Chapter 29

1.4K 32 14
                                    

Napatingin ako kay Austin na kanina pa nag-iimpake ng mga gamit namin. Madaling araw palang ay nag-aayos na siya. I don't know what his plan, it's not my thing to ask him too pero gusto kong malaman kung bakit lahat ng mga gamit namin ay inaayos niya ngayon.

"Where are we going, Austin?" Tanong ko sa kaniya. One thing I love about him is kahit gaano pa siya kaabala sa ginagawa niya ay binibigay niya pa rin lahat ng attention niya sa akin.

Tumigil siya sa pag-aayos ng mga gamit namin at lumapit sa kinauupun ko. "Where going back to Philippines, Zari, matagal ko ng pinag-isipan 'to but I think this is the right thing to do." Inosente akong tumingin sa mata niya. Hinaplos niya ang mukha ko at humalik sa noo ko.

"Mamaya pa naman ang alis natin kaya matulog ka muna." Ngumiti ako at tumango rito.

"Are you going to introduce me to your family, Austin? Am I going to met your parents?" Sumilay ang lungkot sa mata niya. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay hindi talaga maganda ang relasyon niya sa mga magulang niya.

"Do you want to meet them? Kaso ay baka hindi mo rin magustuhan, Zari," tumingala ako at pinagmasdan ang mukha niya. Kahit walang kami ay sigurado akong totoo ang nararamdaman namin sa isa't isa. Hinawakan ko ang kamay niya upang ipaalala na kung nagawa niyang manatili sa tabi ko ng ilang taon kahit wala akong maaala, kaya ko rin tanggapin kung anuman ang buhay na meron siya.

"Nasa kulungan ang pareho kong magulang, Zari, I don't want you to meet them. . ."

"Why? Kinakahiya mo ba sila?" Putol ko sa sasabihin niya. "Sinabi ko naman na mahal kita, hindi ba? Ibig sabihin ay tanggap ko kung ano rin ang buhay na meron ka, Austin." Pilit lang siyang ngumiti sa akin. Marahan niyan pinisil ang kamay kong nakahawak sa kaniya.

"O-okay. . . Pero magpahinga ka muna, hmm? Malayo pa ang byahe natin." Paalala nito.

Muli akong tumango dahil nakaramdam na rin ulit ako ng antok. Akala ko nga ay tatabi sa akin si Austin pero bumalik siya sa pag-ayos ng mga dadalhin namin.

Minsan ay gusto kong isipin na mag-asawa talaga kami pero dahil wala akong maalala ay nagpapanggap nalang siyang manliligaw ko lang siya. Pero, kung asawa rin niya ako ay  bakit ayaw niya akong katabi at hinahalikan katulad ng ibang mag-asawa na nakikita ko?

"What's our problem? Why are you pouting, hmm?" Malambing niyang tanong habang nag-aayos ako. Nasa harapan ako ng salamin kaya sa replekyon niya ako nakatingin.

"Bakit tayo babalik sa Pilipinas? Hindi ka ba masaya sa akin rito?" Malungkot kong tanong. Mabilis siyang nagtungo sa harapan ko at lumuhod para makita ang mukha ko. Lahat nalang ata ng ginagawa niya ay mas lalo akong nahuhulog.

Hindi niya hinahayaan na mag-isip ako ng kahit ano, ayaw niyanng nagtatampo o kaya ay masama ang loob ko sa kaniya. I wonder if ganito ba talaga ang magmahal. I can't remember anything from my past.

Kung siya rin ang lalaking nakasama ko no'n, ano kaya ang mga ala-ala namin. Umiyak na ba ako dahil sa kaniya? Did I cheat on him before? Si Gino ba ay ang lalaking pinalit ko sa kaniya kaya takot na takot siyang maiwan ko?

Minahal ko ba siya dati? Bakit siya ang kasama ko ngayon dito at hindi si Gino? Bakit pakiramdam ko ay ang dami kong pagkukulang sa kaniya dahil sa paraan palang ng pag-aalala niya sa akin, parang walang katumbas ang pagmamahal na pinakita niya.

