College life is not that easy. Totoo pala talaga iyong sabi nila na ibang-iba ang buhay sa high school at College. Kung dati ay kaya ko pang mag-chill, ngayon ay hindi na. Minsan ay may limang oras pa ako para aralin ang mga subject ko pero, hindi pa rin iyon sapat.
Siguro dahil hindi naman talaga ako matalino. Na kahit anong aral ang gawin ko, sakto lang talaga.
"May practice ang mga cheer dancer at Varsity player." Sabi sa akin ni Mary nang magkita kami sa canteen. Naupo siya sa tapat ko.
"Girl, are you sick? Namumutla ka." Hinawakan niya ang noo ko. "Wala ka namang lagnat." Sabi niya nang hawakan niya ako.
"Napagod lang sa kaka-aral. Hirap maging engineering, e. Mukhang imbes na gusto kong magtapos ay ako pa ang unang matatapos." Mahina ng natawa si Mary.
"Baliw ka talaga! Oo nga pala, I saw Gino kanina. Bakit hindi kayo magkasama?" Tanong niya sa akin.
"Grabe! Para namang bawal akong mahiwalay sa kaniya. Busy sa practice, e. Isa pa, bet ko rin mag-aral dahil may quiz kami mamaya." Mapang-asar niya akong tiningnan.
"Nagtataka talaga ako kapag hindi kayo magkasama. Para kang buntot no Gino." Natatawa kong kinuha ang maliit na papel ag mahinang tinapon iyon sa kaniya.
"Baliw ka talaga. Sabay na tayong pumunta sa court." Tumango siya sa akin. Kinuha ko ang mga gamit ko. Mabuti nalang at talented talaga 'tong si Mary, hindi ako nahihirapan dahil madalas niya akong turuan ng mga step namin.
Nang nasa court na kami ay agad na kumunot ang noo ko. It's been months na rin simula ng nagsimula ang pasukan. May mga naging practice na kami, finalize na rin ang member ng mga cheer dancer.
"Ate, what are you doing here?" Tanong ko kay Ate Krystal. Tumabi na rin sa amin si Mary dahil siya ang leader namin.
"May audition raw for cheer dancer? Sabi ni Ms. Callezo ay magbabawas raw ng member." Nagkatinginan kami ni Mary. Siya kasi ang nag-finalize ng member at hindi iyon nakarating sa kaniya. Hindi ko tuloy maiwasang hindi kabahan.
Mukhang ayaw pa naman sa akin ni Ms. Callezo. No'ng audition nga ay kahit tama naman ang steps ko ay sinisigawan niya pa rin ako. Malay ko ba ro'n. Rinig namin ang sigawan ng ibang estudyante ng pumasok ang ilang Varsity players. Nasa unahan si Gino na ngayon ay salubong na ang kilay at mukhang wala sa tamang hulog.
"Austin?" Napatingin ako kay Mary na ngayon ay kunot na rin ang noo. Lumapit sa amin si Gino at gano'n din si Austin na ngayon ay nakangisi na sa akin.
"Miss me? Stop staring, Ms. Mariano." Natatawa niyang sabi. My lips parted.
"Anong ginagawa mo rito, Kuya? Don't tell me you transfer here? Hindi ka talaga nagbibiro?" Makahulugang tanong ni Mary sa kapatid niya.
"I'm serious about it, Baby." Sabi niya sa kapatid niya. Muli siyang tumingin sa akin kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin.
"Mas ginagalit mo si Ms. Callezo!" Napatingin ako kay Gino na kanina pa pala nakatayo sa harapan ko. Nahihiya akong ngumiti rito.
"Saan ka galing?" Tanong ko kahit alam kong may meeting naman sila kanina. Napalunok ako nang marahan niyang hawakan ang buhok ko at nilagay sa likod ng tainga ko.
"How's your practice?" Pag-iiba niya ng usapan.
"Hindi pa nagsisimula. Sabi ay may audition raw." Nakanguso kong sabi. Mas lalong kumunot ang noo niya.
"Hindi ba at tapos na iyon?" Tumango ako.
"Iyon nga din, e. Pero okay lang mapipili naman ako, e." Kamapante kong sagot. "Isa pa, para makahabol si Ate Krystal." Napatingin sa kaniya si Gino. Kitang-kita ko ang ilangan sa kanilang dalawa kaya muli akong nagsalita.
BINABASA MO ANG
He's In Love With My Sister - (Alpas Series -1)
JugendliteraturZariyah Krystelle Mariano, Is In love with his dad's personal driver. She confess her feelings to him but, Giovanni Salazar's rejected her. Date Started: March 14, 2024