Ilang araw akong hindi lumabas sa unit ko. Simula kasi ng magtrabaho ako ay nagpaalam din ako sa mga magulang namin na lilipat ako ng bahay. Nakakahiya naman kasi kung sa kanila pa rin ako tutuloy. Minsan naman ay dumadalaw ako sa kanila, lalo na kapag mahahalagang okasyon.
Inayos ko ang sarili ko. Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Gino ay hindi na kami muling nag-usap siya. Alam kong madalas siyang pumunta sa condo pero dahil ayaw kong tumanggap ng bisita ay hindi siya makapasok.
Napabuntong-hininga ako nang muling marinig ang doorbell sa labas ng unit ko. Alam kong hindi si Gino, kaya agad akong tumayo para pagbuksan siya ng pinto. Hindi na ako nagulat nang sumalubong sa akin ang galit na mukha ni Ate Krystal.
"Don't tell me magkukulong ka nalang rito, Zariyah? For God sake! Sobrang nag-aalala na sina Mama at papa because you're not answering your phone!" Galit niyang sabi, hindi ako kumibo. Wala akong ganang sagutin ang tanong niya.
"Zariyah!" Sigaw niya nang talikuran ko siya. Galit niyang hinawakan ang braso ko. "What the fvck is wrong with you?!" Mahina akong natawa sa naging tanong niya.
"What the fvck is wrong with me? Really, Ate?" Naramdaman ko ang pamumuo ng luha sa mata ko pero pinigilan ko iyon dahil sawa na akong maging mahina sa harapan nilang lahat. I'm done with all the betrayal I've experienced from them.
"Alam mo kung gaano ko siya kagusto! Sa ating lahat. . . Ikaw ang nakakaalam kung gaano ko siya kamahal, ate. Pero ano ang ginawa mi? You betrayed me! Hindi mo man lang sa akin sinabi na may namamagitan sa inyo." Tuluyang bumagsak ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Hindi dahil sa sakit na pinaparamdam nila sa akin, kung hindi dahil sa galit na meron ako sa kanila.
"I know it's my fault! Kasalanan ko at nagmahal ako ng taong hindi ako kayang mahalin, pero ikaw? Kapatid mo 'ko, ate! Ikaw dapat ang mas makakaintindi sa akin! Ikaw dapat ang magiging sandalan ko pero. . . Bakit?" Nanghihina kong tanong sa kaniya. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin nang maglandas ang luha sa pisngi niya.
"Bakit sa lahat ng tao, ikaw pa na kapatid ko? Saksi ka sa mga araw na iniiyakan ko siya...tanda mo ba no'ng na promote si Gino? He planned a date for us pero, hindi siya dumating! Nandoon ka sa tabi ako...trying to comfort me that night!" Humakbang siya palapit sa akin.
"Pero, nakalimutan kong siya ang naghatid sa 'yo nang gabing iyon, Ate! Ang sakit lang na habang naghihintay sa kaniya at dinadamayan mo 'ko ay magkasama pala kayong dalawa!" Sigaw ko sa kaniya.
"It's not my fault that he can't love you! It's not my fault na ako ng minahal niya, Zariyah! I tried to avoid him but, what do you want me to do? Mahal ko rin siya--"
"Pero bakit kailangan niyo pa akong gawing tanga? Bakit hindi niyo nalang sinabi sa akin ang totoo?! Mas maiintindihan ko pa kung maaga niyong inamin sa akin. Pero, bakit?" Mahina ko siyang tinulak. I tried to calm myself pero sobra-sobrang sakit ang nararamdaman ko sa kanilang dalawa.
"Because we don't want to hurt you!
"That's stup*d! Sa tingin niyo ba ay hindi ako nasasaktan ngayon? Ni hindi ko makuhang lumabas dahil iniisip ko palang na makikita ko kayong dalawa ay para na akong pinapatay ng paulit-ulit, Ate! You know how much I love him. Masaya kana ba?" Mabilis akong natigilan nang sampalin niya ako.
"I know how much you love him but, why are you blaming me? Hindi ba puweding maging masaya ka nalang sa akin, Zariyah? Hindi ba puweding tanggapin mo nalang-"
"Leave. Please. . . Leave me alone, Ate. Hayaan mo akong damhin ang sakit hanggang sa tuluyan ko na itong makalimutan." Natigilan siya nang makitang nahihirapan ako. Hindi ako makahinga ng maayos pero hindi ko iyon pinahalata sa kaniya.
"Fine. . . May family dinner tayo mamaya at pinapasabi ni Papa na pumunta ka." Tiim bagang niyang sabi at padabog na lumabas ng unit ko. Nang tuluyan siyang mawala sa paningin ko ay nanghihina akong naupo sa sahig.
Muli kong binuhos ang galit ko sa pag-iyak. Wala na akong pakialam kung magmukha akong tanga ngayon, gusto ko lang mabawasan ang sakit. Ang hirap pala talaga kapag pinaikot mo sa isang tao ang mundo mo. It's been years but, I don't know why I'm still into him.
Na kahit ano ang gawin ko ay hindi ko siya kayang balewalain. Na lagi lang akong bumabalik sa kaniya kahit paulit-ulit lang niya akong sinasaktan. Akala ko ay makukuha pa rin niya akong mahalin pero, hindi pala talaga matuturuan ang puso. Na kahit ikaw ang nandiyan, iba pa rin ng hahanapin.
Muli kong sinulyapan ang sarili ko sa salamin. Pinili kong magsuot ng black dress at makapal na make-up para matakpan ang pamumugto ng mata ko. Tinali ko rin ang mahaba kong buhok para pansin ang suot kong necklace at hikaw.
Ginawa ko talaga ang lahat para mag-mukhang matapang sa paningin nilang lahat. Mukhang nagulat pa si Mama at Papa nang makita ako. Pati su Gino at Krystal ay napatingin sa akin.
"You're so gorgeous, anak!" Ani ni mama habang nakahawak sa kamay ko. Akala ko ay simple dinner lang 'to pero mukhang may mahalagang anunsyo si Papa dahil nandito rin ang mga kasama niya sa trabaho. I saw Austin din kanina pero, hindi man lang niya ako nilapitan.
We never talk after his confession. Hindi ko alam kung iyon ang paraan din niya para tuluyan akong makalimutan or he respect my feelings too. I don't know? Mag-kasama naman kami sa trabaho pero, iniiwasan niya talaga ako.
"Good evening ladies and gentlemen!" Panimula ni papa. Walang emosyon kong pinagmamasdan ang paggalaw ko sa hawak kong wine. Isang oras lang akong nandito pero ramdam ko ang pagkahilo ko.
Mukhang lasing na nga talaga ako.
"Thank you for coming tonight! But I just want to congratulate my daughter and my future son-in-law, Giovanni Salazar for their weeding next month. And to my daughter, please take care of yourself. . . Lalo na at dala-dala mo ang magiging apo namin ng mama mo." Mabilis kong nabitawan ang hawak kong baso. Mabuti nalang at nasa dulo ako ng bahay namin.
Madami ang sinabi ni Papa pero iyon lang ang naintindihan ko. Napatingin ako sa kinaroroonan nila. Masayang lumapit si Papa sa kapatid ko, si mama naman ay yumakap kay Gino at natatawang bumulong rito.
Napatingala ako nang mag-init ang mga mata ko. Rinig ko ang masayang palakpakan ng mga tao, ang halakhak ni Papa habang naka-akbay sa dalawa.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko nang makita kung gaano sila kasaya kay Ate. Na habang masaya ang lahat ng tao sa lugar, nasa may dulo ako at mag-isang nasasaktan. They celebrate my sister's happiness while I'm silently holding back my tears. No one notice my pain... No one knows I'm hurting.
"It's okay to cry, Zariyah. Don't hold back your tears." Napatingin ako sa pinang galingan ng boses.
"A-austin. . ."
"Hmm?"
"Why are you here?" Tanong ko nang humakbang siya palapit sa akin.
"Because I noticed everything...I know you need someone right now. That's why I'm here." Hindi ko alam kung bakit kusa akong humakbang palapit sa kaniya. Kasabay ng pagyakap niya sa akin ay siya rin namang pagbagsak ng luhang kanina ko pa pinipigilan.
"I'm in pain." Bulong ko nang maramdaman ang kamay niya sa likod ko.
"I know and it's killing me, Zariyah. . . Because you're my weakness." Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap sa kaniya.
Na sa huling pagkakataon, gusto kong mabuhay hindi para kay Gino o para sa taong nakapaligid sa akin. Gusto kong mabuhay para sa sarili ko, para bumuo ng masasayang ala-ala at magsimula ng walang kahit anong sakit na babalikan pa.
To be continued...
BINABASA MO ANG
He's In Love With My Sister - (Alpas Series -1)
Teen FictionZariyah Krystelle Mariano, Is In love with his dad's personal driver. She confess her feelings to him but, Giovanni Salazar's rejected her. Date Started: March 14, 2024