Tandang-tanda ko pa rin ang araw ma nagising ako sa hospital. Siya ang nasa tabi ko at sabi ng doctor ay hindi talaga siya umaalis sa tabi ko. I badly want to remember my past, gusto kong malaman kung gaano kami kasaya ni Austin. But, thinking about my family and Gino, parang may nagtutulak sa akin na huwag nalang.

Sabi ni Austin ay tatanggapin niya ang kahit anong magiging desisyon ko sa oras na may maalala ako. But, I'm sure about my feelings. . . I love him.

"Are you still mad at me? Please talk to me?" Saad ni Austin habang nagbe-byahe kami. Hindi ko kasi siya kinakausap kanina pa, I don't know why? Nagtatampo ako dahil parang gusto niyang maalala ko kung ano ba talaga sa akin si Gino. I don't get it! Kung mahal niya ako ay bakit niya pinipilit si Gino?

"You don't love me." Naramdaman ko ang pagpatak ng luha ko. Mabilis siyanh napamura at nagpark sa tabi ng kalsada.

"No. I love you. . . Zariyah, okay? God knows how much I love you. This is for your own go-"

"Pero paano kung ikaw nga ang mahal ko? Paano kung wala talaga akong maalala tungkol sa Gino na iyon? Hindi mo pa rin ba ako papakasalan?" Pamimilit ko rito. He gently held my chin. Pinagdikit niya ang pareho naming noo at nakangiting tumingin sa mata ko.

"I will marry you, Zari, if you can't remember him after meeting him again, okay? I promise. . . Magpapakasal tayo at bubuo ng masayang pamilya. Isang pamilyang parehong pinagkait sa atin." Malungkot niyang sabi. Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa pisngi ko.

"Sino ba si Gino sa buhay ko? Siya ba ang dahilan kung bakit hindi naging tayo? I hate him na!" Reklamo ko kay Austin. Natawa ito at humalik sa noo ko.

"You're not mad anymore?" Malambing niyang tanong. Umiling ako at tumango rito.

"Not anymore. At least magpapakasal tayo pagkatapos nito. Hmm? I wonder what he looks like, Austin? Pero sigurado naman ako na mas guwapo ka sa kaniya." Mahina siyang natawa sa sinabi ko.

"At sigurado akong mas mahal kita." Mabagal na tumango si Austin. Alam kong madami ang gumugulo sa isip niya. No'ng una ay hindi ko talaga maintindihan kung bakit parang siguradong siyang magbabago ang isip ko sa oras na nasa Pilipinas na ako.

Napapikit ako nang bumigat ang pakiramdam ko. Kakalabas lang namin sa airport pero, halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay maiiyak ako, pero hindi ko alam kung bakit.

"Austin, I don't want to be here. . ." Hinawakan ko ang kamay niya nang mapansin ang mga taong naghihintay sa amin. Dalawang babae at tatlong lalaki, matanda na ang dalawa at parang mag-asawa sila dahil nakayakap ang lalaki sa babae dahil umiiyak 'to. Habang ang isang babae ay parang kahawig ko lang, may buhat siyang bata na sa tingin ko ang isang taong gulang.

Napatingin ako sa katabi nitong lalaki at gano'n nalang kabilis ang pagtibok ng puso ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko dahil nasasaktan ako sa paraan palang ng pagtitig niya sa akin. Para bang may gusto siyang sabihin pero, hindi ko alam kung kailangan ko pa bang malaman iyon.

Mas lalo kong hinigpitan ng pagkakahawak ko sa kamay ni Austin, parang do'n ko lang nakukuhang kumalma, na doon lang ako kumukuha ng lakas ng loob.

"Zariyah. . . " Tawag sa akin nung lalaking katabi ng babaeng kahawig ko.

Inosente kong tiningnan si Austin na ngayon ay parang walang kahit anong emosyon na nababasa sa mukha niya. Tumingin siya sa akin kaya muli kong tiningnan ang mga tao sa harapan ko.

"Sino sila?" Nagtataka kong tanong sa kaniya.

To be continued...

He's In Love With My Sister - (Alpas Series -1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon