Chapter 11

1K 18 9
                                    


Kinabukasan ay maaga akong gumising para mag-review. Ilang araw lang naman tapos ay bakasyon niya. Siguro naman sapat na iyong dalawang buwan para maka-move on ako. Alam ko naman na matagal na kaming magkaibigan pero, walang masama kung aayusin ko ang sarili ko.

Napatingin ako sa salamin. Malungkot kong pinagmasdan ang mukha ko ro'n. Dati ay ayos lang sa akin na hindi maglagay ng kahit ano sa mukha ko pero dahil mugto ang mata ko. Wala akong choice kung hindi maglagay ng make-up.

Inayos ko muna ang buhok ko dahil medyo humahaba na ito. Dapat pala ay magpagupit nalang ako ngayon dahil hindi ako sa sanay pag ganitong lagpas balikat na. Gusto ko iyong hanggang leeg lang.

Tumayo ako nang masigurong okay na ang ayos ko. Dati ay excited akong pumasok ng maaga para madaanan ko sa trabaho si Gino, pero ngayon ay hindi kona puweding magawa iyon. Ayaw ko na.

"Good morning!" Masigla kong bati kay mama. Pinasandalan ako ng tingin ni Krystal. Mukhang maaga rin siyang papasok ngayon.

"Sabay na tayo." Tamad niyang sabi sa akin.

"S-sige." Naupo na rin ako sa tapat niya. Wala na si papa sa upuan niya, mukhang maaga siyang pumasok ngayon.

"Ayos kana ba, 'nak?" Tanong ni mama habang hinahaplos ang buhok ko.

"Upo. Okay na po ako. Oo nga po pala mama, magppagupit ako mamaya kaya baka po late na ako makauwe." Sabi ko sa kaniya. Tumango naman siya.

"You still have time, Zari, bakit gabi pa?" Tanong ni ate. Napabuntong-hininga.

"Magpapatulong ako kay Mary, maaga raw siya ngayon dahil may practice siya ng dance." Pinagtaasan niya ako ng kilay.

"So, you already talk to him?" She asked again.

"Oo."

"He rejected you again?" Tanong niya.

"Krystal, huwag mo naman pahirapan lalo ang kapatid mo." Nag-aaalang sabi ni mama. Tipid akong ngumiti at nagpatuloy sa pagkain. Hindi ko alam kung ano ba ang trip ni Ate Krystal sa buhay niya.

Nang natapos kumain ay nagpaalam na kami kay mama. Akala ko ay si Mang Nestor ang magmamaneho sa amin. Humigpit ang pagkakahawak ko sa bag ko nang makitang si Gino iyon.

"G-good morning." Bati ko rito. "Ako na. Kaya ko naman." Sabi ko nang akmang bubuhatin niya ang bag ko. Agad akong pumasok sa loob ng kotse. Sa likod ako naupo.

Yumuko ako habang nilalaro ang dulo ng librong dala ko. Narinig ko ang pagbukas ng front seat, mukhang doon sasakay si ate Krystal.

"May meeting pala after our class." Sabi ni Ate Krystal kay Gino.

"Ah yeah. Natanggap ko ng iyong message mo." So, may phone number pala siya ni ate? Kailan pa?

Pero hanggang isip ko lang iyon, sino ba naman ako para makialam sa buhay niya. Isa lang naman akong kaibigan, e.

"Good. So, sabay na tayong umuwe?" Napatingin ako sa rearview mirror, nahuli ko siyang nakatingin sa akin kaya agad akong nag-iwas ng tingin.

"Sure." Huminga ako ng malalim. Tapos na akong umiyak kagabi kaya okay na, Zari.  Huwag mong ipahalata na masyado kang nasasaktan sa nangyari, ano naman kung magkasama sila? Hindi ba choice mo naman na lumayo.

Mabilis kong binuksan ang pinto nang magpark kami sa tapat ng university. Hindi ko hinintay si Gino dahil nagmamadali akong magtungo sa likod kung saan naghihintay si Mary.

Nang makita si Mary ay agad akong yumakap rito. Mukhang nagulat siya pero mabilis rin naman niya akong niyakap. Hindi kami masyadong ckose pero siya ang alam kong makakaintindi sa akin dahil simula nung junior high school ay kaklase na namin siya ni Gino.

He's In Love With My Sister - (Alpas Series -1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon