ba? Medyo may edad na rin siya." Malakas na natawa si Mary.

"Wow, ha? Nasa 31 lang naman si Kuya, pero wala pa naman siyang mabanggit. Bakit? Ikakasal kayo?" Nanlaki ang mata ko.

"Hindi! Tinatanong ko lang naman. Sige na at may gagawin pa ako." Pagdadahilan ko. Sigurado akong mali ang hinala ko, nasa Pinas pa rin si Mary, e.

Nakasimangot akong inayos ang sarili ko. Sabi naman ni Austin ay kahit ano kaya nag-dress nalang ako. Red dress is my favorite. Hindi naman naging mahirap ang pag-aayos ko, nasanay na rin kasi ako.

Sinalubong ako ni Austin. Kumunot ang noo ko nang makita si Mary at Dustin. Ang mga ilan sa kaklase ko no'n na naging kasundo ko at ang ilan sa kapatid ni Austin. Puno ng pagtataka ang mata ko habang nakatitig kay Austin.

"Don't tell me?" Gusto kong matawa pero hindi ko magawa lalo na nang bigla siyang lumuhod sa harapan mo. Nagsigawan ang mga taong nakapaligid sa amin. He held my hand, na para bang isang mamahaling gamit iyon dahil naingat ang pagkakahawak niya rito.

"I'm not expecting anything, Zariyah, it's okay if you're not ready. . . Don't hesitate to reject me, hmm? It's for your life after all." Unti-unting nagsi-unahan ang pagpatak ng luha sa mata ko nang mapansin ang hawak niyang singsing.

"Zariyah Krystelle Mariano, will you marry?" Malambing na tanong ni Austin sa akin. Mas lalong bumuhos ang luha sa mata ko nang itanong niya iyon sa akin.

"Y-yes! Of course, Austin, I will marry you!" Nagsigawan ang ilan sa nga bisita namin. Mabilis na tumayo si Austin at niyakap ako. Just like what he promised before, magpapakasal kami sa oras na maalala ko si Gino at siya pa rin ang lalaking mahal ko.

Austin never failed to prove himself. Ang gawin lagi ang pinangako niya sa akin.

To he continued....

He's In Love With My Sister - (Alpas Series -1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon